Namaalam ang bagyo. Namaalam din ang aking pag-asa, yun ang akala ko. Bumalik ang araw. Bumalik ang summer na hindi ko inaasahan.
Tila nga ako'y Gumiho na sinasabayan ng langit ang aking pag-iyak. Napuno ako ng lungkot, kasabay nito ang langit na sumang-ayon sa aking damdamin. Napagod ako't huminto ang pagtangis. Sinama ko sa bagyo pati ang kapiranggot na pag-asang meron tayo. Pinakawalan kita, pinalaya ko ang sarili ko.
Naging maaliwalas ang langit. Hindi ko alam kung bakit. Yun pala ang puso ko'y sosorpresahin mo. Nagbalik ka. Salamat summer! Ayos lang sakin na mabuhay sa pang-aasar ng init mo. Sana lagi kong maramdaman ang yakap mo. Sana lagi kong makita ang pagsilip mo. Sana ikaw na lang ang tanging panahon ng buhay ko.
Sa pag-tigil ng ulan, mawawala ang malakas na hangin
ReplyDeletena humahampas sa ating nilalamig na damdamin.
Kasunod nito ang matagal nating hinihintay
na pag-sikat ng araw. Kung saan ang
bawat sinag nito ang bago nating kakapitan.
Para sa mas mainit na pagtangap natin
sa bagong pagkakataon sa ating buhay.