FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Thursday, June 30, 2011
Ang Pagkakataong Makaparada
Ang tagal tagal ko na ding naglalakbay. Matagal tagal kong nilagpasan ang pag-ibig, nasaktan kasi ako nung huling bumunggo sa akin. Yun tipong nagmarka talaga na akala ko habang buhay. Kaya naninigurado akong may malaking espasyo pang namamagitan sa akin mula sa kanila. Pero ang byahe ko, mukhang humahanap na ng espasyo sa tabi mo. Malas ko lang, no parking na pala. Nahuli pala ako. Nahuli nga ba ako? Sige, byabyahe na naman ako. Ang pagkakaiba lang, nitong sayo at sa akin, nitong byaheng to, ni hindi tayo mabigyan ng tyansang magkabungguan. Sana sa susunod na makadaan ako, pwede kong iparada ang byahe ng buhay pag-ibig ko sayo. Sa oras na yun, papangalagaan ko yung pagparada natin. Sana sa pagkakataon na yun, may pagkakataon na tayo.
Monday, June 27, 2011
Ang Paghupa Ng Bagyo
Namaalam ang bagyo. Namaalam din ang aking pag-asa, yun ang akala ko. Bumalik ang araw. Bumalik ang summer na hindi ko inaasahan.
Tila nga ako'y Gumiho na sinasabayan ng langit ang aking pag-iyak. Napuno ako ng lungkot, kasabay nito ang langit na sumang-ayon sa aking damdamin. Napagod ako't huminto ang pagtangis. Sinama ko sa bagyo pati ang kapiranggot na pag-asang meron tayo. Pinakawalan kita, pinalaya ko ang sarili ko.
Naging maaliwalas ang langit. Hindi ko alam kung bakit. Yun pala ang puso ko'y sosorpresahin mo. Nagbalik ka. Salamat summer! Ayos lang sakin na mabuhay sa pang-aasar ng init mo. Sana lagi kong maramdaman ang yakap mo. Sana lagi kong makita ang pagsilip mo. Sana ikaw na lang ang tanging panahon ng buhay ko.
Tila nga ako'y Gumiho na sinasabayan ng langit ang aking pag-iyak. Napuno ako ng lungkot, kasabay nito ang langit na sumang-ayon sa aking damdamin. Napagod ako't huminto ang pagtangis. Sinama ko sa bagyo pati ang kapiranggot na pag-asang meron tayo. Pinakawalan kita, pinalaya ko ang sarili ko.
Naging maaliwalas ang langit. Hindi ko alam kung bakit. Yun pala ang puso ko'y sosorpresahin mo. Nagbalik ka. Salamat summer! Ayos lang sakin na mabuhay sa pang-aasar ng init mo. Sana lagi kong maramdaman ang yakap mo. Sana lagi kong makita ang pagsilip mo. Sana ikaw na lang ang tanging panahon ng buhay ko.
Sunday, June 26, 2011
Ang Pagbubukas Ng Aking Tindahan
Natapos na ang kahapon. Natikman ko na ang jellyace na minsan kong pinangarap. Naglaho na ang lasa mo. Naisama na kita sa ipon ko sa bangko ng aking alaala. Parte ka na lamang ng mga kinita ko. Ngayon ay bagong pagbubukas ng tindahan ng aking puso. Maraming pumapasok, pero iisa lang ang nais kong patuluyin. Sana umabot siya. Sana siya na nga. Handa na akong buksan 'to. Handa na ako basta para sa kanya. Kung pwede lang sumigaw yun guardya ng puso ko, edi sana alam niyang siya na yung inaantay kong pumasok sa pinto ng tindahan ko. Sana alam mong ikaw na ang customer na inaantay ng puso ko.
Friday, June 24, 2011
Ang Walang Kwentang Posporo
Di mo ako napahalagahan. Di mo ako pinaasa. Di mo man lang ako nabigyan ng pagkakataon. Kaya ngayon paunti-unting nauubos ang kakayanan mo para pasilabin ang aking damdamin. Paunti-unti akong nauumay sa gaas na iyong hinahain. Paunti-unti kong natututunang madami pa akong gaas na pwedeng matikman. Paunti-unti bumababa ang apoy na dati'y ikaw lamang ang may kakayanang pasiklabin. Ngayon, nabubuo na ang buhay ko kahit wala ang posporo mo.
Ang Pagpreno
Tatapak muna ako sa preno. Baka kasi mahuli ako ng MMDA. Overspeeding na yata ako. Todo ang pagtapak sa gas na halos nalimot ko na madami pang kalyeng pwede kong tambayan. Madami pa naman akong gas, di 'to agad mauubos. Susubukan kong umabot sayo. Gusto ko lang turuan ang sarili ko na prumeno. Para pag nagkatagpo na tayo, hindi ko gugustuhing magmaniobra pabalik sa mga nalagpasan ko. Kung nagmamaneho ako sa EDSA, at ikaw ay nasa kabilang dulo lang, sigurado kahit gaano pa katagal yan, magtatagpo tayo. Sa panahon na yun, sana walang kakaliwa o kakanan. Sana di tayo magmaniobra. Sana makasakay ako sa kotse ng buhay mo. Kung di man, sana nasa daan kang nararapat para sayo. Sana hindi ka malubak. Sana pareho tayong sumaya kahit makahanap tayo ng daang, isang daang pursyentong para sa 'tin.
Thursday, June 23, 2011
Ang Kandadong Nagtago Ng Susi
Isa akong kandado na matagal ng kumakapit sayo. Ang buong akala ko'y ikaw ang may hawak ng susi sa mga sagot sa madaming tanong ng puso ko. Hindi ko namalayan, na sa tagal kong pagkapit sayo, na halos kinakalawang na ang aking pundasyon, nakatago lang pala sa bulsa ko ang susi sa mga tanong ko.
Alam ko ang mga sagot, gusto ko lang kumapit sayo. Alam ko ang mga bagay-bagay, inaantay lang kitang akayin ako. Alam ko ang lahat ng kailangan kong malaman, umaasa lang ako na baka may gusto ka pang ipaalam. Na baka sa tagal kong kumapit sayo, nakita mo na kailangan mo din ang kandadong ito. Na baka sa kalawang na nabuo nating magkasama, hindi ka na hahanap pa ng makinis na kandado. Na sana ako na lang ang kandadong hahawak sayo hanggang ubusin tayo ng kalawang natin.
Alam ko ang mga sagot, gusto ko lang kumapit sayo. Alam ko ang mga bagay-bagay, inaantay lang kitang akayin ako. Alam ko ang lahat ng kailangan kong malaman, umaasa lang ako na baka may gusto ka pang ipaalam. Na baka sa tagal kong kumapit sayo, nakita mo na kailangan mo din ang kandadong ito. Na baka sa kalawang na nabuo nating magkasama, hindi ka na hahanap pa ng makinis na kandado. Na sana ako na lang ang kandadong hahawak sayo hanggang ubusin tayo ng kalawang natin.
Sunday, June 19, 2011
Ang Daan Patungo Sayo
Minamaneho ko ang buhay pag-ibig ko. At sa daan patungo sayo, wala akong kasalubong. Hindi mo ako sinasalubong. Kasabay ng pagmamaneho, ang pagpatak ng ulan sa akin na tila ba mga itak na tinataga ako ng katotohanang ang daan na aking tinatahak ay maaaring isang daang patungo sa pag-ibig na kailan man ay hindi mo kakayaning sabayan. Na kailan man, malamang, hindi mo gugustuhing tumbasan. Ayoko pang huminto. May gas pa ako. Full tank pa ako. Baka kasi naiipit ka lang sa trapiko dyan sa EDSA ng daan mo patungo sa akin. Wag kang mag-alala, tuloy-tuloy lang ang byahe ko hanggang magtagpo tayo.
Saturday, June 18, 2011
Ang Dahon
Alam mong naghahanap ako ng mga sagot. Alam mo kung gaano kabigat sa dibdib aminin na malamang kapatid lang ako sa kanya. At mas lalong alam mong umaasa ako, na kahit papano, na kahit mas maliit pa sa langgam, may pag-asa pa sana kami.
Wag mo naman akong ilagay sa kalungkutan. Wag mo akong itulak sa mga salitang hindi naman totoo. Higit sa lahat, wag mo na sanang sagutin ang tanong ng puso ko. Hindi ko alam ang sagot sa mga tanong ko. Mas lalong hindi mo alam. Siya lang, walang iba ang kayang sumagot.
Kaya kung pwede lang dahon na. Sa ingles, "Please leave."
Friday, June 17, 2011
Ang Mga Tanong
Espesyal ba ako? o katulad din ako ng lahat sa paligid mo?
Nilalambing mo ba ako? o malambing ka din sa lahat ng mga tao?
Kakaiba ba ang yakap mo sa akin? o kasing tamis din lang yun ng mga yakap mo sa iba?
Gusto mo rin ba ako? o nakikita mo lang ako bilang kapatid mo?
Ito ang mga tanong na hindi ko kailan man masasagot. Galugarin ko man ang mga pagawaan ng susi sa buong mundo, hinding hindi ko makukuha ang susi sa mga tanong ko. Ikaw lang naman ang tanging may hawak sa susi ng mga tanong ng puso ko. Buksan mo na ang sagot! Gusto kong malaman. Umaasa akong kikiligin ako pero mas umaasa ako kahit mga sagot lang.
Tuesday, June 14, 2011
Ang Kulungan
Nakakulong ako sa isang lugar. Gustong gusto kong tumakas. Gustong gusto kong kumawala. Gustong gusto kong tumakbo. Higit sa lahat, kung gugustuhin ko mang makulong, sana sa preso na pag-mamay-ari mo. Hinihiling ko na sana sa puso mo. Sana sa bisig mo. Sana sa malapit sayo. Sana sa kung saan mararamdaman ko ang gusto ko. Sana sa kulungan ng pag-ibig mo.
Monday, June 13, 2011
Ang Tubig
Thursday, June 9, 2011
Ang Larawang Di Kukupas
Kalakip ng bawat larawan ang bawat dahilan sa mundo. Ang pagtatago ng larawan ng mga pangulo ng bansa dahil nagserbisyo sila. Ang larawan ni Manny Pacquiao na matapos ang ilang daang taon, magkakaron ito ng malaking halaga. Pwede rin ang larawan ng mga taong mahuhubog ang katawan dahil sadyang may mga taong gustong maghubog ng larawan sa kanilang utak, mga larawang hindi pang-araw. Katulad sa puso ko, may larawang laging inaalala dahil ito'y larawan ng higit pa sa pagkakaibigan. Mga panahong pinagsamahan, mga kalungkutan at kasiyahang di mapapantayan.
Sabi nila ang bawat larawan ay nakalaan para kumupas. Bawat larawan ay mananahimik sa kwentong kanilang dapat ay isinasambulat. Para sa akin, may larawang kukupas pero ang larawan sa puso ko, buong buhay na walang kupas.
Salamat sayo!♥ Sana sa susunod, makasama uli ako sa larawan ng buhay mo.
Wednesday, June 8, 2011
Ang Panahon Para Gamitin Ang Utak
Ang buhay parang klase na may guro. May taong dumidikta, habang ikaw makikinig. Hindi pwedeng sabay kayong magsasalita o makikinig.
Parang ganito, hindi mo pwedeng gamitin ang utak mo habang pinakikinggan mo ang puso mo. Isa lang. Isa lang dapat. Ngayon, panahon ito ng utak ko. Manahimik ka muna puso, ayokong masaktan.
Ang Paggising
Gusto kong pumulupot sa bisig mo habang buhay. Gusto kong makita tayong masaya kasama ang isa't isa. Pero alam kong iba ang nasa isip mo. Sige na, maging masaya ka kahit pa sa piling ng iba.
Maganda kang panaginip pero hanggang dun na lang tayo. Salamat at pinagbigyan mo ako kahit dun lang. Handa na akong gumising. Sana sa susunod, totoo na. Kung panaginip pa din, wag ka na ulit dadalaw. Baka di ko na gustuhing gumising pa.
Monday, June 6, 2011
Ang Dapat Ay Akin
May mga bagay na para sa akin. May mga bagay na di para sa akin. May mga bagay na pinilit kong maging para sa akin. Pero higit sa lahat, may mga bagay na kahit anong takbo ang gawin ko, matuto man akong lumipad, abutin ko man ang langit at lupa, lumipas man ang madami pang taon, hindi na kailanman magiging akin. Ipusta ko man ang puso't kaluluwa ko, wala talaga. Malungkot lang kasi ikaw pa.
Saturday, June 4, 2011
Ang Sulat Para Sayo
Hello Summer!
Ang tagal tagal kitang inantay. Nung dumating ka, di naman kita pinansin. Nagtampo ka yata. Ngayon, ang hirap mong halughugin. Gusto ko lang malaman mo, kahit saan ako tumingin, ikaw lang nakikita ko. Ikaw lang ang gusto kong makita. Wag kang madamot. Wag mo na akong pahirapan na hanapin ka. Mas wag mong pahirapan ang sarili mo sa pagtatago palayo sa akin. Sa huli, malamang bumalik pa din tayo sa isa't isa. Wag na natin sayangin ang panahon. Lumabas ka na dyan. Payakap lang, isang solid.
PS. Next time na magparamdam ka, lulubusin na natin. Pangako!
<3
Friday, June 3, 2011
Ang Hiling Ng Isang Libro
Kung magiging libro lang ako, gugustuhin kong magkaron ng bagong edisyon. Hahanapin ko ang pinakamagagaling na manunulat para isulat ang kwentong nararapat para sa akin. Gagalugarin ko ang bawat sulok ng mundo para makatagpo ng pagbabago. Ngunit, wala nga palang sulok ang mundo. Pero hindi sana maging ganun ka-impossible na sa bago kong edisyon, hindi na lang ikaw ang laman ng libro ko.
Subscribe to:
Posts (Atom)