FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Sunday, June 26, 2011
Ang Pagbubukas Ng Aking Tindahan
Natapos na ang kahapon. Natikman ko na ang jellyace na minsan kong pinangarap. Naglaho na ang lasa mo. Naisama na kita sa ipon ko sa bangko ng aking alaala. Parte ka na lamang ng mga kinita ko. Ngayon ay bagong pagbubukas ng tindahan ng aking puso. Maraming pumapasok, pero iisa lang ang nais kong patuluyin. Sana umabot siya. Sana siya na nga. Handa na akong buksan 'to. Handa na ako basta para sa kanya. Kung pwede lang sumigaw yun guardya ng puso ko, edi sana alam niyang siya na yung inaantay kong pumasok sa pinto ng tindahan ko. Sana alam mong ikaw na ang customer na inaantay ng puso ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
sabihin mo na kasi.
ReplyDeleteIsang araw sa buhay ng guardya mo,
ReplyDeletemagugulat siya at may isang tao
na pipilit papasok sa tindahan mong sarado.
Sasabihin na "Baka ako ang sagot para
maka-target kayo."
Maisasama mo na din siya sa bagong
bilang sa magandang kita ng tindahan mo.
Makakaimpok kana ng mas magandang
alala para sa bagong bangko mo.
psst.. anonymous? may blog ka? galing mo! ;))
ReplyDelete