Monday, July 18, 2011

Ang Islang Malayo

1
Ako'y naulol na parang aso,
Nang binasag nya 'kong parang baso.
Kaya taong sarado ang puso,
Na parang di na muling uuso.

2
Ngayon, puso'y iyong kinakatok,
Muling napawi ang aking antok.
Nakarinig muli ng paputok.
Puso'y handang muling lumagatok.

3

Kung ikaw nga lang ay binibenta,
Sa kalye, makiagaw sa bata,
Ako'y pupulot ng mga lata,
Mapag-iipunan ka din, Sinta.

4
Sa islang malayo, isla doon,
May Eagle na pag-ibig ang baon.
Sa paglipas ng mahabang taon,
Sana nama'y ika'y maging ka-on.


***Ito yun tanging tulang ginawa ko na seryoso naman ako, di ko lang ma-express ng mabuti yun pakiramdam ko. Masaya kasi ako. Masaya ako dahil sa Diyos, pamilya ko, kaibigan ko. Bonus ka lang, isa kang sobrang gandang bonus sa buhay ko. Sobrang blessed ko lang. >:D<

***Tongue in a lung na tula, ginawa ko nung ako'y natulala.

***3:59 PM Hematology

1 comment:

  1. Ako ay nasa dako paroon.
    Sa isang malayong islang naka-kahon.
    Pilit kong gustong kumawala, maka-labas.
    ngunit natatakot, baka ika'y lumagpas.

    Nag-aabang sa malayong nayon,
    Baka ako'y iyong mai-ahon?
    Naka-upo minsan naka-higa,
    nakatulala habang naka-tingala.

    Maganda ang pag-kaka-asul ng langit
    Nakaka-tuwang pagmasdan ang mga ulap.
    Ang araw ay walang init.
    Nakaka-galak parang naglalaro sa alapaap.

    Nararadaman kong ako'y matatapos na
    parating na sa huling pahina.
    Sa unang yugto ng aking isinusulat na istorya,
    kung saan ikaw at ako ay magtatagpo na.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.