Isa akong kandado na matagal ng kumakapit sayo. Ang buong akala ko'y ikaw ang may hawak ng susi sa mga sagot sa madaming tanong ng puso ko. Hindi ko namalayan, na sa tagal kong pagkapit sayo, na halos kinakalawang na ang aking pundasyon, nakatago lang pala sa bulsa ko ang susi sa mga tanong ko.
Alam ko ang mga sagot, gusto ko lang kumapit sayo. Alam ko ang mga bagay-bagay, inaantay lang kitang akayin ako. Alam ko ang lahat ng kailangan kong malaman, umaasa lang ako na baka may gusto ka pang ipaalam. Na baka sa tagal kong kumapit sayo, nakita mo na kailangan mo din ang kandadong ito. Na baka sa kalawang na nabuo nating magkasama, hindi ka na hahanap pa ng makinis na kandado. Na sana ako na lang ang kandadong hahawak sayo hanggang ubusin tayo ng kalawang natin.
Hindi pala susi ang hinahanap mo. Hinahanap mo pala ang lakas para sirain ang kandadong ginapos mo sa iyong sarili.
ReplyDeleteWag ka mag-alala, wala namang nauubusan ng hininga sa pilit na pagkapit sa kumukupas na katotohanan.
Minsan isang araw, malalaman mo.
ReplyDeleteNa hindi lang pala ang susing ito
ang kailagan.
kundi isang maso,na mamaaring makasakit
sa tagal ng iyong pagkapit.
Yung aakalain mo na inalis ka
kasi wala ka ng halaga?
Yung iisipin mo na may kapalit kana.
Yun pala, gusto ka lang itabi.
sa bulsa, malapit sa kanyang puso.
Pasensya ka na?
ReplyDeleteKung ikaw ay aking nadismaya.
Sa totoo lang gusto ko ang iyong ginagawa,
ako'y iyong napapatunganga't napapahanga.
sa ganda at lalim ng iyong gawa.
Hindi ko maibigay ang komentong
sa iyong isinulat ay lalapat.
Pasensya hindi na muling mauulit.