Saturday, August 13, 2011

Ang Hindi Paghinto


Wala akong planong huminto. Hindi sa daan mo, hindi na muli sa daan mo. Hindi ko kailanman ihihinto muli ang byahe ng auto ng buhay ko. Hindi ko hahayaang masiraan muli ako ng gulong. Mas lalong hindi maaaring huminto ako dahil nasiraan ako ng bait dahil sa isang taong pumara sa akin. Tuloy-tuloy ang byahe ko. Hindi mo ako kakayaning pahintuin ilang checkpoint man ang iharang mo.

Hindi ko alam kung bakit ang saya ng byaheng 'to. Ang saya pala ng byaheng wala ka na. Ikaw naman ang unang namili, natuto lang ako. Ikaw yun pinili ko, pero kinailangan ko din piliin ang sarili ko. Hindi mo sinadya pero pinatikim mo ako ng kasiyahan. Ang saya maging malaya. Ang saya na hindi mo na ako kailanman kayang abutin, na kailanman hindi mo na ako masusubukang saktan. Ang saya ng malayo sayo. Ang saya na unti-unti ka ng nawawala sa rear view ng auto ng pag-ibig ko.

Ito ako, malayo sayo. Ito ako, hindi mo na kailanman maaabot. Ito ako, malaya. Ito ako, masaya. Salamat sayo! Hindi na ako muling hihinto pa. Hindi kailanman sa daanan mo.


***Simula nagkakilala tayo, ito na yun pinakamatagal na di tayo nagkamustahan. Kahit kamustahin mo ako, hindi mo naman na ako maaabot. Paalam ng tuluyan. Paalam sayo.

1 comment:

  1. Tuloy ang byahe ng buhay ko.
    Iibahin ko na rin ang ruta ko.
    Papalayo sa unang daang tinahak ko.
    Gusto kalimutan ang daan patungo sayo.
    Pero hindi. Mali. Hindi ko siya kailagan kalimutan.
    Ang kailangan lang, wag ko ng muling daanan.
    Hindi naman ako nagsisisi na napadaan ako
    sa lugar mo at panandaliang huminto para sa
    makulay na kwento. Dahil sa sandaling panahon na
    yun naging masaya naman ako. Nagkataon lang,
    ngayon iba na. Hindi na ko pwedeng manatili pa.
    Alam ko namang yung huminto ako at umupo.
    Pag samantala lang siyang nawala sa tabi mo.
    Hindi na ako mananatili pa, Hindi dahil mali.
    Mali dahil hindi pwedeng dalawa kami.
    Hindi naman sa mapili ako. Gusto ko lang ipalam
    sayo na kuntento na ako na minsan akong naging
    parte ng buhay mo. Sana ikaw din para sa akin.
    Kaya kung maari lang isasara ko na ang pinto
    ng aking sasakyan. Lilisan na ako patungo sa
    panibagong kwento ng buhay ko.
    Kasama ang panibagong taong makakakwentuhan ko.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.