FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Sunday, July 3, 2011
Ang Bakas Ng Isang Linggo
Tuwang tuwa akong linisan ang lapag na buong buhay kong iniingatan. Buong buhay akong nakangiti, minsan lumuluha, habang nilalakaran ang lapag ng buhay ko. May mga nag-iwan ng bakas, may mga masayang bakas, meron ding hindi. Sa tagal kong iningatan ang lapag na 'to, isang linggo akong nalingap. Natuwa yata ako sa taong yumapak sa lapag na iniingatan ko. Akala ko nga buong buhay kang tatapak dito, pero nilimitahan mo sa isang linggo. Isang linggo pero ito ang bakas mo. Isang linggo lang, isang linggo lang naman pero buong buhay ko na namang susubukang linisan ang iniwan mong bakas. Ayoko ngang linisan kasi umaasa pa akong gugustuhin mong tumapak at hindi na iwan pa ang lapag ko. Pero wag ka sanang tatapak ulit kung gugustuhin mo lamang na linisan ko ang lapag na muli mong lilisanin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Aalis muna ako. Babalik din ako agad.
ReplyDeleteKahit hindi na yun ang iyong hangad.
May aayosin lang ako. Oh!Baka mapagod ka?
Magpahinga ka muna. Ako nalang ang maglilinis
ng mga bakas na yan. Tutal ako naman ang
may kagagawan nyan. Sana Pag balik ko,
kahit papaano e may katiting pa akong
bakas na naiwan sayo. Baka kasi kahit kapirasong
bakas wala ng natira at baka dahil nalinis mo na.
Ganoon pa man, kung ako ay muli mong pagbibigyan.
Gagawa ako ng panibagong bakas sa buhay mo,
Yung mas malalim at mas maganda sa nagawa ko noon.
Sisiguraduhin kong ang bawat walang hanggan mong
bukas ay may magandang babalikan na bakas.