Friday, February 28, 2014

Globe's Service: 0 out of 10

Buong pamilya ko, naka-plan sa Globe. Anim kaming naka-postpaid sa Globe. Akala ko kasi maganda ang service, akala ko okay ang billing, akala ko maayos kausap, AKALA KO LANG PALA.

My father surprised me with an iPhone 4 from Globe postpaid last July 17, 2011. Syempre masaya, wala na akong problema sa load. 1,500 pesos monthly kasama na yung unlimited calls and texts sa Globe at TM. Buong pamilya namin, kinuhaan na ng plan ni papa sa Globe kasi noong una, ang dali nilang kausap. Noong nag-ask kami ng 3 iPhones, at 3 Blackberry, approved agad, nakuha namin agad sa Globe center.

I had to get an additional service from Globe, yung unlimited 3g. So, nag-2,500 pesos ako monthly.

After 2 years, tapos na ang contract. That's last year (July 17, 2013) but I decided not to get a new phone yet. I was waiting for the iPhone 5s pa. By December 2013, I called Globe to re-contract my plan so I can get a new phone. I wanted a 64gb Gold iPhone 5s pero wala. Sige, halos araw-araw noong December akong tumatawag sa Globe kasi gusto ko na nga ng bagong cellphone, at nasasayang yung 2,500 na binabayaran ko monthly, kung ang offer sa bagong phone ay 2,798 pesos monthly.

Ang kinakagulat ko, yung kaibigan ko na kumuha ng bagong plan sa Globe, nakakuha ng 64gb agad, pero bakit sa recontract hindi inooffer yun? OKAY. Sige, unahin ninyo yang mga bagong kliyente ninyo, at wag ninyong bigyan ng pansin yung MATAGAL ninyong clients na.

By January 2014, sa wakas, nagkaroon din ng 64gb, hindi nga lang gold pero swak na din. I decided to get one pero biglang sinabi ng agent na hindi pwede kasi ang limit ng plan ko is 2,500pesos lang. So, sinabi ko baka may mas mababang plan na pasok agad, yung susunod ay 2,598pesos na hindi din daw pasok. Sige. Sana kasi sinabi noon pa, hindi yung ngayon lang pero iintindihin ko, ako ang walang alam e. 

January 20, 2014, I called Globe billing department to ask for an increase on my plan's limit -- from 2,500 pesos to 10,000 pesos. They told me to pass certain requirements to get an approval from their support team. The following day, I fax-ed every requirement for me to be able to get an approval asap 'cause I wanted to get that 64gb iPhone (syempre, nag-antay ako ng isang buwan, yun pala di ko din makukuha, kaya sana madaliin nila ito). They told me to wait for 24-48 hours for their support team's approval. To my surprise, how many days have passed by, they never gave me an update. I decided to call them by January 24, 2014. Halos araw-araw na akong tumatawag pero parepareho yung sinasabi ng agents "I'm sorry for the inconvenience, Ma'am. I will make a report about this and will give you a feedback once we have talked with our support team." WHATEVER. Gumasgas na ang linya ninyo, yan pa din ang sinasabi ninyo.

January 30, 2014, I decided to call Globe again dahil wala pang update na naman. Kuha ng kuha ng number ko para daw tawagan ako for updates, pero ni isang tawag wala akong natanggap. I talked with Ken this time, he told me "Ma'am, ang processing po kasi ng files once masubmit is 5 business days po. E nag-attach lang naman po kayo ng requirements noon Jan 28 kaya po hindi talaga ito agad mapaprocess" Uminit ang ulo ko. I told him that I have a proof that I fax-ed everything last January 21, 2014 sa UP Shopping Center. Pinapalabas kasi na di ako marunong magbilang ng oras at araw tapos sasabihin lang na "I'm sorry for the inconvenience Ma'am" NA NAMAN! Wala na kayong ibang linya sa clients ninyo? 

February 25, 2014, MORE THAN 1 MONTH SIMULA NUNG NAGPASA AKO NG REQUIREMENTS, ITO PALA YUNG SINASABI NG GLOBE NA 24-48 HOURS NG SERVICE, kasi dito pa lang na-approve yung limit. Syempre kakalimutan ko na yung nangyari dahil sa wakas na-approve na ako. I called Globe recontracting team again to get a new phone, then they told me that there's no 64gb available then I got a call waiting (739-2222) ito pala yung Globe para lang i-update ako na nagkamali sila ng approval daw. Bukas ko na lang daw asahan uli yung tawag nila. Edi binaba ko na yung phone pati sa recontracting team dahil nakakahiya diba?

February 26, 2014, sa wakas seryosong na-approve na ako. I called the recontracting team agad-agad. I decided to settle sa 32gb Gold iPhone 5s dahil walang 64gb na available. I got this for 2,798pesos monthly, with unlimited LTE and unlimited calls and texts to Globe and TM. Okay na. Kinalimutan ko na ang pangit na service. The agent told me that I'll receive the phone yesterday (Friday, February 28, 2014) kaso wala. 

Today, March 1, 2014, my sister told me to call Globe to ask an update. Ayoko na sana kasi feeling ko matatanggap ko din ngayon yung iPhone. 10:21am tumawag pa din ako. Gusto ko lang ng update. ANO YUNG PINAKANAKAKADISAPPOINT? Sinabi ng agent na "Ma'am, sorry for the inconvenience. Hindi pa po na-didispatch yung phone dahil walang available na Nano sim. Simula lang po kasi ng 2-3 business days na waiting once ma-dispatch pero di kasi madispatch kasi walang maibigay na Nano Sim" I wanted to scream that time but I remained calm (I tried). I told her na "You could've updated me with this issue, hindi po yung nag-aantay pala ako sa wala." NAPAKAWALANG KWENTANG SERVICE NG GLOBE. I asked her "E kailan po ba magkakaroon ng Nano sim?" Sabi ng agent "Ma'am actually once you received the phone, you can visit the nearest Globe center and you can get a free nano sim there." and there, mas walang kwenta. Pwede naman pala akong kumuha ng Nano sim sa Globe, edi sana sinend ninyo na ang phone.

NAPAKAWALANG KWENTANG SERVICE NG GLOBE. Ang 24-48hrs approval ng increase sa limit naging more than 1 month. Ang availability ng handset, hindi halos binibigyan ng consideration ang may loyalty plans. Ang delivery ng phone na dapat 2-3days, sana wag naman isang buwan na naman. Nag-antay ka ng more than 1 month para magkaroon sila ng 64gb iPhone 5s, tapos nag-antay na naman ako ng higit isang buwan para sa approval ng increase sa limit, tapos mag-aantay na naman ako ng sana isang linggo lang para sa delivery ng iPhone 5s. 

I HATE YOU GLOBE. 10 as the highest, you get 0 for your service. 

Saturday, February 22, 2014

Original Song: Someday By Wonder



Started this February with a crazy idea of surprising someone with a song (I'd do it 'cause it's love month para nakakakilig :> ) I know that it will be so much more special if I'll have an original song made for that person. I decided to message Hannah, a youtube singer/composer, commissioned her to compose a song. Told her my story and the theme that I wanted in the song. Settled my payment and I waited for weeks. Just tada! got this song. 

It's so special to me. I just hope it will also be special to that someone. You certainly know who you are, diba? :) 

These are my favorite lines:
-The warmth of your smile fades away.
-Leaving you gets harder everytime we have to part
-I smile to myself and know, I got you <3
-I know it's wishful thinking on my part, we've got our separate lives that's what makes this all so hard. But I can't help it darling, I can't help the way I feel. Maybe someday it will all work out, somehow, but
for now, you live here, and I live there, someday in the middle we meet somewhere, I make you laugh, we fall in love.

Music and Lyrics: HannahBallistic / Wonder

Leaving this song with love and kisses. Will be back by April, as soon as my semester will be done.

XOXO, Kat

Ang Irregular Student Na Gustong Mag-Doctor

Ako si XXXX XXXXXXXXX OPMACO, RMT. Isa akong 2nd year irregular Medicine student ng FEU-NRMF. Oo, may binagsak na ako. Oo, may singko na ako. Oo, pangit na ang TOR ko. At oo! nangangarap pa din akong maging doctor.


Mag-da-drop na ba ako? Mukha kasing di ako papasa e. Baka ni hindi ako makapag-removals. Malamang automatic failed na ako.

Tumatakbo sa utak ko ilang araw na. Ilang beses ko pang hiniritan ang magulang ko na "Baka i-drop ko po ang Lab Diagnosis dahil uunahin ko po muna yung Pathology at Pharmacology." pero wala akong narinig sa Mama ko kundi "Sige lang, Neng! Kung yan sa tingin mo ang maayos." Samantalang ang Papa ko na man of few words, sa konti ng salitang sinasabi niya, ni wala siyang imik tungkol dun. Tinawanan lang ako pero sa tingin ko masama ang loob niya. Sino ba namang magulang ang matutuwa na bobo yung anak nila? WALA. Kaso ako yung naging anak nila e. Yung dating nage- excel sa College, na na-irregular sa Medicine.

Ang dali sana ng buhay ko kung papasa ako, kung siguradong papasa ako. Yun nga lang kasi, minsan masarap isipin kung papasa ka kahit na pumepetiks ka, pero ang totoo, ibinigay mo na ang lahat mo, hindi pa din sapat, hindi sapat para pumasa. Nagpuyat ka man, hindi naman kasiguraduhang 100 yung makukuha mong grade. Yun yung nakakaasar na katotohanan. Kaya minsan, papangunahan ka ng katamaran, yun tipong "Kahit anong gawin ko, babagsak ako. Itulog ko na lang 'to, di pa ako puyat"

Siguro simula nung naging irregular student ako, nawala yung confidence ko sa lahat ng bagay. Simula nun, lagi kong naiisip na "Hindi ko kakayanin 'to". Akala ko kasi na kapag irregular student ka, mag-iiba na yung tingin sayo ng ibang tao, lalo na nung mga doctor, lalo na ng magulang ko. Akala ko kasi di kayang tanggapin ng magulang ko yung kalagayan ko. 

Nung Thursday, consultation ng grades sa school. Sa loob ko alam ko ang sasabihin lang ng mga doctor "Mag-drop ka na, iha." o kaya "Ang layo na sa katotohanan ng grades mo, iha. Mabuti pang bitawan mo." Sige, lakasan ng loob. Bahala na pero ang pinakanakakagulat sa lahat, yung ngitian ka ng mga adviser mo sa dalawang subject at sasabihin sayong "Kaya pa yan! Wag mong bibitawan 'to." Hindi ko inaasahang sasabihin ni Dr. Viterbo at Dr. Bongat yun. Totoo, mas hinanda ko ang sarili ko na sabihin sa aking bitawan ko na 'to kasi wala akong pag-asa. Yun yung mali. Yun yung di dapat.

Agad kong tinext yung magulang ko na hindi ko naman pala kailangang mag-drop. Masaya yung Mama ko para sa akin, pero iba yung Papa ko. Sabi niya parang "Ikaw kung kaya mo talaga! Kung aabot ka sa grade na yun na di ka mahihirapan. Basta kung anong piliin mo, okay lang."

Akala ko kasi kapag may ibinagsak ka, magbabago ang tingin sayo ng ibang tao. Ang akala ko kasi kapag nagka-tres o singko ka, manliliit ang tingin ng lahat sayo. Akala ko kasi na kapag na-irregular ka, hindi ka na katulad ng ibang taong regular. Akala ko kasi kapag pumalya ako, hindi ako matatanggap ng pamilya ko. Hindi pala. Hinding hindi.

Dito ko naramdaman na, I underestimated my parents' love for me. Sinabi ko sa Mama ko na, "Ma, hindi ko inaasahan na sasabihin yun sa akin ni Papa." Nakangiti siya sabay sabing "Alam naman kasi ng Papa mo na mahirap." Dun ko naramdaman na, higit sa suporta ng ibang tao, iba sa pakiramdam na tanggap ako ng magulang ko sa kakayanan ko, sa kung ano ako, sa kung anong kahinaan ko. Kahit pala na-irregular ako, hindi naman pala nagbago yung tingin nila sa akin, hindi naman pala bobo yung tingin nila sa akin. Na kahit ganito lang ako, sinusuportahan pa din nila ako na maging doctor. 

Dito sa Medical school, di pala sukatan kung regular ka o irregular. Syempre, ang lupit ng regular students para kayaning lagpasan yung lahat ng pinagdaanan nila ng hindi bumabagsak, pero hindi ibig sabihin nun, mas may karapatan na sila sayo para sa pangarap na inaasam mo. Nagkamali ka lang pero hindi ibig sabihin nun, mali ang tinatahak mong landas. Regular o irregular, PANTAY LANG. Pantay lang ang pangarap ninyo. Pantay lang kayo.

Dito sa Medical school, dapat mong palibutan ang sarili mo ng mga taong naniniwala sa kakayanan mo, para kung dumating yung panahon na di mo kayang maniwala sa kapasidad mo, may mga taong ipapaalala sayo kung anong meron ka. Dapat mong yakapin ang mga taong naniniwalang karapatdapat ipaglaban yung pangarap na inaasam mo para sa panahong nahihirapan ka na, may magpapaalala sayo yung rason mo para abutin yung pangarap mo.

Dito sa Medical school, di pala pataasan ng grades kasi di ito quiz bee na patalinuhan. Dito pala, pataasan ng pangarap. Palakasan ng loob. Patibayan ng sikmura. Kasi kung gaano kataas ang pangarap mo, mas nanaisin mong maabot yun. Kasi kahit ilang bagsak pa yan, kung malakas ang loob mo, hindi ka titigil, hindi ka bibitaw. Kasi kahit ano pang iharap sayo, kakayanin mo, kasi matibay ang sikmura mo, matibay ka.

Kung magda-drop ka, paano ka papasa? Kung hahayaan mo na lang, paano mo maabot yung pangarap mo? Kung di mo susubukan ngayon, kailan pa? Kung bibitaw ka, paano ka magiging doctor?

Ang pagdodoctor, parang pag-ibig. Hindi ka aasang mamahalin ka, pero susubukan mo. Susubukan mo kasi mahal mo. kasi gusto mo. Ang pagdodoctor, parang pag-ibig, may tamang panahon, may tamang pagkakataon, darating na lang sa panahong handa ka ng pangalagaan, at di bibitawan yun kaya mapapasayo na. Ang pag-ibig, pang habambuhay, parang pagdodoctor lang.

Ako si XXXX, RMT. Isa akong 2nd year irregular Medicine student ng FEU-NRMF. Oo, may binagsak na ako. Oo, may singko na ako. Oo, pangit na ang TOR ko. Oo, nangangarap pa din akong maging doctor. At oo, magiging doctor ako sa panahon na nilaan ng Diyos para sa akin.

Saturday, February 15, 2014

Ang Gustong Maging Doctor

Ako si XXXX, RMT. Ako'y isang 2nd Year Medicine student ng FEU-NRMF Institute of Medicine, Dahlia, Fairview at kasalukuyan, ako'y gumagapang sa Medisina. 


Sabi ng iba, pumasok sila sa Medical school para makatulong sa ibang tao. Sabi naman ng iba, aalis sila ng Medical school para tulungan ang sarili nila. Nakakatawa? pero ito yung katotohanan.

Hindi ako naiiba. Totoo lang, ang pangarap ko lang noon, maglaba ng damit ko. Wala akong plano sa buhay ko. Nung elementary at high school, taon-taon akong pinapatawag sa Prefect of Discipline's office, kaya akala ng lahat wala akong patutunguhan. Kahit ako din, wala naman akong naisip gawin sa buhay ko basta kahit anong mangyari sumaya lang ako, swak na yun.

Naging Medtech student ako (sa FEU-NRMF din). Wala lang. Hindi naging sobrang madali, pero kahit walang aral, makakapasa. Madalas nasa top pa yung score ko. Syempre, feeling matalino ako noon. Walang notes. Mag-aaral ng 9pm hanggang 10:30pm bago ang exam kinabukasan, tapos okay ang grades ko. Wala akong problema.

Nag-intern ako sa Veterans Memorial Medical Center, at dun nagbago yung "walang plano" sa buhay na ako. Nagkaroon ako ng isang duty na derechong 36 hours. Walang ligo. Iglip lang ng sampung minuto. At uuwi na sana ako nung may biglang humabol na papakuhaan ng dugo sa isang ward. Bangag na bangag na ako pero wala akong choice. Sige, minadali ko talaga. Pagdating ko sa kwarto ng pasyente. Isa siyang retired army na sobrang malaking lalaki. May edad na pero kitang kita mo pa din yung laki ng muscles niya, dahil nakasando lang noon ang pasyente. Syempre, kinuhaan ko agad para makaalis agad. Nung ililipat ko na ang dugo sa test tube, hinawakan ako ng pasyente sa braso ko. Napatingin ako. Sabay naluluha siyang sinabi "Iha, salamat ha? Wag kang magsasawang tumulong sa katulad ko. Wala kaming pambayad kaya nandito kami kaya nga laking pasalamat ko na may mga katulad ninyong tinutulungan kami kahit wala kaming bayad." Nakatingin lang ako sa kanya at seryosong gustong lumabas ng sipon sa ilong ko na uunahan pa sa luha ko dahil sobrang naiiyak ako sa sinabi ng pasyente. Saka ko naisip maging doctor. Saka ko naisip na kaysa sayangin ko yung buhay ko sa kakatambay lang, bakit di ako magdoctor para kung may kaya akong itulong sa iba, mas magagawa ko kung magiging doctor na ako.

Pumasok ako ng Medical school. Unang taon, petiks. Isinabay ko ang board exams ng Medtech. Kaya naman pala. Kaya pa din pala. Yun ang akala ko. Nagbago ang lahat nitong first sem ng second year. Hindi ito yung bagay na naisip ko. Hindi ako sanay sa panggulat ng exams ng Pathology department, lalo na ng Pharmacology department. Unti unting nawala ako. Unti unti kong naisip na "Bitawan ko na kaya 'to?" Sobrang hirap lang ako. Nasa punto ako na feeling ko sobrang bobo ko. Parang wala akong natututunan. Parang di ako makasabay sa lahat. Parang walang tumatatak sa utak ko. Hanggang ngayon, hindi ko alam paano hahatakin yung sarili ko. Pero ayoko. Hindi ko pipiliing itigil 'to.

Dito sa Medical school, ibang iba na. Kahit na mag-aral ka buong gabi. Kahit na ginawa mo na lang 5 oras yung 8 oras na tulog mo noon, halos di ka pa din papasa sa shiftings. Yung unang 30 minutes ng lecture ganado ka pa, pero sa mga susunod na minuto parang dekada ang inaantay mo matapos lang ang lecture dahil yung utak mo sasabog na sa itinuturo sayo ng doctor na di naman na pumapasok sa kokote mo. Yung isang oras lang na break mo na 12pm-1pm araw-araw, meron pang shiftings na 12noon-12:30pm. Yung sa isang araw, may reports ka sa iba't ibang subject, kasabay pa noon yung practicals mo sa iba pang subject, idagdag mo pa yung quizzes mo sa iba na namang subject at yung sa inaraw-araw na shiftings mo na iba na namang subject. Dito, magbabayad yung magulang mo ng higit pa sa 100,000 pesos per semester para lang sa tuition fee mo samantalang yung mga ka-batch mo nung elementary, high school at college, kaya na nilang buhayin yung sarili nila. 

Dito pala sa Medical school, hindi pwedeng gusto mo lang maging doctor. Hindi din pwedeng mahal mo lang 'tong bagay na 'to. Pwede kasing gusto mo pero iiwan mo kapag nagkamali na. Pwede kasing mahal mo pero bibitawan mo kapag mahirap na. Sa Medicine, dapat kahit bumagsak ka ng paulit-ulit, kahit ilang tres o singko yan, ang mahalaga yung palaban, yung desidido, yung di hihinto, yung di aayaw, yung di susuko, yung babangon ng babangon hanggang maging doctor siya. 

Hindi lang tayo basta bastang mga estudyante dahil tini-train tayo ng todo kasi tayo yung mga susunod na henerasyon sa Medical profession. Ang mga marka na makukuha natin sa exams ay hindi bubuo sa kung ano ang kakayanan natin, sinisigurado lang nila na may sapat tayong kaalaman. 

Siguro nga hindi na magandang tignan ang TOR ko, pero pumasok ako sa Medical school hindi para maging magaling na estudyante. Pumasok ako sa FEU-NRMF Institute of Medicine para maging isang magaling na doctor. 

Magiging doctor din ako, sa tamang panahon, sa panahong nilaan ng Diyos para sa akin.

Friday, February 14, 2014

Ang Valentines Day 2014


Kung may ngipin ka man o pustiso na o kung gilagid na lang kung may buhok ka man o kalbo, kung may jowa ka man o kalandian o jojowajowaan lang, kung kakabreak ninyo lang o di ka pa talaga nagkaroon, kung may bulaklak ka man o wala, kung may date ka man, wala man lang nag-imbita sayo o sarili mo lang ang date mo, kung may trabaho ka man ngayon o may exam, kung may pera ka man o wala, hindi naman yan ang mahalaga ngayon.

Kung wala kang ngipin, ngumiti ka lang! Wag mong ipagdadamot yan sa sarili mo.

Kung wala kang buhok, isipin mo na lang, at least may ulo ka.

Kung may jowa ka o kalandian lang o jowajowaan lang, ang mahalaga iparamdam mo lang na importante siya sayo.

Kung kakabreak ninyo lang, tandaan mo sa school yan ang inaabangan ng lahat. Ibig sabihin, wag kang masyadong malugmok! Move on move on din! Kung di ka pa nagkakaroon, antay ka lang. Darating din yun.

Kung may bulaklak ka man na natanggap o wala, ang mahalaga alam mo na may nagmamahal sayo at di basehan yung mabulaklak na mga bagay.

Kung may ka-date ka man, enjoy lang. Kung wala man lang nag-imbita sayo, imbitahan mo ang pamilya mo. Ang valentines hindi lang para sa magjowa, para 'to sa mga taong nagmamahal, at panigurado hindi palyado ang pamilya mo sayo pagdating sa pagmamahal nila sayo.

Kung may trabaho ka man ngayon o may exam, madami pang ibang araw. Di naman kailangan ipilit ngayon ang mga bagay na di pwede.

Kung may pera ka man o wala, ayos lang yan! Sabi nga, kung gusto, madaming paraan.

Kaya ngayong Valentines, sabihin mo sa mga mahal mo na mahal mo sila. Gumawa ka ng love letters. Magluto ka para sa kanila. Magjoke ka ng sobrang mapapatawa mo sila. Hindi lang 'to para sa magjowa, para din 'to sa pamilya at magkakaibigan! Kaya sige na, wag ka na magpatumpik tumpik pa, may oras pa, magcelebrate ka na ng Valentines!

PS. Single ako, at masaya ako ngayon. Binili ko 'tong mga bulaklak na 'to para sa Mama, Tita, Lola, Sister at dalawa kong pinsan na babae. Binilhan ko si Papa ng cake. Pwede yun! Pwede mong lambingin ang pamilya mo (hindi lang ang jowa mo)

PPS. Ang lupit ng Beta Sigma! Salamat sa bulaklak! 2nd year na 'to! Solid kayo! Sa susunod ulit :)




Monday, February 10, 2014

Ang Wrong Timing


Hindi ako yung taong seseryoso sa lahat ng bagay. Di din ako yung taong handang magbigay ng oras para sa ibang tao. Mas lalong hindi ako yung taong magbibigay ng pagkakataon sa mga tao, pero iba ka. Iba ka sa lahat.

Ako pa ang lumapit sayo. Ako pa ang pumansin sayo. Ako pa ang ngumiti sayo. Ako pa, ako pa. Ako pa na handa na uli magseryoso. Ako pa na pagkalipas ng mahabang panahon, gusto kong magbigay ng oras sa tao -- sayo. Ako pa na handa na uli magbigay ng pagkakataon -- pero sayo lang.

Yun nga lang, wrong timing. Nung ngumiti ako sayo, ngumiti ka din. Nung tinignan kita, tumingin ka din. Nung kinausap kita, kinausap mo din ako. Nung naging masaya ako sayo, naging masaya ka din sa akin. Nung handa na ako, hindi ka pa pala handa. 

Wrong timing. Wrong timing pero sana magkaroon tayo ng tamang timing kasi alam ko sa sarili ko, na sa oras na yun, hindi lang tayo magiging masaya -- tayo na yung magiging pinakamasaya! Wrong timing pero steady ka lang, walang nagmamadali. Wrong timing pero tandaan mo, nandito lang ako para sa pagdating ng tamang timing.


Para sa pinsan ko, T**. I'm so happy that you're happy!! Sana nga dumating ang tamang timing para sa inyong dalawa ni PGC. <3 Kinikilig ako for real! 





Sunday, February 9, 2014

Ang Manok Na Si NokNok By Janika



Si Janika ay aking bebe pinsan. 
Sobrang gusto kong i-share sa inyo itong magandang kwento ni NokNok Manok na mapupulutan ng aral.

Enjoy!
Have a blessed night :)


Saturday, February 8, 2014

Ang Periodic Table Of Elements

Kumuha ka ng papel at Periodic Table of Elements. Subukan mong intindihin ang sasabihin ko, kung gusto mo akong maintindihan

1

Iodine
Lutetium Vanadium
Uranium
Astatine
Sulfur Sodium
Magnesium Lanthanum Hydrogen Oxygen
Sodium!! :'(


2
Carbon Aluminum Lanthanium

Carbon Oxygen
Iodine Barium
Calcium
Praseodymium Oxygen
Hydrogen Iodine Neodymium Iodine.


3
Manganese Hydrogen Aluminum
Potassium Iodine Tantalum.

4
Boron Nickel Gallium Yttrium
Carbon Oxygen
Lanthanum Hydrogen Astatine
Praseodymium Oxygen
Carbon Sodium Potassium Tantalum Nitrogen
Molybdenum
Carbon Oxygen.

5
Silicon Germanium
Potassium
Lanthanum Yttrium Oxygen
Calcium
Potassium!!

6
Tungsten Silver
Molybdenum
Potassium
Carbon Oxygen
Potassium Americium Uranium Sulfur Thorium Indium.


Gusto kong maintindihan mo ako. Intindihin mo ako. Ayoko ng maging parte ka ng buhay ko. Ayoko na din na bigyan mo ako ng lugar sa buhay mo. Sige na, hanggang dito na lang.

Sunday, February 2, 2014

Ang Usapan Bago Magsimba


Napaaga yung punta namin sa simbahan, hindi pa pala tapos yung simba bago sa talagang oras ng simba namin. Kasama ko ang pinsan ko (P) at kapatid ko (K) habang nag-aantay kami sa labas ng simbahan.

Hindi ko alam paano nag-umpisa, ang alam ko lang nag-uusap kami kung anong gagawin ng pinsan ko kapag nakatapos na siya ng kolehiyo nitong taon hanggang napunta ata sa usapang pag-ibig.

P: Ate, parang ikaw material, ako user.
Me: Anong ibig mong sabihin? na ako gumagastos? E ako mas may pera, wala naman masama dun. Ikaw din naman kay R diba?
K: Oo nga, ikaw nga gastos ng gastos kay R.
P: Hindi ganyan. Isipin mo ako si G. Madami akong choices, ikaw isa sa choices ko. Material kita. Ako, user.
Me: Punyeta ka! Tumagos ha? Oo na. Choice lang ako.
K: Ate, pinipili ka niyang mag-stay. O, pampalubag loob yan!
P: At least isa ka sa choices, malay mo tatlo kayo, o may limang iba pang choices.

Naglakad. Nag-iba ng pwesto.

Me: Punyeta ka! Di ako makaget over. Oo na, isa lang ako sa choices niya. Lumalayo naman ako e!
K: Ate, dapat nga matuwa ka pang isa ka sa choices, ibig sabihin nun, hindi siya satisfied sa girlfriend niya. Hindi na 'to pampalubag loob. Basta di ikaw yung naghahabol, basta siya naman yung paramdam ng paramdam, problema niya na yun. Problema na niyang di siya kuntento sa girlfriend niya at di niya maiwan. Problema niyang nagpaparamdam siya sayo pero di ka din niya kayang piliin. Problema niya na yun. 


Naniniwala ako sa lahat ng pinipili ko sa buhay ko pero may mga panahon na sadyang may mga tamang salita na nanggagaling sa ibang tao. Naniniwala ako sa sinabi ng kapatid ko, na hanggang pinapanindigan kong maging mabuting tao, hanggang pinipilit kong umiwas sa mga bagay na alam kong may masasaktan, hangang sinusubukan kong lumayo sa mga bagay na alam kong may matatapakang iba, alam kong nasa tama ako. 


Saturday, February 1, 2014

Crazy Feb

Started this February with craziness!!! Mind you, I'm single and I'm just happy but once in a while, I have this crazy idea to prepare something for someone or some people and I JUST DID.

I'm excited to share something to all of you very very soon!!! Since last year, I've been crazily addicted looking for someone to make my idea into reality and it's almost there, thank God! I'm really looking forward to make this "someone" feel how much that "someone" means to me. It cost me crazy amount of money but yes, I know this will make "someone" ' s February amazing (or that someone's 2014 maybe) !!! :)

I just want this 2014 to be an amazing year not just for me but also for the people I do love.
Let's make an awesome 2014.

PS. I attached here an awesome song that maybe you'd like to listen to. She's Hannah and she's the one who helped me with the crazy ideaaaaaa for that "someone".


Ang Mga Salitang Ayoko Sanang Sabihin




Nakangiti. Yan ako. Yan lang ako. Yan lang sana.

Totoo lang, katulad ako ng kahit na sinong tao. Ang dami-dami kong naiiisip. Ang dami kong gustong gawin. Ang dami kong gustong sabihin. Ang dami kong gustong itanong. Ang pagkakaiba ko lang, madalas, derecho ako. Tanong kung tanong. Gusto ko lang ng sagot pero may mga bagay na gusto ko sanang itago, pero hindi ko kaya, hindi kasi talaga ako ganun.

1. Okay na ako. Yun ang totoo. Kung hindi nagtagumpay yung huli kong relasyon, naging masaya ako sa relasyon na yun, para sa akin yun ang mahalaga. Hindi kami nagtagal, pero hindi ibig sabihin nun walang kwenta na yung nangyari kasi ANG DAMI KONG NATUTUNAN. At ang totoo, sobrang minahal ko siya, kuntento na ako dun.

2. Bakit hindi ko na lang niyakap yung dalawang taong binigay sa akin yung lahat? Bakit di na lang sila yung minahal ko ng todo? Bakit hindi na lang isa sa kanila yung mahal ko ngayon, edi sana petiks ang pag-ibig, walang hassle, walang issue.

3. Natatawa akong isipin kung sa paanong paraan ako nagmahal sa isang taong ni hindi ko pa nakasama o nakita. Nakilala ko siya ilang taon na ang nakalipas, totoo lang halos hindi ko naman siya matagal makausap pero ANG LAKI NG IMPACT NYA SA BUHAY KO. Akala ko wala lang, pero hindi ko talaga itatanggi, MAHAL KO YUNG TAONG YUN. Nakakatawa? Sige na, oo wirdo.

4. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong makuntento sa isang taong di ako kayang piliin kahit kailan. Na kahit dumaan yung araw, kahit na kapag magpaparamdam siya, gusto ko siyang awayin ng awayin, sa loob ko gusto ko lang piliin niya ako, pero hindi. Gago. Gago lang talaga ako.

5. Hindi ako yung taong tanga na aasa sa isang tao, pero hindi ko din alam kung bakit, na sa haba ng nakalipas na panahon, meron pa ding naiwan parte sa akin na umaasa sa isang tao? Umaasa akong piliin, pero alam kong hindi pwede. Hindi pwede kasi may masasaktan. Hindi pwede kasi alam kong di niya kaya. Hindi pwede kasi alam ko na kahit nung panahong libre siya, hindi niya ako kinayang piliin. Ito lang ako sa kanya - babalikan kung libre, iiwan dahil di pwede. Sakit? Sanay na.

6. Di ko alam yung eksaktong paraan paano lumayo sa taong di ko ginustong layuan. Di ko alam paano siya aalisin sa sistema ko. Di ko alam paano ko siya di maiisip. Di ko alam paano ko di makikita yung sarili kong kasama siya. DI KO ALAM BAKIT SIYA PA! Di ko alam kung paano kahit na hindi ko pa siya nakikita o nakakasama. Gago na naman. Tanga na naman.

Ayoko sanang sabihin pero sige na. Pakawalan ko na para makalaya na.
Gusto ko lang naman mawala sa sistema ko ang dapat mawala.
Gusto ko lang naman na wag magparamdam yung ibang tao kasi alam kong pansamantala lang.
Gusto ko lang naman di masanay sa mga bagay na alam ko sa susunod na segundo mawawala.
Gusto ko lang naman sana. Gustong gusto.

Ang Ako Dahil Sayo


Ang ganda ko daw. Ang pangit mo daw.
Ang taba ko daw. Ang payat mo daw.
Ang taas ko daw. Ang baba mo daw.

Hindi kasi nila alam na:
Kaya ako maganda dahil sayo, dahil pinapasaya mo ako, dahil kahit anong tingin ko sa sarili ko, nakikita mo ang kagandahan ko. Kung sa tingin nila pangit ka, hindi nila alam ang tunay na kalooban mo, hindi nila nakikita kung ano ang nakikita ko.

Kaya ako mataba dahil pinapataba mo yung puso ko ng pagmamahal, dahil nilulunod mo ako ng pag-ibig higit pa kanino man. Kung sa tingin nila payat ka, yun ay dahil wala kang sawa na ibigay sa akin lahat.

Kaya ako mataas, dahil hinahayaan mo akong gawin ang lahat ng gusto kong gawin, dahil sinusuportahan mo akong abutin ang pangarap ko, dahil tinutulungan mo akong iangat ang sarili ko. Kung sa tingin nila ang baba mo, nagkakamali sila. Kung sa tingin nila na maliit lang ang maibibigay mo sa akin, hindi nila alam na lahat ng maliliit na naibibigay mo sa akin, yun ang mga tanging pagkakataon na meron ka, at hindi ka nagdadalawang isip na ibigay sa akin kahit ang dapat na para sayo na.

Kaya ako, ako, dahil sayo, dahil hinayaan mo ako, dahil minahal mo ako, dahil tinanggap mo ako, dahil nandyan ka. Kaya ako ganito, dahil mahal mo ako, walang tanong, walang pagdududa, walang pagdadalawang isip, walang kundisyon. Mahal mo lang ako, alam ko at ramdam ko.



This is for my sister from another mother CA, I'm so happy that you're filled with love and joy! Wishing you and your boy let decades of happiness and togetherness. I love you!