FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Sunday, June 19, 2011
Ang Daan Patungo Sayo
Minamaneho ko ang buhay pag-ibig ko. At sa daan patungo sayo, wala akong kasalubong. Hindi mo ako sinasalubong. Kasabay ng pagmamaneho, ang pagpatak ng ulan sa akin na tila ba mga itak na tinataga ako ng katotohanang ang daan na aking tinatahak ay maaaring isang daang patungo sa pag-ibig na kailan man ay hindi mo kakayaning sabayan. Na kailan man, malamang, hindi mo gugustuhing tumbasan. Ayoko pang huminto. May gas pa ako. Full tank pa ako. Baka kasi naiipit ka lang sa trapiko dyan sa EDSA ng daan mo patungo sa akin. Wag kang mag-alala, tuloy-tuloy lang ang byahe ko hanggang magtagpo tayo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Masikip, Sobrang trapik.
ReplyDeletenahihirapan akong makadiskarte.
wala ka pa kasi sa aking tabi para ako'y matapik.
at sabihing "o mali yan!wag dyan. Dito tayo."
sana lang hindi ako mali ng nadaan,
kahit ako'y matagalan,
sayo naman ako patungo.
kung ikaw ay natatagalan, hintayin mo ako.
Hindi man, nais kong magkasalubong nalang tayo,
yung hindi ako masisiraan at
hindi ka mawalan ng gaas sa daan.
Mangyari man, maglalakad nalang,
patungo sayo.
Tuloy lang, wag kang titigil.
ReplyDeleteHindi uso ang stoplights at traffic regulations dito sa highway ng buhay.