Friday, June 24, 2011

Ang Walang Kwentang Posporo


Di mo ako napahalagahan. Di mo ako pinaasa. Di mo man lang ako nabigyan ng pagkakataon. Kaya ngayon paunti-unting nauubos ang kakayanan mo para pasilabin ang aking damdamin. Paunti-unti akong nauumay sa gaas na iyong hinahain. Paunti-unti kong natututunang madami pa akong gaas na pwedeng matikman. Paunti-unti bumababa ang apoy na dati'y ikaw lamang ang may kakayanang pasiklabin. Ngayon, nabubuo na ang buhay ko kahit wala ang posporo mo.

2 comments:

  1. Ang Walang Kwentang Posporo

    -> Totoo, Lalo na pag nabasa na ito.
    Dahan-dahan sa paglipas ng araw
    mas gugustuhin mong masindihan
    sa apoy na galing sa kawayan.
    Kasi ito ay pinaghirapan.
    Yung hindi papabayaan mawala ang apoy,
    Babantayan kahit gaano kalakas ang ulan.

    ReplyDelete
  2. ang lalim ng
    tuyo ng damdamin
    mo sa posporo faye.

    -ace

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.