Photo by: Roseanne Jan Chuca, RN Tumblr and Facebook Page |
Masaya naman ako. Masaya na ako dito. Masaya akong unti-unting bumitaw sa kung ano man yung matagal na sinasabitan ko. Naging masaya ako sa pagsabit sayo, Puno. Pinuno mo ako ng kaligayahan at pag-ibig. May mga bagay lang na dapat kong bitawan, hindi dahil di kita mahal. Siguro bibitaw ako kasi mahal kita, kasi mahal kita, at alam kong di mo maiintindihan ang lahat. Paalam, Puno.
PUNO:
Kung kailan kaya na kitang silungan, kung kailan di ka na masasaktan sa init ng araw, kung kailan wala ng ibang nakasabit, kung kailan malaya na ako, kung kailan kaya na kitang ipaglaban, saka ka bibitaw, saka ka aayaw. Sige lang, nandito lang ako. Alam mo kung paano ako babalikan.
LANTERN:
Ang dami kong pwedeng sabitan, pero pinili ko sayong sumabit, pinili kita kahit ang dami pang iba. Inantay kita ng di ko namamalayan. Umasa ako na baka isang araw dumating yung panahon na papaalisin mo silang lahat para ako lang ang nakasabit sayo, pero pinili mo siya, pinili mo sila. Okay lang. Okay lang naman talaga, masakit lang pero okay lang. Hinayaan ko yun, hinayaan kong makihati hindi dahil masaya ako dun, kundi dahil... Bakit ganun noh? Saka mo lang ako kayang pansinin nung wala na silang lahat. Saka mo lang ako kakayaning ipaglaban nung panahon na di na kita kayang ipaglaban. Saka mo lang ako kayang piliin nung pinipili kong lumayo na sayo ng tuluyan. Saka mo lang ako kayang mahalin ng buo, nung ni hindi na ako nakipag-agawan sa iba kasi napagod na ako. Saka mo lang hinanda yung sarili mo para sa akin, nung ako na mismo yung hindi handa. Ganito lang talaga siguro tayo, Puno. Ganito na lang nga.
Bumitaw ng tuluyan si Lantern. Bumitaw agad para wala nang marinig pa mula kay Puno, para tuluyan na silang lumaya, pero narinig niya pa ang salita ni Puno
PUNO:
Ang dami kong pwedeng piliin pero pinipili kong lapitan ka kahit pilit mo akong binibitawan, kahit ilang beses mo akong iniiwasan. Siguro nga ganito na lang tayo.
Nagpakabingi si Lantern. Walang sagot. Lumayo na lang. Lumayo. Lumayo. Nagpakalayo-layo. Lumalayo habang sinasabing
LANTERN:
Ang lungkot lang na nung handa ka na, ako na yung hindi handa, na nitong buo ka na, hindi pa ako buo. Sayang lang. Kung kami, kami talaga. Kung hindi, ...
PS.
Loveys, the photo here is from my friend, Roseanne Jan Chuca. She's got pretty good bunch of photos. Please check out her accounts: Tumblr and Facebook Page
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.