Madalas ko 'tong binabaybay. Ito yung daan ng buhay pag-ibig ko. Madami din ang bumabaybay. Madaming dumaan, madaming umalis, madaming pumanaw. May mga natira, may mga pumiling manatili sa sidewalk ng daan ko, sila yung importante.
Hindi nagkaron ng tamang panahon noon. Hindi din dumating ang malinaw na pagkakataon. Hindi tumaon ang tamang tao. Patuloy akong maglalakbay hanggang marating ang EDSA. Kung sa dati kong daan walang tamang panahon, edi sa susunod magkakaron na ako ng tamang panahon. Kung hindi dumating ang malinaw na pagkakataon, edi sa paglalakad ko makakamit ko din ang malinaw na pagkakataon. At kung naging masaya ako kahit di tumaon ang tamang tao, edi sa susunod mas magiging masaya ako sa pagtaon ng tamang tao.
Nilipasan ako ng panahon sa Cubao, edi sa EDSA hindi na muling mauulit yun. Edi sa EDSA, magbubukas lahat ng tyansa para sa akin. Malapit na ako sa EDSA, edi sa dadating na araw may sasama na muli sa aking paglakad.
Sa haba ng edsa hindi ako nagsasawang dumaan.
ReplyDeleteKahit ba ang dami kong karabal sa daan,
At Minsan may nagbabatuhan, nagtatakbuhan,
nagsisigawan, businahan dahil sa trapik na
walang katapusan. Ganoon pa din,marami parin ang dumadaan.
Ang Edsa para tayo, ayaw man natin padaan
sa iba, hindi maiiwasan kasi para tayo
sa kanila. Napadaan lang o yun mismo ang
tinatakahak nila kailagan tangapin pa rin
natin sila. Sa lahat ng panahon at pagkakataon
open tayo, parang Edsa. Pwedeng daanan ng
kahit anong sasakyan at lakaran ng simunan.
Ang Edsa parang pag-ibig, hindi mo maiiwasan
madadaanan at madadaan mo. Bibigyan ka ng
iba't ibang experience pero sa huli yun
pa din ang daan na tatahakin mo.