Friday, August 5, 2011

Ang Daan Patungo Sa'tin

Ito ako, ito ang teritoryo ko. Ako ang daan na ito. Pinatibay ako ng panahon. May lamat lamat na pero yun ang patunay na kakayanin ko pa ang mga susunod na dadaan sa buhay ko. Nilagyan pa ako ng waiting shed. Hindi naman ako mahilig mag-antay. Yun pala, nilagay ito dahil may taong gustong tumambay sa buhay ko. Natuwa naman akong andito ka. Pero yun utak at puso mo nasa ibang daan. Lumakad ka papalayo. Nawindang ang daang dinaanan mo. Nasaktan.

Ngayon, nagagamit ko na 'tong noong walang kwentang waiting shed. Inaantay kita. Ngayon lang, ngayon na lang. Sana makita mo sa sarili mo na gusto mo akong makita, na gusto mong tumambay sa buhay ko, kahit ngayong araw lang. Kung lalagpas 'tong araw na masaya ka na talagang wala ako, ipapagiba ko na lang itong waiting shed para di ko na isapuso at isabuhay ang pag-aantay. Kung masaya ka na sa daan na yan, sige lang. Di lang laan ang daan ko para sayo. Di lang laan sa isa't isa.

**AUG 6, 2011 (Sige na please, isang beses lang. Pero kung masaya ka na dyan, oks lang. Swak na.)

1 comment:

  1. Malakas ang ulan. Walang masakyan.
    Buti na lang may masisilungan.
    Salamat sa waiting shed sa daan.
    Hindi naman sana ako magtatagal
    papatiliin ko lang sana ang ulan
    pero parang ako ay napipigilan
    hindi dahil ang babae sa tabi ko'y kagandahan.
    Napansin ko lang yung oras ay bumagal.
    Hindi ko alam kung bakit.
    Parang may kakaiba sa waiting shed na ito.
    Parang may dahilan para manatili ako dito.
    Hindi naman ganap na kaakit-akit
    pero sukat kong pag ako'y umalis daanan ko'y papait.

    Ganoon pa man, tila may nakatambay na.
    Sadyang kanya na itong inukyupa.
    Parang walang balak mag-pa-tambay ng iba.
    Pero nagmatigas ako at nanatili sa ilalim mo.
    Hindi mo man gusto, sa waiting shed mo safe ako.
    Alam ko, matatagalan siyang umalis
    Kahit ba hampasin niya ako ng walis.
    Nandito lang ako, babantayan kita,
    makikipag tigasan ako sa kanya.
    Sasakay din yan sa bus na darating.
    Tuluyan ko ng mapapakita sayo ang aking lambing.
    Maniwala ka, pag pinalitan ka na o tatagalin ka nila,
    susundan kita kahit sa junk shop pa.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.