Friday, August 12, 2011

Ang Pinili Natin

Tayo'y nageexam. Patuloy-tuloy tayong gumagawa ng mga desisyon araw-araw. Hindi naman kasama sa pagpipilian na tayo'y iibig, ikaw sa akin, ako sayo. Nagkataon lang. Nangyari na lang at nagkataon na namang mali ang pagkakataon.

Habang ang papel ko'y blangko pa at libre dahil gusto kong maisagot ko lang sayo ay OO, nakabilog ka na pala ng OO sa papel ng iba. Hindi mo ako hinayaang blangko, hindi mo din ako kayang sagutin. Minsan nilalagyan mo ng tuldok ang linya ko, pero iaangat mo din dahil naaalala mong meron ka na nga palang napili.

Ito ang pinakamatagal na exam sa buhay ko. Ito din ang pinakamahirap. Akala ko dati 'pag alam ko ang sagot, sa huli makakakuha ako ng 100 na marka. Akala ko 'pag sa sarili ko sigurado ako at walang mintis, swak na pasado. Yun pala, pagdating sa exam ng buhay ko kasama ka, ang hirap kasi pati ikaw inaantay ko kahit sigurado na ako. Pinili mo siya. Pinag-antay mo pa din ako. Nakapili ka na ng sagot, hindi mo lang ako mabitawan. Ngayon, walang kang maririnig na mula sa akin.

Huling tanong sa exam:
"Ano bang pipiliin mo? Sigurado ka na ba? Walang balikan yan."

Tatayo ako at iiwan ang ballpen na may puso ko. Iiwan ko din ang papel na may sagot na nilalaman ang lahat ng gusto kong maiwang feelings para sayo. Tatayo ako at maglalakad papalayo sayo, sa inyo. Ito ang pinipili ko, ang makalaya mula sayo. Ito ang pinipili ko ang tuluyang hindi mo na ako maaabot kahit sa ano mang paraan. Ito ang pinipili ko ang umalis ng tuluyan sa buhay mo dahil di mo din naman ako napili. Ang sarili ko ang pinipili ko. Sa dulo ng exam ng buhay na 'to, hindi man tayo natuloy, makakakuha pa din ako ng magandang grado.


**Sa wakas, hindi na talaga.

1 comment:

  1. Sa isang kaperasong papel nakalagay
    ang mga sagot. "Kodego" kung
    tawagin. Hindi ako sigurado kung ano
    ang isasagot ko, hindi naman kasi
    napag-aaralan ang subject na mag-kaklase
    tayo. Wala akong notes, wala tayong
    guro. Ang meron lang ikaw at ako.
    Ikaw ang unang tumayo at naglagay
    ng papel sa mesa. Makita ko ang sagot mo
    sa huling tanong "Isang "OO" para sa ibang tao."
    Yung lumabas ka ng classroom, hindi na
    kita hinabol. Doon pa lang, pinalaya na
    kita. Hindi na ako nagtanong sayo. Kaso
    ang problema ko, pag dating ko sa labasan
    ng ating eskwelahan. Nandoon ka. Nagtatanong
    kung ano ang sagot ko. Syempre IKAW! Wala
    namang iba. Pero hindi ako tanga. Wala naman
    tama o mali sa mga sagot nating dalawa.
    Pero may tama tayong dapat gawin para sa
    isa't-isa. Yun ang maging malaya. Ikaw sa
    piling niya at ako,para sa aking sarili. :

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.