Iniisip ko na lang na ang kada daan ay konektado sa isa pang daan. Iniisip ko na lang na kung tatahakin ko 'to, kahit papaano, malalaman mo na din yung daan patungo sa akin, sa atin.
FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Friday, May 23, 2014
Thursday, May 22, 2014
Ang Totoo Kasi Sa Pag-ibig
Mahal kita, sabi ng isa. Mahal kita, sabi ng isa pa. Pero pareho nilang iniwang sugatan yung isa't isa. Pareho silang umiiyak, pareho silang nasasaktan, pero pinili nilang lumakad papalayo.
Ang totoo kasi, sa pag-ibig:
1. Dapat tandaan mo na ang mga salitang "Mahal kita" ay hindi katumbas ng mga salitang "Di kita iiwanan kailanman."
2. Wag kang magsasabi ng "Mahal kita" kung hindi talaga totoo. Hindi yan biro. Hindi din biro yung hahayaan mong pumusta yung isang tao sayo ng buong puso niya habang ikaw, naglalaro lang pala.
3. Hindi mo mapipili yung taong mamahalin mo, pero mapipili mo yung oras na mamahalin mo sila. Kahit kasi gaano mo man kamahal yung isang tao, kung hindi ka pa handa, hindi ka pa handa. Tamang timing. Tamang timing.
4. Mahalin mo yung taong gusto mong nandyan sayo panghabambuhay. Alagaan mo.
5. Wag kang matakot magmahal.

Wednesday, May 21, 2014
Ang Wag Na Lang
Kung hihingiin ko ang atensyon mo, wag na lang.
Kung hihingiin ko ang oras mo, wag na lang.
Kung hihingiin ko ang pag-ibig mo, wag na lang.
Wag na lang. Wag na lang. Wag na lang.
Kasi kung ang atensyon, oras at pag-ibig, hindi mo kusang ibinibigay, di mo mahal yung tao. Naawa ka lang. Nanghingi lang siya kaya ibinigay mo.
Kasi kung ang atensyon, oras at pag-ibig, kusa mong ibinibigay, ibig sabihin importante sayo yung tao, ibig sabihin seryoso ka sa taong yun, mahal mo talaga yung taong yun.
Hindi ako kailan man manlilimos ng atensyon, oras at pag-ibig kahit kanino. Gusto ko lang yung taong kaya akong ipaglaban, kayang pumusta sa akin, kasi kapag ako na ang pumusta, sisiguraduhin ko na hanggang dulo, ipaglalaban ko yung taong yun.
PS. Tinamad na akong kulayan 'tong lettering. Paubos na din tinta ng mga pens ko. Next time na lang :)
Tuesday, May 20, 2014
Ang Pabalikbalik
Madalas nating hinahanap yung isa't isa. Minsan patago nating hahanapin yung isa't isa lalo kung may kahawak tayong iba. Minsan itanggi man natin, di natin maiwasang maisip yung isa't isa. Minsan iiwas tayo, iiwas tayo sa isa't isa, hindi dahil ayaw natin ang isa't isa. Siguro kasi, alam natin sa huli, tayo naman talagang dalawa, pero hindi ngayon, hindi sa ngayon. Kaya naglalaro tayo, nagpapanggap na ayos tayo kapag yung isa sa atin nakikita nating may kapiling na iba. Pero ang realidad, nawawasak tayo, nasisira tayo dahil alam natin na pwede tayong maging masaya kapiling ang ibang tao, na pwedeng may taong magpapakalimot sa ating dalawa. Pwede din naman kasing umaasa lang tayo. Umaasa tayo na pagkatapos nating maglaro kasama yung ibang tao, makikita natin yung isa't isa, yung tayo na yung magkasama, yung baka pwedeng tayo naman, baka pwedeng oras naman natin, baka pwedeng ako at ikaw na lang. Baka lang. Nagbabakasakali lang tayo. Yung katiting na pag-asa na sa huli tayo yung magkakatuluyan, yun lang siguro yung pinanghahawakan natin kaya pabalik balik tayo sa isa't isa.
PS. Kung di man tayo sa dulo, basta pareho tayong nakangiti, masaya, ayos na yun!
Monday, May 19, 2014
Ang Taong Gusto Ako At Gusto Ko
**** **** **** **** ****
Yung mga salitang: Kailangan, Kailangan kita, Kailangan kong kailanganin mo ako. Ayoko nun. Ayokong kailanganin ako ng isang tao na parang yung puso nila kadugtong ng bituka ko, na parang di nila kakayaning mabuhay na wala ako. Ang pag-ibig ay hindi tungkol sa kung papaano mo kakailanganin yung isang tao sa buhay mo. Ayokong magkamali tayo na gawing lambing ang pagiging desperado. Iba ang pag-ibig sa pagiging desperado.
Gusto ko ng taong gusto ako. Gusto ko ng taong gusto ko. Gusto ko ng taong pipiliin ako. Gusto ko ng taong pipiliin ko. Gusto ko yung totoo. Gusto ko yung alam kong kayang tumayo ng wala ako, pero pipiliin ako sa buhay niya. Hindi kailangan kundi gusto, kundi pinipili. Magkaiba ang desperado sa pag-ibig.
Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangan. Kayang kaya nating mabuhay na wala ang isa't isa. Ang pag-ibig hindi tungkol sa kung papaano mo ako dapat kailanganin. Gusto natin yung isa't isa. Pinipili natin yung isa't isa. Pinipili natin yung pakiramdam ng balat natin na magkadikit, na magkahawak yung kamay natin kahit na pagpapawisan na, na magkalapit yung katawan natin kahit na ang mararamdaman mo yung mga bilbil kong magkakapatong. Pinipili nating gawin yung mga bagay na magkasama, habang magkapulupot sa isa't isa. Pinipili natin yung pakiramdam na magdampi yung mga labi natin -- yung dahan-dahan, yung mga paruparo sa tyan natin habang magkasama tayo. Pinipili nating bigyan ng oras at atensyon yung isa't isa, kahit na may iba pang nanghihingi nun. Pinipili nating sumaya sa piling ng isa't isa. Pinipili nating makuntento sa isa't isa, kasi gumagawa tayo ng paraan para makuntento tayo na tayong dalawa yung magkasama. Pinipili natin ang isa't isa kahit na alam natin na pareho tayong di perpekto. Yung pipiliin natin yung isa't isa ng paulit-ulit araw-araw, na walang pagdududa.
Yung taong hindi ako kailangan pero punyetang gustong gusto niya akong maging parte ng buhay niya at pinipili niya akong maging parte ng buhay niya.
Yung taong hindi ko kailangan pero punyetang gustong gusto kong maging parte ng buhay ko at pinipili kong maging parte ng buhay ko.
PS. Shet. Sarap nito. Yung ganitong pag-ibig. Yung totoo. :)
Saturday, May 17, 2014
I Knew This Would Be Love... And Goodbye
"I knew this would be love" by Imaginary Future (dating Imaginary Friend) ipinarinig sakin 'to ng pinsan ko last year. Ito yung time na nahu-hook na naman ako sa isang tao.
"It's funny how we met on the telephone. You and I on the edge of the unkown. Oh in only a moments time, I knew my heart was yours, and yours was mine...I knew my heart was yours from the first day."
The first time I heard this song, unang linya pa lang, eksakto na. I'm not really ashamed of admitting that I fell for someone I really never met personally. I don't think it's crazy, or even if you guys think it is, it doesn't matter. I was really into her. Head over heels, kumbaga. I don't know. Di ko sigurado kung love ba talaga yun, pero ang sigurado ko, every single time I had this chance to talk to her, or I receive a text or chat from her, every little thing becomes better. Even the simplest "Hi" would sound "I love you" to my ears, though I really never heard her say that to me. There were times na ewan ko, magulo but the moment that I get to hear her voice, parang it gives me this assurance na everything will be fine. No, I'm not trying to sound cheesy, but that's how I felt about her. If that's not love, then I don't know what to call it. Binigay ko yung puso ko sa taong di ko pa talaga nakikilala, ayos lang, I thought I got her heart too, hindi pala. Okay lang.
Along the way, there were chances, there were moments that I wanted her to know exactly whatever na nafifeel ko, kaso yun nga, I'm reminding myself na, "wag na! Di na importante" Not because di siya importante, but siguro kasi, may ibang importante for her, at hindi ako yun. Okay lang.
I'll always say "Okay lang." EVERY SINGLE TIME. Every fucking time, kahit na inside me, I'm already breaking and screaming. Siguro defense mechanism, na pinapaniwala ko na okay lang lahat, kasi wala akong choice.
Since Monday, sinasabi niya na sa akin na kaya na niyang magrisk sa akin (WOW! First time) pero what can I do? What can I fucking do? I cannot just give my heart to her just because she's asking for it. Like what I have said "Kung madali kang nakuha ng isang tao, madali ka din niyang bibitawan" I can't do it now, that doesn't mean I cannot do it sa ibang time. Kapag nakita ko sigurong deserve na niya.
Itong exact time na 'to (2:23am of May 18, 2014) I'm just sticking to whatever I have decided and that's to just go with the flow. Kung sinong nandyan, nandyan. Kung sinong gustong umalis, umalis. I just cannot reserve a spot for someone sa buhay ko. Hindi naman ako maganda, but at this point sa buhay ko, may mga taong sobrang mag effort, just to get my attention, just to get a simple "yes?" from me. At dahil natuto na ako sa ex ko, di ko na uuliting ibigay ang puso ko ng basta-basta. Kung sino yung kaya akong ipaglaban, kung sino yung di bibitaw sa akin, kung sino yung pursigido, kung sino yung mararamdaman kong sincere at maeffort, kung sino yung totoo, dun mapupunta yung puso ko. That's just it.
Maybe her goodbye to me sa akin, she's not just the one for me. Yep! Nakakalungkot pero I'm not here to entertain people na bibitawan lang ako. If I'll fall in love again, dun sa taong pinaghirapan akong makuha, para di ako bibitawan ng madalian.
So yes, I knew this would be love but we've found the goodbye. Ganun talaga e. Ganun yata talaga. Di man tayo yung para sa isa't isa, pinasaya mo ako. Salamat! :)
Ang Pagpusta
Di naman ako yung taong mahilig sa sugal, lalo na kung puso ko yung ipupusta ko. Hindi ako mahilig sa sugal na pwedeng yung puso ko yung itaya ko. Mas lalong di ako yung taong pupusta sa isang sugal na di ko naman talaga alam kung paano laruin, kung di ko naman talaga kilala yung mga kalaban ko.
Dumating yung isang kalaban na halos di ko naman talaga kilala. Alam ko lang ang pangalan niya, alam ko ang konting kwento sa buhay niya pero hanggang dun lang. Tumaya ako. Itinaya ko yung puso ko sa sugal na yun para lang makalaro siya kahit ilang beses siyang umaalis sa sugal na yun. Itinaya ko yung buong puso ko ng paulit ulit kahit na alam kong wala siyang kayang itaya para sa akin. Itinaya ko, nagbigay ako ng pagkakataon, di lang isa, di lang dalawa, di lang tatlo at sa kada pagkakataon, di lang niya pinapahalagahan. Laro 'to. Nakalimutan kong naglaro lang pala siya kasama ako. Nagkataon lang, na yung puso ko yung napaglaruan kasi sineryoso ko yung laro na 'to.
Natuto akong lumakad papalayo sa isang sugal ng pag-ibig, yung pag-ibig na matagal kong inaasam. Binawi ko na yung puso ko, pero nag-iwan ako ng piraso para sa kanya, dahil buong buhay ko, alam kong yung pirasong yun itatabi ko para sa kanya. Iniwan ko na lang. Iniwan ko para subukang buuin 'tong pusong 'to ng hindi na hinahanap yung piraso na yun.
Tibay. Lakas ng loob. Lumalayo. Hindi nagpapapigil. Hindi nagpapaawat. Humarang siya. Humarang siya at pilit akong pinipigil sa plano kong pagtakas sa pustahan. Handa na daw siyang pumusta. Handa na daw niyang ipusta yung puso niya. Napangiti ako. Napangiti ako pero sa loob ko gusto kong isagaw kung bakit ngayon lang? Bakit ngayon lang niya kayang ipusta samantalang ako matagal na mga taon na akong pumupusta? Bakit ngayon niya ako gustong hawakan kung matagal ko na siyang hinahawakan pero tinatanggihan niya ako ng paulit ulit? Bakit ngayon pa? Bakit? Bakit? Bakit?
Pwede naman, pero baka kasi kaya mo lang ako napapansin, kaya mo lang ako nakikita, kasi wala kang makalaro. Pwede namang, namimiss mo lang ang jokes ko habang naglalaro tayo. Pwede naman minahal mo na ako noon. Pwede naman ipinaglaban mo na ako noon. Pwede namang pinili mo ako noon. Pwede namang ipinusta mo yang puso mo sa akin, noong pumupusta pa ako ng puso ko sayo. Pwede naman, pero hindi kasi ako yung pinili mong karapat dapat pagbigyan ng puso mo. Pwede naman, pero hindi mo ginawa. Pwede naman. Pwede naman. Pwede namang noon pa, pero bakit ngayon lang?
Kung katulad nang sinasabi mo na pumusta ka na sa akin, at alam mong dati pa lang, pumusta na din ako sayo, natalo lang siguro tayo sa sugal natin. Siguro hanggang dun lang talaga yung sugal ng pag-ibig natin.
Friday, May 16, 2014
Ang Paggupit
May mga oras na takot kang bitawan yung isang bagay, siguro dahil mahal mo, dahil gusto mo, dahil natatakot kang makuha siya ng iba, dahil takot kang masasaktan ka kung mawawala siya sayo ng tuluyan, dahil, dahil, dahil madami kang naiisip na rason kung bakit ayaw mo siyang bitawan.
Ang buhok, matagal mong inaalagaan para humaba, para maging maganda, para maayos tignan, para presentable ka, pero sa huli, kailangan mong magpagupit. Katulad sa buhay, may mga bagay kang kailangang gupitin sa buhay mo, hindi naman ibig sabihin di yan babalik e. Siguro kailangan mo lang gawin ngayon para mas maging maayos ka, at kung para sayo yan, babalik yan nang babalik nang babalik. Kung para sayo yan, sa huli, sayo din naman talaga siya mapupunta.
PS. Ako yung nasa photo, di yan si Ryzza Mae :) Got my full bangs today! May nakita kasi akong magandang girl sa TV, tapos feeling ko magiging kasing hot niya ako kung magpagupit ako ng ganun. Went to Tony and Jackey to get my hair cut then woooh! Di pa din ako naging hot. Hohohoho!
Wednesday, May 14, 2014
Ang Lantern At Puno
Photo by: Roseanne Jan Chuca, RN Tumblr and Facebook Page |
Masaya naman ako. Masaya na ako dito. Masaya akong unti-unting bumitaw sa kung ano man yung matagal na sinasabitan ko. Naging masaya ako sa pagsabit sayo, Puno. Pinuno mo ako ng kaligayahan at pag-ibig. May mga bagay lang na dapat kong bitawan, hindi dahil di kita mahal. Siguro bibitaw ako kasi mahal kita, kasi mahal kita, at alam kong di mo maiintindihan ang lahat. Paalam, Puno.
PUNO:
Kung kailan kaya na kitang silungan, kung kailan di ka na masasaktan sa init ng araw, kung kailan wala ng ibang nakasabit, kung kailan malaya na ako, kung kailan kaya na kitang ipaglaban, saka ka bibitaw, saka ka aayaw. Sige lang, nandito lang ako. Alam mo kung paano ako babalikan.
LANTERN:
Ang dami kong pwedeng sabitan, pero pinili ko sayong sumabit, pinili kita kahit ang dami pang iba. Inantay kita ng di ko namamalayan. Umasa ako na baka isang araw dumating yung panahon na papaalisin mo silang lahat para ako lang ang nakasabit sayo, pero pinili mo siya, pinili mo sila. Okay lang. Okay lang naman talaga, masakit lang pero okay lang. Hinayaan ko yun, hinayaan kong makihati hindi dahil masaya ako dun, kundi dahil... Bakit ganun noh? Saka mo lang ako kayang pansinin nung wala na silang lahat. Saka mo lang ako kakayaning ipaglaban nung panahon na di na kita kayang ipaglaban. Saka mo lang ako kayang piliin nung pinipili kong lumayo na sayo ng tuluyan. Saka mo lang ako kayang mahalin ng buo, nung ni hindi na ako nakipag-agawan sa iba kasi napagod na ako. Saka mo lang hinanda yung sarili mo para sa akin, nung ako na mismo yung hindi handa. Ganito lang talaga siguro tayo, Puno. Ganito na lang nga.
Bumitaw ng tuluyan si Lantern. Bumitaw agad para wala nang marinig pa mula kay Puno, para tuluyan na silang lumaya, pero narinig niya pa ang salita ni Puno
PUNO:
Ang dami kong pwedeng piliin pero pinipili kong lapitan ka kahit pilit mo akong binibitawan, kahit ilang beses mo akong iniiwasan. Siguro nga ganito na lang tayo.
Nagpakabingi si Lantern. Walang sagot. Lumayo na lang. Lumayo. Lumayo. Nagpakalayo-layo. Lumalayo habang sinasabing
LANTERN:
Ang lungkot lang na nung handa ka na, ako na yung hindi handa, na nitong buo ka na, hindi pa ako buo. Sayang lang. Kung kami, kami talaga. Kung hindi, ...
PS.
Loveys, the photo here is from my friend, Roseanne Jan Chuca. She's got pretty good bunch of photos. Please check out her accounts: Tumblr and Facebook Page
Tuesday, May 13, 2014
Ang Tamang Oras
Hinayaan mo ako sa oras na kaya kong ibigay ang lahat sayo. Inuna mo ang iba nung oras na kaya kitang unahin higit kanino pa man. Pinili mo sila nung oras na kayang kaya kitang piliin. Ipinusta mo ang puso mo sa kanila, nung ipinusta ko yung puso ko sayo ng buong buo. Nung oras na handa ka, handa ka para saluhin sila, pero ni hindi ka naging handa para saluhin ako. Binigyan mo ako ng parte ng puso mo nung oras na binigay ko yung buong puso ko sayo.
Lumipas ang oras. Lumilipas ang oras kasabay nun ang hiling ko na pati ang feelings ko para sayo lumipas, sana lumipas na, sana lumisan na, sana katulad ng oras dumaan na at di na mauulit pa.
Naging matibay ako. Lumayo ako sayo. Pinilit kong umiwas. Ni ayoko sa kahit ano pang paraan na magkaroon tayo ng pagkakataong mag-usap. Ni ayokong dumating yung oras na maaari kitang makausap pero dumating yung oras na yun.
Tinanong mo ako kung paano kung handa ka na para sa akin, na kaya mo na akong ipaglaban. Ang totoo lang di ko alam yung isasagot ko. Ito yung oras na matagal kong inantay pero ito din yung oras na gusto kong iwasan ngayon.
Bakit ganun noh? Nung oras handa ako, ikaw yung hindi, at nitong oras na handa ka na, ni hindi ko na gustong mapalapit sayo (o baka takot na lang ako sa laro mo) Nung oras na buong buo ako, ikaw yung hindi at nitong panahon na kulang pa ako, ikaw na yung buo.
Kailan yung tamang oras? Kailan yung tamang panahon? Kailan magiging tama yung lahat? Kailan magiging swak yung lahat? Mapaglarong tadhana. Mapanlinlang na choices. Dinala tayo sa ganito.
Lalayo. Lalayo. Lalayo sa oras na 'to. Bahala na kung ilang oras pa ang lumipas, darating din naman sa oras na pareho natin 'tong kakalimutan, pilit na lilimutin. Wala naman kasing tamang oras para sa atin. Wag na tayong umasa. Mas madaling di na tayo aasa.
Kung tayo, tayo talaga.
Kung hindi, ganun talaga.
Sunday, May 11, 2014
Ang Kada
Kada pagsasara ng isa para sa akin, may magbubukas na iba.
Kada pagtanggi ng isa, may tatanggap na isa.
Kada iiwan ako, may darating.
Kada sasaktan ako, may magmamahal na iba sa akin.
Pero tama nga ba ako, na sa kada may magsasara, may magbubukas, na sa kada pagtanggi, may tatanggap, na sa kada iiwan ako, may daratig, na sa kada sasaktan ako, may magmamahal sa aking iba? o baka matagal na silang nandyan, di ko lang napansin? Baka kaya ko lang sila nakita kasi may hindi nakakita sa akin? Baka matagal na silang umaaligid, sadyang ipinagpipilitan ko ang sarili ko sa iba?
Friday, May 9, 2014
Strong
"If someone seriously wants to be a part of your life, they will seriously make an effort to be in it."
Sharing this beautiful quote to everyone. Hindi tayo dapat nagrereserba ng pwesto ng isang tao sa buhay natin kasi kung gusto niyang maging parte ng buhay ko, gagawa siya ng paraan. Maraming paraan! You have a choice.
*Credits to the owner of the photo
Wednesday, May 7, 2014
Ang Nangangarap Maging Doctor
Ako si Faye Kathreen B. Ocampo, RMT. Hindi ako matalino. Hindi din ako masipag. Hindi ako yung perpektong estudyante ng Medisina, pero pangarap ko pa ding maging doctor.
Nakakatawang balikan yung panahon na akala ko madali lang mag-Medicine, petiks lang, yung feeling ko kahit walang aral, kakayanin ko, mali pala, hindi naman pala.
Sigurado ako nung pumasok ako sa FEU-NRMF Institute of Medicine. Sigurado akong magiging doctor ako. Sigurado ako, pero...
Unang taon sa Med, ayos lang. Halos araw-araw, gumagala ako, pero swak pa din ang grades ko. Walang bagsak. Ayos! Sa utak ko "Ah! kaya ko naman pala 'tong Med." pero...
Pumasok yung 2nd year sa Medicine, akala ko ganun pa din, na petiks pa din, na ayos pa din, pero...
PERO NA-IRREGULAR AKO
Sabi ng isang doctor "Kaya kayo na-irregular dahil di ninyo gusto 'to, dahil hindi ninyo mahal 'to, kasi kung gusto at mahal ninyo 'to, wala dapat kayo dito ngayon."
Hindi. Kung gusto ko lang 'tong Medicine, kung mahal ko lang 'to, binitawan ko na 'to. Hindi kasi laging sapat na gusto mo lang yung isang bagay, dahil darating ka sa puntong magsasawa at hahanap ng bagong gugustuhin, yung mas madaling makuha. Hindi din sapat na mahal mo lang yung bagay na 'to, kasi kung mahal mo 'to pero nahihirapan ka na, hahanap ka ng bagay na kaya kang mahalin pabalik. KAYA NANDITO PA AKO KASI DI KO LANG 'TO GUSTO, DI KO LANG 'TO MAHAL.
Grabe lang kasi talaga sa Medicine. Ibinigay mo na ang lahat, kulang pa. Yung tipong ang dami daming kailangang aralin, ang daming handouts, ang daming pages sa libro na kailangan maalala ko lahat kaya darating ako sa punto na matutulala na lang ako kasi di ko alam paano ko ipapasok lahat sa utak kong katiting. Sa isang araw, sasabay sabayin nila yung mga gawain na akala yata nila meron kang 721 hours a day. Yung mga reports mo na kailangan maayos kasi kung hindi, mapapahiya ka sa sasabihin ng doctor na parang di mo inaral yun. Yung graded recitation na kakabahan ka, at gusto mo na lang ngumanga kasi di mo naman talaga alam yung tamang sagot. Yung mahahabang lecture na sa umpisa kumpleto ang notes mo pero makalipas ang 10mins masakit na ang kamay mo, wala nang pumapasok sa kokote mo, nandidilim na ang paningin mo kasi unti-unti na palang sumasara ang mata mo, ang boses ng lecturer parang nagiging huni ng pampatulog. ZZZZZZ! Isabay mo pa yung quizzes sa isang subject, idagdag mo pa yung quizzes na naman sa ibang subject tapos patungan mo pa ng quizzes uli sa isa pa. Yung break ko na 12pm-1pm, yung oras na yun imbes na kumain ako ng masasarap na pagkain, inaatupag ko yung shiftings na kakain ng 30-45mins ng break ko, kaya swerte pa ako na may maiiwang 15mins. Tatakbo ka papunta sa canteen para pumili ng pagkaing pwedeng bitibitin habang naglalakad o kaya pagkain na di mo na ngunguyain, lunok na lang ng lunok para matapos na agad.
Yung minsan, gustong gusto mo ng isang movie, pero dahil ang baba ng grades mo at kailangan mong maghatak ng grades, kukuha ka na lang ng papel at dun mo ililista lahat ng movies na gusto mong panoorin kapag bakasyon na. Yung mga family events na gustong gusto mong sumama pero hindi mo din lang kayang bitawan yung libro at handouts mo. Yung minsan gusto mo makipagdate, kasama mo nga siya pero hindi mo hawak yung kamay niya kundi yung libro kasi nga kailangan mong magfocus sa pag-aaral. Yung ang daming bagay mong kailangang i-give up para lang mag-Doctor.
ANG DALING BUMITAW. Ang daling unahin yung buhay ko lang, mas magiging madali ang buhay ko kung hindi ako nagdo-Doctor pero nandito pa ako. Kaya nandito pa ako, kaya pinupursigi kong mag-Doctor pa, kaya nga kahit na-irreg ako nandito pa rin ako, kasi higit pa 'to sa gusto at pagmamahal. Ang daling bitawan nito, pero di ko ginagawa. Ang daling bumitaw, pero bumabangon ako, pero nilalaban ko kahit na yung utak ko wala na halos kayang pumasok, kahit na yung tingin ko sa sarili ko ang bobo kasi parang di naman ako umuusad, kahit na yung pakiramdam na kahit na nagtapos na ako ng kolehiyo, para akong walang napatunayan, parang kulang ako, pero kasi kung bibitaw ako ngayon, lalo akong magkukulang, para kong papatayin yung sarili ko kasi yung katiting na tuldok na pag-asang meron ako lang yung pinanghahawakan ko.
MAS MAGIGING MADALI YUNG BUHAY KO KUNG BIBITAWAN KO ANG MEDICINE PERO HINDI KO GINAGAWA. Hindi ko gusto ang madaling buhay, gusto ko yung buhay na mahirap man sa ngayon, yung alam ko sa dulo it will be all worth it. Nag-umpisa na ako, nahirapan na ako, lumagapak na ako, ngayon pa ba ako bibitaw? Ngayon ko pa ba bibitawan 'to kung kailan kinaya kong harapin ang lahat ng hamon? Syempre hindi.
Totoo lang, para sa akin, ang mga Medicine students kung pumapalya, wala naman talagang pakielam sa sasabihin ng mga professors, ibang tao, walang pakiealam sa kahit na sino pero ang pinakaimportante yung suporta ng pamilya. Siguro masasaktan tayo sa sasabihin ng iba, pero ang may halaga lang sa atin yung sasabihin ng pamilya natin.
I'm blessed to have the most supportive family ever. Yung pamilya na sanay sa magagandang grades nung college ako, na sanay na halos uno ang subjects ko at nakakapikon kapag may dos, yung pamilya na inakala ko hindi ako makakayang tanggapin 'pag pumalya ako, pero mali ako. I underestimated their love for me. Hindi ako nakarinig ng kahit na ano, walang questions, walang ibang sasabihin kundi "Ayos lang yan. Hindi madali ang Medicine. Ulitin mo lang ng ulitin. Do your best." Kakaiba. Gusto ko lang malaman ng mga magulang na iba po ang Medicine, ibang iba. Hindi po galit ang kailangan ng mga anak, kailangan ng pang-uunawa, suporta at hindi pagdududa.
"I walk slowly, but I never walk backward."
-Abraham Lincoln
Saludo ako sa mga magulang na di nagsasawang sumuporta sa mga anak nilang gustong mag-aral, sa mga doctor, sa mga scholars na Medicine students, pero pinaka-saludo ako sa mga katulad kong estudyante, sa mga pinakamatitibay na estudyanteng bumagsak na pero bumangon, na muntikan nang bumigay pero mas piniling ngumiti at sumubok pang muli.

Mabagal lang 'tong byahe ko para maging isang doctor, pero hindi ibig sabihin noon, hindi ako magiging doctor. Mabagal lang pero makakarating ako. Mabagal lang, mabato lang, may lubak lang, madami lang detour pero para saan ba't magiging doctor din ako, sa tamang panahon, sa panahong pinagkaloob sa akin ng Diyos.
Saludo ako sa mga magulang na di nagsasawang sumuporta sa mga anak nilang gustong mag-aral, sa mga doctor, sa mga scholars na Medicine students, pero pinaka-saludo ako sa mga katulad kong estudyante, sa mga pinakamatitibay na estudyanteng bumagsak na pero bumangon, na muntikan nang bumigay pero mas piniling ngumiti at sumubok pang muli.
Subscribe to:
Posts (Atom)