Tuesday, May 13, 2014

Ang Tamang Oras



Hinayaan mo ako sa oras na kaya kong ibigay ang lahat sayo. Inuna mo ang iba nung oras na kaya kitang unahin higit kanino pa man. Pinili mo sila nung oras na kayang kaya kitang piliin. Ipinusta mo ang puso mo sa kanila, nung ipinusta ko yung puso ko sayo ng buong buo. Nung oras na handa ka, handa ka para saluhin sila, pero ni hindi ka naging handa para saluhin ako. Binigyan mo ako ng parte ng puso mo nung oras na binigay ko yung buong puso ko sayo. 

Lumipas ang oras. Lumilipas ang oras kasabay nun ang hiling ko na pati ang feelings ko para sayo lumipas, sana lumipas na, sana lumisan na, sana katulad ng oras dumaan na at di na mauulit pa.

Naging matibay ako. Lumayo ako sayo. Pinilit kong umiwas. Ni ayoko sa kahit ano pang paraan na magkaroon tayo ng pagkakataong mag-usap. Ni ayokong dumating yung oras na maaari kitang makausap pero dumating yung oras na yun.

Tinanong mo ako kung paano kung handa ka na para sa akin, na kaya mo na akong ipaglaban. Ang totoo lang di ko alam yung isasagot ko. Ito yung oras na matagal kong inantay pero ito din yung oras na gusto kong iwasan ngayon. 

Bakit ganun noh? Nung oras handa ako, ikaw yung hindi, at nitong oras na handa ka na, ni hindi ko na gustong mapalapit sayo (o baka takot na lang ako sa laro mo) Nung oras na buong buo ako, ikaw yung hindi at nitong panahon na kulang pa ako, ikaw na yung buo. 


Kailan yung tamang oras? Kailan yung tamang panahon? Kailan magiging tama yung lahat? Kailan magiging swak yung lahat? Mapaglarong tadhana. Mapanlinlang na choices. Dinala tayo sa ganito.

Lalayo. Lalayo. Lalayo sa oras na 'to. Bahala na kung ilang oras pa ang lumipas, darating din naman sa oras na pareho natin 'tong kakalimutan, pilit na lilimutin. Wala naman kasing tamang oras para sa atin. Wag na tayong umasa. Mas madaling di na tayo aasa.


Kung tayo, tayo talaga.
Kung hindi, ganun talaga.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.