Sunday, December 7, 2014

Ang Nandyan At Nandito


Ang pag-ibig, kung totoong pag-ibig yan, walang kinikilalang distansya. 

Sabi ko "Mahal kita" 

Ibig kong sabihin - Mahal kita kung nandyan ka at nandito ako. Mahal kita kahit nasa malayo ka. Mahal kita kahit nasaan ka man. Mahal kita. Oo, mahal kita kaya gustong gusto kong mas mapalapit pa sayo. Gusto kong maramdaman yung init ng yakap mo. Gusto kong maramdaman yung dampi ng mga labi mo sa pisngi ko. Gusto kong mapakinggan yung bulong mo. Gusto kong makita yung mga bagay na nandito ka sa tabi ko pero alam kong di pwede sa ngayon. Mahal kita, namimiss lang talaga kita. Yun lang ang magagawa ko sa ngayon. Ito lang muna sa ngayon. Kaya sige, mahal kita. Mahal kita kahit nasaan ka man. Yun lang ang tandaan mo.

Saturday, December 6, 2014

Ang Higit Pa Sa Fairytale


May kanya-kanya tayong kwento ng pag-ibig pero alam ko parepareho tayo na ang gusto yung parang fairytale. E yun nga lang kasi, di naman totoo yun, pero masaya ako na binigyan ako ng higit pa sa fairytale - yun yung kwento ng pag-ibig ko, yung kwento namin ng mahal ko.

At ito yung kwento namin:

Nagkakilala kami (ni G) more than 3 years ago. Online. Total stranger. Unang beses kong binigay yung number ko sa isang taong di ko kilala. Ang totoo, di naman ako na-cute-an sa kanya, di ko alam pero binigay ko na lang number ko. Hinayaan ko kasi syempre, mas bata ako, kausap lang kailangan ko. Yung minsan may katext, swak na yun. Masaya lang. Di ko alam lagi ko na siyang nakakausap. Siguro feeling ninyo weird, at yun din eksaktong naramdaman ko nun, kung sa paanong paraan na isang estranghero na di ko pa naman nakita talaga, unti-unting tumatak sa buhay ko. Hindi pwede, yun yung naisip ko, pero lumipas ang mga araw, wala e. Gusto ko na siya.

Nakakatawa kasi gusto ko na yung isang taong di ko man lang nakasama pa. Mas nakakatawa pa dun, feeling ko natutuwa lang siya sa kagaguhan kong kausap pero nung oras na yun, alam ko naman, may mahal siya. Baliw na nag-invest ako ng feelings sa isang taong di yata ako kayang mahalin pero nangyari na, minahal ko na. May bumalik sa kanya, inaantay kong ako na lang e, pero gusto kong piliin niya yung feeling niyang mas tama, lalo di naman talaga niya ako nakasama. Lumayo ako ng ilang araw para maliwanagan siya. Pag balik ko, bumalik na siya sa nakaraan. Puta. Wala na. Wag na. Layo na lang. 

Lumayo ako. Lumayo ako na hinayaan kong wala akong marinig pero habang lumalayo ako, sinabi niyang mahal niya ako. Wala na e. Mahal niya ako pero di ako kinayang piliin. Layo na lang. Lumayo ako. Lumayo ako kasi ayokong umikot yung mundo ko sa taong di kayang magrisk sakin. 

I tried to date other people. May jinowa ako. Una, di tumagal. Humiwalay sakin, wala akong pakielam. Met other people pa. Sige lang. Bata ako, I did what I wanted to do. Landi. Kapag feeling kong di swak, hayaan mo na lang. Buong oras kasi na yun, sinusubukan kong mawalan ng bahid yung isang estranghero sa buhay ko pero wala e. Lumalayo ako, sinusubukan akong abutin. Lumalayo ako, kakausapin ako at ang nakakaasar sa lahat siya pa din. Na kahit ang daming tao na nakilala ko nun, siya lang. PERO HINDI PWEDE. Lumayo ako. Lumayo pa din ako kasi di pwede, di siya pwede.

I met someone saka ko tinanggap yung pinipilit na friendship sa akin ni G.  Yung taong sineryoso ko. Yung taong naging willing akong mag-risk ulit. May jowa ako pero nung umpisa araw-araw ko pa din nakakatext si G.  Sa kanya ako tumatakbo pero alam 'to nung jinowa ko. Naisip ko lang hanggang alam kong friendship lang, go lang. Matapos ang ilang days, wala e. Umamin siya na gusto niya pa din ako. Wala. Kailangan kong lumayo. Kinailangan ko di dahil di ko siya gusto nun, kundi dahil ayokong masaktan yung taong iniingatan ko nung oras na yun. Lumayo ako kahit na gustong gusto kong sabihin na gusto ko siya, walang nagbago. Ang hirap pero bawal. Sige na lang. Respeto. Layo. Hahayaan na lang ulit. Pero ilang beses niya akong inabot, sadyang di lang pwede. Lumapit siya lalo nung panahon na binitawan niya na yung taong pinili niya kaso di ko kayang saktan yung taong pinili ako, at di ko kayang ingatan si G na di ako napili. Hayaan. Hinayaan ko. 

Matapos ang mahabang panahon, naghiwalay din kami nung pinili ko. Sa huli, hinanap ko ulit si G. Kaso di na naman pwede. Di na naman siya pwede. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana, kung kailan single ako, di siya pwede. Kung kailan single siya, di ako pwede. Hayaan na lang. Lumayo na lang. Lumayo na naman. Para kaming pinaglalaruan ng tadhana. Kung kami, kami talaga pero mukhang hindi talaga.

May 2014. Ayoko na talaga. Ayoko kahit friendship kasi pagod na siguro, sawa na ilang taon kong hinahayaang lumabas pasok sa buhay ko yung isang stranger. Blocked sa lahat. She e-mailed me. Once. Twice. Thrice. Hanggang sa sinagot ko. Nagsasagutan na kami sa e-mail pero asar na asar lang ako sa mga punto niya, di ko gustong igets at di niya din ako magets. First time na sinabihan ako ng mga kaibigan ko na mag-umpisa uli kami ni G. Yung bago. Yung friends na walang bahid ng hurt at kung ano man. So, I accepted the friendship. Yun ang tinatak ko sa utak ko this time -- friendship.

June 2014. Umamin siya na gusto niya pa ako, na mahal niya ako dati pa, hanggang ngayon pero wala. Di ko kayang sabihing mahal ko siya, di dahil di ko siya mahal noong time na yun pero di ako handa. Di na ako handang magrisk sa isang taong di nagririsk sakin. Hinayaan ko lang siya. Wala siyang narinig sa akin.

July 2014. Pinuntahan niya ako dito. Met her for the first time and I knew exactly that my heart was hers. Alam mo yung kakaiba na before I met her, alam kong totoo yung feelings ko para sa kanya, sadyang di ko na lang kayang irisk, pero nung oras na ngumiti siya sa akin, siya pa din pala, siya lang talaga.

Oct 2014. YES. <3 Yung taong pilit kong tinatakbuhan lagi, yung nilalayuan ko ng paulit ulit, yung ginusto kong mawala sa buhay ko, siya lang pala talaga nilaan para sa akin. May mga bagay talaga na kahit anong pilit mong paglayo, kung para sayo, para sayo. Kahit anong iwas mo, hindi ninyo maiiwasan na kayo yung para sa isa't isa. Katulad mo, katulad ko, ilang beses man nating hinayaan ang isa't isa, ito tayo ngayon at masayang masaya ako na ikaw yung higit pa sa fairytale na dinasal ko.

Feeling ko dati, di lang talaga kami para sa isa't isa. Paano naman magiging possible na ang taga-Zamboanga, at taga-Quezon City, pupusta sa isa't isa? Labo diba. Malabo pero hindi impossible. Dati, naniniwala ako na ang tamang panahon yung "ngayon", pero hindi pala talaga. Dati, akala ko kapag mahal ninyo ang isa't isa, go lang, pero hindi pala. Dati, akala ko kapag wrong timing, di na darating yung tamang time, pero hindi pala.

Di lahat ng "ngayon" ay tamang panahon, kasi kung talagang para sayo, darating yung panahon na para sa inyo. God's timing lang talaga. Di din enough na mahal ninyo lang ang isa't isa, kailangan din ng oras. May tamang panahon para sa tamang pag-ibig, yung tamang panahon para sa pag-ibig, katulad namin. 

Natuto ako na may oras ang lahat ng bagay. Natuto ako na hindi dapat pinipilit ang mga bagay, dahil katulad namin, pinilit kong lumayo nang lumayo pero sa kada paglayo ko, daan pala yun pabalik sa kanya. Natuto akong mag-antay na hindi ko alam na buong oras na yun nag-aantay pala ako. Natuto akong magmahal ng hindi umaasa sa sagot na "Mahal din kita" Minahal lang talaga kita noon pa, mahal kita ngayon, at mamahalin pa sa mga bukas ng buhay natin.

Worth it lahat. Dahil sa timing ni God, I am with my one true love, my constant love, my inevitable love, my forever love and my one and only love. I really cannot ask for more, time lang. Lifeime with you. Mahal kita, G. Mahal na mahal.

Woooo. 2nd! <3 Lifetime to go, my Love.

Tuesday, December 2, 2014

Ang LabLab



Nakakausap kita pero iba pa din kapag kasama kita. Nakakapalitan kita ng texts pero iba pa din kapag nakakapalitan kita ng titigan. Nasasabi kong "Kiss mo nga ako" sabay pikit at hiling na mararamdaman ko yung mga halik mo sa hangin, pero iba pa din kapag nasa tabi kita at dadampi yung mga labi mo sa pisngi ko sa mismong oras na sinabi kong "Pakiss". Naaalala ko yung mga oras na "LabLab, yung ganyan nga", "LabLab, ayusin mo nga 'to." "LabLab, charge mo nga phone ko." "LabLab dala ka nga ng jacket", at madami pang LabLab, pero hinding hindi ako magsasawa na gawin yung mga yun dahil alam kong sa panahon na yun, kasama kita. Kapag sinasabi mo ang pangalan ko, gusto kong makasama ka, lalo kong gusto makasama ka ulit.

Kapag sisilip ako sa tabi ko, umaasa ako na makita ka ulit, na makita ko ulit yung ngiti mo na hindi ko maiwasang mapangiti din, na kukunin ko yung phone ko at magkukunwaring magtext yun pala kumukuha lang ng maraming litrato mo sa eksaktong panahon na makikita kong sobrang cute mo, na makita ko ulit yung singkit mong mga mata, na makita ko ulit yung mukha mong medyo mahaba, na makita ko yung mga pisngi mong makinis, na makita ko yung maikli mong buhok na kahit maghapon ka ng nasa labas mabango pa din, na makikita ko ulit yung pagngiti ng mapupulang labi mo, na makita kita, sabay mayayakap, sabay mahahalikan, sabay masasabi ko sayong "Mahal kita.". 

Alam kong makakasama kita ulit, konting oras lang, konting panahon lang, pero bat parang forever? Bakit parang ang tagal ng panahon kapag di kita nakakasama pero kapag kasama kita, parang iniihipan lang ng hangin yung panahon? Ang hirap hirap lang kasi sobrang namimiss kita. Namimiss kita pero hindi ibig sabihin bibitaw ako, hindi din ibig sabihin na hahayaan kong mawala 'to. Mahirap lang kasi di ko mahawakan yung kamay mo ngayon pero hindi ko bibitawan yan kahit kailan. Mahirap lang kasi di kita mayakap ngayon pero buong buhay kitang yayakapin sa puso ko. Mahirap lang kasi hindi kita mahalikan ngayon pero hindi ako magsasawang halikan ka sa hangin para eksaktong maramdaman mong mahal na mahal kita at hindi ko hahayaang mawala 'to. Mahirap na malayo tayo sa isa't isa ngayon, pero umaasa ako, konting panahon na lang, hinding hindi na natin kailangan magsabi ng "Goodbye" kundi "Good night" na lang. 

PS. Mahal na mahal kita, Love ko. Mahal na mahal. Sa susunod ulit, aabangan ko yun! <3


Friday, November 21, 2014

Ang Namimiss, Miss Na Miss




Namiss kita. Namimiss kita. Mamimiss kita.

Namimiss ko yung mga oras na kasama kita. Gustong gusto ko yung maliliit na bagay na nangyayari sa atin kapag magkasama tayo - yung mga simpleng hawak sa kamay na parang sinasabing "Nandito lang ako sa tabi mo, ngayon at sana sa mga susunod na bukas.", yung mga hawak sa bewang mo dahil yun lang ang abot ko, yung mga bulong na sinusubukang hindi mag-ingay dahil iniisip nating maririnig ng ibang tao yung mga sinasabi natin, yung mga yakap na hindi pantay dahil matangkad ka pero yumayakap pa din tayo, yung mga lakad na nakangiti lang ako habang nakakunot na yung noo mo, yung mga oras na kumakain tayo dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na ipagdamot sayo ang pagkain ko, yung pagtitig ko sa tabi ko, nandyan ka lang at di ko maiwasang mapangiti dahil alam kong nandun ka sa tabi ko, yung mga halik, madaming halik na hinding hindi ko pagsasawaan, at yung marami pang iba. Minsan hindi ko namamalayan na nakatitig lang ako sayo, sinisipat yung bawat detalye mo, minsan ikaw naman, at minsan titignan natin yung isa't isa, at kapag nagtagpo yung mga mata natin, yung parang lahat ng pag-ibig sa mundo, sinusubukang sumigaw mula sa atin. Pinakapaborito ko yung mga ngiti sa mukha natin, walang effort, at minsan hindi ko na napapansin na sobra na akong nakangiti at buong oras na kasama kita, na hindi yun maalis.

PS. Alam kong alam mo naman pero sasabihin ko pa din - namimiss kita, araw-araw. Hindi na yata masasanay yung puso kong hindi ka mamiss. 

Thursday, November 6, 2014

Ang Mahal Kita


Nakilala kita. Nakilala mo ako. Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan lang. Magkaibigan lang pero ibinulong mo na: Mahal kita.
Sinagot kita ng: Mahal din kita (yung pabulong, yung ayokong marinig mo, kasi ayokong masaktan tayo pareho, pero narinig mo pa din)

Pero isa yun sa pinakamasakit na "Mahal kita" na narinig ko sa buhay ko. Hindi dahil ayokong marinig yun sayo, kundi dahil nung sinabi mo yun, hindi mo kinayang panindigan. Sinabi mo lang at wala akong magawa kundi hayaan yung hangin na hawiin yung mga salitang yun na para bang di ko na lag narinig. Nagpakabingi. Nagkunwaring walang narinig, walang naramdaman. Sinubukang kalimutan.

Magkaibigan lang. Itinatak ko sa utak ko. Kaya sinubukan kong magmahal ng iba. Sa panahon na yun, kinakalimutan ko ang "Mahal kita" na sinambit mo, at ang "Mahal din kita" na isinagot ko sayo. At nung sa wakas, mahal ko na siya, naglakas ka ng loob para sabihing gusto mo pa rin ako. Kinailangan kong lumayo, at piliin yung taong minahal ko, dahil ganun ka din. Di mo ako kinayang piliin noon, kaya kailangan kong piliin yung taong minahal ko.

Nagmahal ka muli ng ibang mga tao. Nagmahal na ako ng ibang mga tao. Nagmahal tayo pareho. 

Natapos yung istorya ng pag-ibig ko sa taong minahal ko, sa taong pinili ko kaysa sayo.

Isang araw, naisip kita. Hinanap kita. Sinalo mo ako nung panahong di ako masalo nung taong minahal ko. Katulad ng dati, di naman pwedeng tuluyang hayaan ang kwento natin, dahil di pwede, dahil di na naman pwede. Dahil di pa din naman ako maayos, at di din natin pwedeng hayaan. Lumayo ako. Lumayo na naman ako.

Masaya ako. Masaya akong sinusulit yung oras ko sa sarili ko, pero lumapit ka na naman. Lumapit nang lumapit. Paulit ulit. Ayoko na sana. Ayoko na sanang bigyan ng panahon yung istorya natin, siguro kasi di naman talaga pwede lagi pero ewan ko, binigyan ko ng pagkakataon, di man yung pag-ibig natin, pero yung pagkakaibigan naman natin.

Ito tayo. Makalipas ang ilang taon nang taguan, nang sakitan, nang iwasan, nandito tayo ngayon. 

Sabi mo: Mahal kita
Sabi ko: Mahal din kita

Tayo yung magkahawak kamay. Tayo. 

At yun ang pinakamatamis na "Mahal kita" sa buhay ko. Saka ko naisip na sayo yung pinakamasarap na "Mahal kita" na narinig ko, dahil yang "Mahal kita" na galing sayo, hindi natin pinilit nung panahon na may masasaktan tayo, hindi natin sinubukan nung oras na di pwede, hindi natin ipinusta nung alam nating di tayo makakapusta. Dahil yang "Mahal kita" mula sayo, ilang taon mang nakalipas, ilang tao din ang dumaan sa buhay natin, ilang problema man ang pinagdaanan natin, nasabi mo pa din, ipinaramdam mo pa din. 

Kaya nga ang sarap sabihin na mahal din kita - mahal na mahal. Ang sarap sa pakiramdam na wala tayong natapakang tao, wala tayong nasaktan, wala tayong dinuga. Ang sarap lalo sa pakiramdam na kahit anong nangyari, tayo pala talaga, hindi natin pinilit, sadyang tayo lang talaga.


Mahal kita, GEMI. <3
I'm blessed to have you. Lifetime to go, my Love! 
1st. :)

Saturday, November 1, 2014

Ang Araw Mo At Buwan Ko


Hinahanap mo yung taong magiging araw sa buhay mo. Yung sinasabi mong magdadala ng liwanag sa buhay mo. Yung yayakap sayo sa liwanag ng paligid ninyo na makikita yung pag-ibig ninyong dalawa ng lahat ng tao. Yung tipong nakakabulag na liwanag niya, pero yun yung eksaktong hinahanap mo, hindi yung mabulag, kundi yung mag-aalis sayo sa dilim na pinagsawaan mo. Yun yung hinahanap mong pag-ibig, yung dadalhin ka sa liwanag, yung bubulagin ninyo ang ibang tao sa pag-ibig na meron kayo, yung araw mo na mahal mo at mahal ka sa liwanag.

Pero ako? Buwan. Gusto ko yung buwan sa buhay ko. Kasi alam ko sa liwanag, madaming taong nandiyan para sa akin pero gusto ko yung buwan dahil eksaktong malalaman kong kahit sa dilim, hindi ako nag-iisa. Hindi ako iiwan. Yung kahit sa dilim, wala man makakita, wala man makapagmasid sa pag-ibig namin, alam namin parehong totoo yun. Yung buwan na di man makakapagbigay ng liwanag sa akin, pero alam kong liliwanag yung puso ko dahil yung pag-ibig na pinagsasamahan namin, hindi lang kapag maayos ang lahat. Yung buwan na hahawakan ako ng mahigpit at sasabihing "Di man kita kayang bigyan ng liwanag, pero pangako nandito ako lagi - kahit sa panahong malabo. Wag kang mag-alala. Di ka naman mag-iisa, kahit kailan."

Lahat gustong magkaroon ng araw para lumiwanag yung buhay nila, pero mas gusto ko yung buwan para malaman kong kahit sa dilim, di ako mag-iisa, may kayang tumanggap at magmahal sa akin.

Friday, October 31, 2014

Ang Mensaheng Dapat Mong Baliktarin

MENSAHE:

Mahal na mahal kita.
Mahal kita.
Kahit baliktarin man ang mundo
Hindi natin pwedeng hilingin na mas umayos ang buhay nating dalawa
Magsisinungaling ako kung sabihin kong
May magandang nag-aantay sa ating dalawa sa buhay na 'to
Na hanggang huli, ikaw at ako, tayo lang
Na kaya nating ayusin ang lahat na magkasama
Na sasaya tayo buong buhay natin
Na magiging mas madali ang lahat kung tayo hanggang dulo
Na magkahawak kamay tayong dalawa masaya man o malungkot
Na kakayanin nating dalawa ang lahat
Higit sa lahat, kailangan mong malaman
Ang mga problema, sisirain tayo
At naniniwala ako dito dahil kilala kita
Kaya mo lang akong bitawan
Kaya mo lang akong talikuran
Kaya mo lang akong layuan
Mas madaling mawala 'tong sa ating dalawa na,
Ayokong maniwala sa kahit ano mang pagkakataon na
Kaya pa natin harapin ang lahat na magkasama
Naiisip man natin na mahirap ang lahat ngayon pero
Marami pang pagsubok na darating
Meron lang tayong nag-iisang tadhana - ikaw at ako, tayo
At gustuhin man natin o hindi,
Mahal na mahal kita.
Mahal kita.
Ito ang totoo
Naniniwala ako sa eksaktong kabaliktaran ng mga 'to.


PAANO MO MALALAMAN ANG TOTOO KONG MENSAHE?
Ang totoong gusto kong sabihin: baliktarin mo ang pagbasa. Unahin mo ang dulong pangungusap (Naniniwala ako sa eksaktong kabaliktaran ng mga 'to.), papataas (ang magiging huling pangungusap ay Mahal na mahal kita). Yun ang gusto kong iparating sayo.


PS. Mahal kita. Mahal na mahal, Sweetiepie.

Monday, October 20, 2014

Ang Pagkakaiba Nang Umiibig Sa Isang Tao, Sa, Mahal Mo Yung Tao


Ang pagkakaiba ng umiibig ka sa isang tao at yung talagang mahal mo yung tao.

Masarap naman talaga magmahal, pero yun nga, di naman kasi lahat ng "Mahal kita" ay katumbas ng "Di kita iiwan". May pagkakaiba kasi yung umiibig ka sa isang tao at yun sadyang mahal mo yung isang tao.

Ganito yan:

Kapag umiibig ka sa isang tao, interisado ka sa taong yun.
Interisado ka sa kanya -  sa mga hilig niya, sa mga gusto niya, sa mga paborito niya. Interisado kang kilalanin siya. Intersado ka, baka kasi maging parte siya ng buhay mo. Yun na yun. Yun lang yun - interisado.

Kapag mahal mo yung tao, gusto mo yun taong yun.
Gusto mo yung taong yun - gusto mong maging parte ng buhay niya, gusto mong maging parte ka ng buhay niya. Hindi ka lang interisado sa kanya, pero gagawa ka ng paraan para magkaroon kayo ng lugar sa buhay ng isa't isa. Gusto, hindi interisado.
__________________________________________________

Kapag umiibig ka sa isang tao, lagi kang nasa langit.
Yung pakiramdam na lagi kang masaya. Yung feelings mo laging mataas, laging matindi. At hindi mo hihilingin na mawala yung tindi ng pakiramdam mo, kasi alam mo, alam na alam mo, na kung mawala yung pakiramdam, matatapos din.

Kapag mahal mo yung tao, nasa langit ka minsan, minsan wala, pero siya pa din.
Feelings mo minsan sobrang high, minsan naman walang wala. Parang minsan nandyan, minsan di mo maramdaman. Walang rason, wala man rason, mahal mo siya, yun na yun.
___________________________________________________

Kapag umiibig ka sa isang tao, isa lang yung pangarap ninyong abutin.
Pinapaikot ninyo yung mundo ninyo sa isa't isa. Binabago ninyo yung pangarap ninyo para swak dun sa isa. Kinalimutan mo yung pangarap mo, binubuo mo yung sa inyong dalawa habang kinakalimutan mong may sarili kang buhay. 

Kapag mahal mo yung tao, may pangarap ka, may pangarap siya at may pangarap kayong dalawa.
May pangarap siya, aabutin niya. May pangarap ka, aabutin mo. May pangarap kayong dalawa, aabutin ninyong dalawa. Bubuuin mo yung sarili mo. Bubuuin niya yung sarili niya. Para sa inyong dalawa, buong buo kayong magkasama. Pareho ninyong susuportahan ang isa't isa, magiging masaya para sa isa't isa.
___________________________________________________

Kapag umiibig ka sa isang tao, akala mo iniingatan mo yung taong yun kaysa sa ginagawa mo.
Akala mo sobrang iniingatan mo siya. Akala mo sobrang inaalagaan mo siya. Mali ka. Iniisip mong sobra na yung binibigay mo pero halos wala ka palang ginawa para sa kanya.

Kapag mahal mo yung tao, ginagawa mong ingatan yung taong yun kaysa sa inaakala mo.
Akala mo nagkukulang ka. Akala mo hindi pa sapat. Pero higit pa sa inaakala mo, sobrang iniingatan mo siya at inaalagaan mo siya. Gusto mo lang ibigay lahat ng kaya mo para sa kanya, yun kasi yung sa tingin mong karapat dapat para sa kanya.
___________________________________________________

Kapag umiibig ka sa isang tao, pwedeng mawala yung pakiramdam mo para sa kanya.
May kondisyon. May limitasyon. May hangganan. Hindi mo kayang mahalin siya buong buhay mo, kasi magkamali lang, mawawala na lahat. Hindi lang magkasundo, mawawala na. Hindi lang magkaintindihan, mawawala na. Napagod, di lang magpapahinga, bibitawan pa. 

Kapag mahal mo yung tao, sadyang mahal mo yung tao at di yun mawawala at matatapos.
Pikon na pikon ka na. Asar na asar na. Gigil na gigil na. Lahat na ng away, pero di pumasok sa isip mo na hihilingin mong mawala siya, mawala kayo. Mahal mo siya, walang kondisyon, walang limitasyon, walang hangganan. Mahal mo siya, at kahit ano pa, pipiliin mo siya, pipiliin mo yung kayo ng paulit ulit.
___________________________________________________

Kapag umiibig ka sa isang tao, ang "Mahal kita" ay di katumbas ng "Di kita iiwan"
Mahal kita ngayon. Mahal kita kapag maayos ang lahat. Mahal kita kapag masaya tayo. Mahal kita hanggang pwede tayo. Pero darating yung punto na ang pag-ibig na 'to mawawala. Maging handa na lang tayo, kasi baka iwan kita, o iwan mo ako. Kapag nangyari yun, mawawala ka, mawawala ako, mawawala tayo, tapos na din ang mga salitang mahal kita, ang mahal mo ako.

Kapag mahal mo yung tao, ang "Mahal kita" ay katumbas ng "Kahit ano pang mangyari, sa saya o lungkot, sa tawa o iyak, hindi ako mawawala."
Kapag mahal mo kasi talaga yung tao - parte siya ng pagkatao mo, parte yun ng sarili mo. Yung mga taong mahal talaga natin, yung mga sobrang inaalagaan natin, yung mga importante sa atin - hindi naman talaga sila nawawala sa atin.

Kung mawala man sila, kung piliin man nilang mawala sa buhay natin, iniwan tayo, pero hindi naman katumbas nun na mawawala sila sa puso at isip mo. Yung lahat ng napagsamahan ninyo, lahat ng pinagdaanan ninyo, andyan lang yan, at pati yung eksaktong emosyon, itago mo man, may oras na lalabas at lalabas. Nung panahon na nandyan siya, sila, sobra yung pakiramdam mo, kaya naman sa mabuting paraan, nagbago ka. Kaya naman, napabuti ka.

Kapag kasi mahal mo talaga yung tao, hindi mawawala yung pag-ibig mo para sa kanya kasi pati sarili mo kakalimutan mo kung kakalimutan mo siya.




Mahal kita. Kahit ano pang mangyari, hindi ako mawawala.
Oct 21. 2014

Wednesday, October 8, 2014

Ang Sana Sapat Ang Mga Salita

Hindi ko sigurado kung magiging sapat ang mga salita para pantayan ang nararamdaman ko pero susubukan ko.

Alam ko kasi gusto kong maranasan lahat sa mundo na kasama ka. Gusto kong nasa tabi kita, kapag masaya ako at kapag malungkot ako pero higit pa dyan, sa oras na nakangiti ka o nakabusangot sa lungkot, gusto kong maramdaman mong nandito lang ako, hinding hindi mawawala sa kahit ano mang pagkakataon. Gusto kong makita yung mukha mo sa umaga kapag nagising ako kahit ano pang itsura niyan at makatulog sa gabi kasi alam kong hawak mo yung kamay ko. Gusto kong kumuha ng madaming litrato nating dalawa at walang sawang titigan ng paulit ulit. Lagi kang nasa isip ko. Gusto kong abutin mo yung pangarap mo, buoin mo yung sarili mo, at makita mong masaya akong nag-aantay sayo. Gusto kong abutin yung pangarap ko, buoin yung sarili ko at makita kong parte ka ng lahat ng yun. Gusto kong maging parte ka ng buhay ko. Pinipili kong maging parte ka ng buhay ko.


Ang alam ko sa lahat, ayoko lang mawala ka pa ulit. Wag kang mawawala ulit. Dito ka lang, dito lang.


PS. She's one of the reasons why I believe in fate and in God's timing.
More than 3 years ago, I was just a girl who liked a girl na like din daw ako pero never akong mapili. I just had to do the hardest thing that I've ever had to do, which was just to wait, and enjoy kung anong meron ako. I have chosen to be with another girl para lang matapos na yung "thing" ko with her. Went to Med school din. Pero after two years, everything went crazy. Nawala ako. Iniwan ako. Nairreg ako. So, I gave up everything to God. Asked Him to lead me sa path for me - and that path led me to her again.
I think this is inevitable - yung tayo. After all those years, tayo lang pala talaga. You're worth the wait. I love you.

Saturday, September 20, 2014

Ang Perpekto At Di Perpekto

Nakita kitang perpekto, minahal kita. Nung naranasan ko yung mga bagay na magaganda sayo, minahal kita. Nung naramdaman ko yung mga bagay na maipagmamalaki mo, minahal kita. Nung nginitian mo ako, minahal kita. Nung niyakap mo ako, minahal kita. Nung binigyan mo ako ng panahon, minahal kita. Nung maayos ang lahat, minahal kita.

Nakita kitang di perpekto, mas minahal kita. Nung mas nakikilala kita, mas minahal kita. Nung mas nakita ko yung ikaw, mas minahal kita. Nung nalaman kong mahina ka din pala, mas minahal kita. Nung naramdaman kong may panahong di laging maayos ang lahat, mas minahal kita. Nung oras na akala mo di ko kayang yakapin ang mga bagay na kinakatakutan mo, mas minahal kita. Nung nakita kong di magiging madali ang lahat, mas minahal kita.

Nakita kong perpekto ka kaya minahal kita. Pero nung nakita kong hindi ka pala perpekto, mas minahal kita. Hindi ito yung pag-ibig na pipiliin ka dahil lang sa mga bagay na magaganda, masasaya at madadali. Ito yung pag-ibig na pipiliin ka ng paulit-ulit araw-araw, kahit ano pa, kahit anong mangyari, nandito lang at di mawawala.


PS. Tanggap kita ng buong buo, yung nakaraan mo, yung ngayon at yung mga bukas. Nandito lang ako, di ako mawawala, Singkityyyy. 

Thursday, September 18, 2014

Ang Namimiss


"Gumagawa ka lang ng rason para mainis sa kanya pero ang totoo, namimiss mo lang siya."

Siguro nga, pero siguro hindi na kami talaga ayos. Siguro kasi nagsasawa na siya. Siguro nagbago na talaga siya. Siguro kasi di na katulad ng dati. Siguro di na niya na-appreciate yung ginagawa ko para sa kanya. Siguro kasi malayo kami. Siguro kasi wala ako sa tabi niya. Siguro kasi di ako makakatulad ng iba na isang lingon niya, nandun na. Siguro kasi...

Baka nga, pero hindi. Alam kong hindi. Alam kong ayos kami. Alam kong hindi siya nagsasawa. Alam kong walang nagbago, kung meron man, yun yung bagay na mas nakilala namin isa't isa, at kung anong meron noon, mas naging matibay pa ngayon at lumalim. Alam ko kasi di na katulad ng dati, kasi kung anong meron ngayon, ito yung bagay na alam kong pipiliin namin araw-araw, hindi katulad ng dati na hindi pwede. Alam kong kahit yung pinakasimpleng ginagawa ko para sa kanya, kahit papaano, napapasaya siya, hindi man niya sinasabi, nararamdaman ko. Alam namin na malayo kami, alam kong malayo kami, pero kailanman hindi ito yung magiging rason para bitawan ko yung taong kayang kaya akong pasayahin, malayo man o malapit. Alam kong wala ako sa tabi niya, alam kong wala ako mismo sa gilid niya sa oras na gugustuhin niya, pero kailanman, hinding hindi ko hahayaang maramdaman niyang nag-iisa siya, kasi nandito lang ako, nandito lang. 

Siguro nga gusto ko lang humanap ng rason para mainis sa kanya. Baka nga. Pero ito lang ang seryosong alam ko - Oo! Namimiss ko siya. Namimiss na talaga.


PS. I will never choose a life without you. I have chosen you before, and my heart chooses you now. I'm blessed to have this kind of love, Singkityyyy. I don't want to lose you. I'll always choose you.

Friday, August 29, 2014

Ang Espesyal Kahit Pang-ilan


Sa tingin mo, importante kung ilang beses yung taong nagmahal?
Hindi. 

Sa tingin mo, importante kung pang ilan ka sa listahan ng mga minahal niya buhay niya?
Hindi.

Sa tingin mo, importante kung may mga minahal siya bago ikaw?
Hindi.

Ang wirdo naman para magbibigay ng panahon para sa ganyan. 



Ang pag-ibig, parang pagkain. Isipin mo na lang, kung kumain ako sa umaga ng pagkain, ang sasabihin ba sa akin ng pagkain "Hindi na ako espesyal kasi ako yung pang 25,185th na pagkaing kinain mo sa buong buhay mo!"

Pwes, hindi ganun yun! Hindi ako pwedeng bumalik sa nakaraan para isuka lahat ng naunang pagkaing kinain ko bago ka, pero di ibig sabihin nun na hindi ka na espesyal. 

Parang sa pag-ibig, hindi porke may nauna na akong mahalin, may nauna na akong nakasamang gawin ang mga bagay-bagay, may nauna na akong mayakap at halikan, hindi ibig sabihin nun na di ka na magiging espesyal. Kung tutuusin, espesyal ka higit sa iniisip mo dahil sa nakaraan ko, sa mga nangyari noon, sa mga minahal ko nun, ikaw yung pinili ko ngayon, hindi sila, hindi lahat ng mga nangyari noon. Ikaw. Ikaw. Ikaw.

Iba ka noon. Iba sila noon. Iba ako noon.
Iba ka. Iba sila. Iba ako.
Ibang panahon 'to.
Ibang pahina ng buhay ko.
Iba yung pakiramdam nung ikaw ang kasama ko.
Basta maniwala ka, iba 'to. Espesyal 'to higit pa sa naiisip mo.
Wala yan sa kung sino ang nauna, sino ang matagal, sino ang nasa nakaraan. Ang mahalaga yung kasama ko ngayon, yung gugustuhin kong makasama habambuhay. Ikaw. Ikaw. Ikaw.

Monday, August 25, 2014

This girl, my girl

9:10pm
Aug 25, 2014

Kakatapos kong makipag-facetime with her. Sobra lang yung feels ko ngayon. Amazeballs!!! When I look at her, I can't help but smile. Everytime I have that chance to see her, sobrang ang tumatakbo sa isip ko na I really don't know how we get to this point, all I know is that, the sacrifices we did before, was all worth it. It took us more than 3yrs to realize each other's worth. We needed to fall for other people before we exactly understand that all those years, we're just pretty much into each other. We needed time apart before we figure out that all we ever wanted was to be together. Kakaiba. Kakaiba lang.

If I could just hug her now, I would never let go. If I could be with her now, I would wish for time to stop. If I could hold her hand now, I would let her feel that those hands fit perfectly with mine. If I could see her now, I would just smile and let her know exactly what I'm feeling

Di man kami magkasama, malayo man kami sa isa't isa, wala na yung takot ko, wala yung pagdududa ko, kasi we've been challenged before by time, by distance, and by other's love, pero who would have thought na makakarating kami sa puntong 'to? Wala. Kahit ako. Pero I'm so blessed kung anong meron kami ngayon. I'm in love with her before, today and always.

Feels good. Thank You, Lord.

Monday, August 18, 2014

Ang Mga Mag-aantay

Ayos naman ang lahat. Ordinaryo. Swak na sa pang-araw-araw. Tapos dumating ka, dumating ka ulit. Ngumiti ka, kasabay yung pag ngiti ko din pabalik sayo. Nag-usap tayo, nag-usap at hindi ko na hihilingin pang matapos 'to.

Nasanay na akong nandyan ka. Nasanay na akong nakakausap ka. Nasanay na akong malapit ka lang. Nasanay akong mag umpisa at magtapos yung araw ko na alam kong ilang araw na lang pwede kitang makasama. Nasanay na ako. Nasanay na pero kailangan mong umalis para sayo, para sa kinabukasan mo. Kaya nga ayoko e. Ayokong masanay, ayokong mahulog, ayoko, ayoko, ayoko! Kaya pinipigilan ko. Kaya ayokong hayaan kasi katulad nito, pwedeng matapos. Kaya katulad nito, matatapos na ba?

Sabi ko bawal ang lahat pero hindi nga pala nakakapili yung puso kung sino yung mamahalin nya, kung kailan siya magmamahal, at kung paano. Sabi ko, hindi ako pwedeng magmahal, kumplikado. Kumplikado lalo sa lagay natin. Hindi pwede. Hindi pwede, yun ang inisip ko, pero yung puso ko, hindi maturuan. Kaya pwede bang wag tayong matapos dito?

Kaya ganito na lang, ayokong matapos 'to. Handa akong mag-antay. Antayin natin yung panahon na yun. Aantayin natin yung panahon na para sa atin. Yung uupo na naman tayo, magkekwentuhan, ngingiting magkasama. Aantayin natin yung oras na sabay tayong manonood ng sine. Aantayin natin yung kwentuhang walang humpay at sana'y walang katapusan. Aantayin natin yung panahon na kapag lumingon tayo, alam nating nandyan ang isa't isa. Aantayin natin yung panahon na makakasama natin ang isa't isa uli. Ako, handa ako. Mag aantay ako dun sa oras na yun, alam kong ikaw din. Antayin natin yun na di man magkasama, pero sana walang iwanan.


PS. Bon Voyage, LG. Tandaan niyo ni JG, makakasama ulit ninyo ang isa't isa and it will be worth it. SepAnx lang pero kaya ninyo yan. Love knows no distance. 

Wednesday, August 13, 2014

Ang Di Magkasundo

Photo by: Brian Magadia
Accounts: Facebook and Wordpress


Oo, may mga bagay na di namin pinagkakasunduan. Oo, di lahat ng trip namin pareho. Oo, yung ugali niya, di madalas umaayon sa ugali ko. Oo, may mga paniniwala siyang iba sa paniniwala ko. Oo, nag-kakaasaran kami. Oo, kung minsan nagkakainisan na kung pwede muna wag mag-usap at magpalamig na lang muna ng ulo. Oo, nag-aaway kami.

Nag-aaway kami, punyetang nagiging magkaaway kami, pero nagmamahalan kami. Mahal namin ang isa't isa kaya siguro nagiging ayos lang ang mag-away; kasi nag-aaway kami dahil iniisip namin yung kapakanan nung isa't isa pero may mga bagay lang na di laging agad maiintindihan. Sa kada di pagkakaintindihan, sa kada away, sa kada gulo namin, sa kada panahon na ayaw muna namin makausap yung isa't isa, nandun yung pag-ibig, di nawawala. Bumabalot dun yung mga salitang "Kahit ano pa, kahit ilang away pa, di ko pipiliin yung buhay na wala ka." Kasama nun yung patagong sigaw ng damdamin na "Mahal kita kahit ano pa."



Photo by: Brian Magadia
Accounts: Facebook and Wordpress

Monday, August 4, 2014

Ang Sukatan Sa Pag-ibig

Photo by Brian Magadia
Accounts: Facebook and Wordpress
Hindi masusukat ang pag-ibig sa panahon.
Nasusukat ang pag-ibig sa pagbabago, sa epekto.

Minsan yung pinakamatagal pa na relasyon ang nagbubunga ng halos walang kwentang paglago, habang ang pinakasandaling segundo na pagkakataon, yun pa yung magbabago sa buhay mo.

Nakakatawa man, pero alam kong alam mo, na madalas, kahit gaano mo na katagal kasama yung isang tao, meron at meron kang hinahanap, yung isang tao na halos nakilala mo lang sa pinakamabilis na panahon, pero sa di mo inaasahang dahilan, siya at siya yung iniisip mong makasama, siya at siya lang kahit sumubok kang magmahal ng madami pang iba. Siya lang.

Wala kasi yan sa panahon. Wala yan sa tagal. Wala yan sa kung gaano mo kadalas kasama yung tao. Wala yan sa kung paano mo nakilala yung isang tao. Kasi yung pag-ibig, yung totoong pag-ibig, yung pag-ibig na talagang nakalaan para sayo, kahit ano pang tanggi mo, kahit ano pang pagtakbo mo papalayo, kahit ano pang iwas mo, kahit sinubukan mong magmahal ng ibang tao, siya lang, siya pa din, siya lang talaga. Pinili mo man ang iba, pilitin mo mang magmahal ka ng iba, babalik at babalik ka dun sa taong kahit sandali pa lang, pero iba kasi yung epekto niya sayo.

Walang relo ang puso - hindi niya kinikilala ang panahon, wala siyang kinikilalang oras. Wala siyang pakielam sa kung gaano mo katagal kakilala ang isang tao. Wala siyang pakielam kung gaano mo katagal kasama ang isang tao. Ang kinikilala ng puso yung pagbabago, yung epekto, yung tindi ng epekto sayo. Yung kahit sa maikling panahon, buong buhay na siyang tatatak sa buhay at puso mo. 

<3

PS. Thanks for letting me use your photo, Bri. 

PPS. Brian Magadia is my friend. He captures great photos!! Do check his accounts -- Facebook and Wordpress.

Friday, July 25, 2014

Ang Mga Takot Maiwan


Ako: Nakakatakot na baka nandyan ka lang kapag nakikita mong ayos ako. Nakakahiya kasi kapag nakita mo akong di maayos. Natatakot ako na iwan mo ako.

Ikaw: Kailangan ko palang ihanda yung sarili ko na baka mawala 'to kahit anong oras, kasi baka di mo matanggap na ganito ako.

Naisip ko na pareho tayong natatakot maiwan. Pareho tayong takot mawala yung isa't isa. Paano mawawala kung pareho tayong takot mawala 'to? Paano ko hahayaang mawala 'to, kung ayokong mawala ka?


Ikaw yung pipiliin ko sa panahong masaya, kasama mo akong tatawa, sabay tayong hahalakhak na parang wala ng bukas. Ikaw pa din yung pipiliin ko sa panahong mahirap, sa panahong akala mo tatalikuran kita, sa panahong takot kang maiwan, sa panahong akala mo mawawala ako. Ikaw yung pinili ko, pipiliin ko at wala akong sawang piliin ka ng paulit-ulit, araw-araw.


PS. Kahit anong panahon at pagkakataon, pipiliin ko yung mundo na nandun ka, na kasama ka.

Monday, July 21, 2014

Ang Hulyo 21, 2014

BABALA: Tungkol 'to sa buhay ko na baka isipin mong wala lang kwenta pero para sa akin, ito yung bumubuo sa akin, yung dahilan kung bakit gustong gusto ko pang mabuhay

**** **** **** ****

Sinimulan ko 'tong araw na 'to na puno ng halik galing sa kapatid ko (Izel) at mga pinsan (Tin at Nika), kasama na yung kausap ko sa telepono na nakakagulat na hindi agad inantok (Gayle). Sobrang sarap sa pakiramdam na yung bago ako matutulog, kasama ko silang sinalubong yung 12:00 am ng mismong kaarawan ko. Sarap sa pakiramdam na may lambing ako galing sa mga 'to bago ko pa ipikit yung mata ko para magpahinga. 

Pumasok ako sa school para mag-shiftings ng Pathology na hindi ko inaral, plano ko talagang mag-aral, pero di ako nakaaral kahit sa school kasi nakakaoverwhelm. Nagpatawag yung kaibigan ko (Cha) at sinabi nila na mag-aabsent sila para makapag-lunch out kami. Hala! Hagulgol ang gagang mataba dahil hindi ko talaga inasahan na makakasama ko sila sa mismong kaarawan ko kasi nga inaya ko na sila last week pero di nila ako pinansin, kaya sobrang masaya ako na makakasama ko sila. 

Humiwalay muna si Cha at Nikki, habang kasama ko si Jabe at Armi sa Fairview Terraces para maglabas ng kwarta dahil waper na ako. Saka kami pumuntang tatlo sa Chili's kasi dun ko nga sila ililibre. Siguro matapos yung mga 30mins, saka tumayo si Armi, at tinakpan na yung mata ko. Pag mulat ng mata ko, may cake na ako. Wohooooo! Saka tinakpan uli (Ang totoo, para niya akong sinasakal, sinabi ko sa kanya na ang laki ng braso niya nasasakal ako. HAHAHA) May pinapakapa sila sa akin, e akala ko nantitrip kaya tumitili na ako kasi baka kung ano na. Pag mulat ng mata ko, may pinadala sa akin galing pang Zamboanga! Huhuhuhuhuhu! Kakaiba. Alam mo yung humahagulgol na ako sa cake pa lang kasi di ko naman hiniling sa mga kaibigan ko, tapos may matatanggap pa ako galing Zambo tapos mga love letters at bulaklak mula sa mga kaibigan ko. Wohoooo! I'M BLESSED! 



Ang sarap sa feeling! Bat hanggang ngayon naluluha ako? OA. :'(
Saka nila isa isang binasa yung mga sinulat nila para sa akin. Una si Jabe: Hindi niya binasa yung buong card, yung pwede lang basahin pero sobrang sobrang umiiyak na naman ako kasi nakakatouch!!

You know you'll always be my Jababoy, lovey.
Pangalawa si Nikki: Ang cute cute lang nung binasa niya yung letter. Sobrang I've found another sister na hindi ako ijujudge, and it feels awesome to have met this darling


Pangatlo si Cha: kaibigan ko for 7years na, at isa siya sa pinaka-pinagkakatiwalaan kong constant na tao sa buhay ko, hindi nawala, at alam kong di kailanman mawawala. Amazing to have you kasi alam ko hindi mo ako kailanman iniwan, at di ako mag-iisa kasi andyan ka


Huli si Armi: wala siyang binigay na letter, pero siya yung nagbigay nung bulaklak! Waaaaah! Nakakababae! Alam na alam mo talaga, Alta. Sobrang isa ka sa pinaka taong di ko inakalang magiging malapit sa akin, pero sobrang naaappreciate ko yung friendship natin


L-R: Nikki, Cha, Armi and Jabe
Ako yung matabachuy sa gitna na nakaupo :)
Saka nila pinapabasa yung padala sa akin mula sa Zamboanga! Huhuhuhu! Alam mo yung masarap 'to sa feeling kasi di ko inasahan, kasi akala ko yung video na sinend sa akin nung 12am yun na yun, pero kasi sa video pa lang, sobrang swak na swak na maligaya na yung puso ko

<3 My love so sweet

Natatawa na lang ako kasi nag eexplain na sa sulat, at sinasabi na pangit, kahit di naman!!

LOVE
7.5.14
I'll always be with you right there in your heart
At binasa ko yung love letters. Sobrang alam mo yung super naooverwhelm na lang ako. Sobrang nakakatawa nung umpisa kasi puro katabaan ko yung pinapansin kahit sa letter, LOVE LETTER pero katabaan ko pa din, apo met! Pero yung second letter sobrang, dun na ako humagulgol na naman. Sobrang sincere. Sobrang sweet. Sobrang awesome. SOBRA SOBRA. 

Huma-highschool! Hahaha
Sobrang natouch ako nung pati mga kaibigan niya talaga na nameet ko at si bestfriend niya nag message for me. Alam mo yung over the top yung feelings ko!


Sarap sa feeling. Tapos itong mga kuya at ate sa Chili's kinantahan pa ako at binigyan ng Ice cream!!! Wohooo! E sinayawan ko, imbes na kumanta, tinawanan na lang ako. Aysows!



Umuwi ako na sobra sobrang busog yung puso ko at tyan! Ang sarap sa pakiramdam, at dinagdagan pa ng mga tunay kong babies (Izel, Karlo, Kolin, Tin and Nika) kasama na ang Mama ko at Papa ko at buong pamilya ko. Sobrang sarap sa pakiramdam!!! 



Ang gumawa ng milagro para mabuo ako. Hahaha!


My babies
L-R: Izel, Me, Karlo at Kol

My babies
L-R: Tin, Me at Nika
At meron akong heart attack cake! Wohoooo! Amazing cake is amazing!!

BIRTHDAY CAKE FROM MY BABIES
I'm truly blessed. Hindi magiging eksakto yung mga salita para i-define yung nararamdaman ko. Sobrang masaya ako, maligaya. Yes, I'm loved and I'm in love with these amazing people. Thank You, my Lord God for all of these blessings. 

AMAZEBALLS.


 With so much love,








Saturday, July 19, 2014

Ang Dalawa


Ikaw at ako. 
Araw at gabi. 
Pag-ibig at pagkamuhi. 
Saya at lungkot. 
Kapayapaan at gera. 
Pagkapanalo at pagkatalo. 
Taas at baba. 
Tawa at iyak. 
Ayos at gulo. 
Puti at itim. 
Liwanag at dilim. 
Tubig at lupa.

Kapag wala ang isa, hindi mo makikita yung halaga nung isa. Kaya importante yang dalawa. Kaya laging magkasama yang dalawa, hindi mapaghihiwalay -- subukan mo man.

Monday, July 7, 2014

Ang Gusto Kita


Gusto kong hanapin yung puso ko, at ikaw yung nahanap ko.

Gusto ko yung mata mong halos wala na yatang makita sa sobrang singkit. Gusto ko yung amoy mo kahit sinasabi kong parang di ka naliligo. Gusto ko yung buhok mo. Gusto ko yung pagngiti mo, yung pagtawa mo kahit na ako naman talaga yung lagi mong tinatawanan. Gusto ko yung balat mo na sinasabi mong mas maputi at mas makinis pa sa balat ko. Gusto ko yung pang-aasar mo sa akin sa ibang tao, tapos sa huli, aangkinin mo din naman pala. Gusto ko yung pagyakap mo sa akin, parang di na papakawalan pa. Gusto ko yung lagi tayong parang di seryoso kasi alam ko yung totoo. Gusto ko yung oras na kasama ka. Pero higit sa lahat, gusto kita. 




PS. Hindi ko alam kung gaano ulit katagal pero mag-aantay ako. I won't mind to wait for you, be it three months or three years or three decades, you're worth the wait, G and I'll wait. Always.

Sunday, June 29, 2014

Ang Pangalawang Pagkakataon


At sa unang pagkakataon, madami kang pinadaan na mga bagay, mga bagay na kinalimutang pahalagahan o hindi masyadong napahalagahan, may mga bagay kang hindi nagawa kahit na sa puso mo gustong gusto mong gawin, madami kang "sana" pero hinayaan mo lang dumaan ang oras para lamunin sa pagkalimot, madami kang "Mahal kita" na hindi nasambit kasi akala mo may bukas pa, madami kang yakap at halik na hindi naibigay, at may pagkakataong manghihina ka at hihiling na lang na sana matapos ang lahat, matapos yung buhay mong mahirap.

Sa parehong pagakataon, nung unti-unti kang nawawala na, nung unti-unti kang binibitawan ng panahon at pagkakataon, nung lahat ng tao akala mawawala ka na ng tuluyan, nung panahon na bigla mong pinagsisihan ang mga hindi mo nagawa higit pa sa nagawa mo, bigla kang hiling para sa mas mahabang oras kasama ang mga mahal mo, sa mas madami pang pagkakataon para magsabi ng "Mahal kita" at yumakap at humalik, sa mas panahon para di ka matuluyang mapunta sa pagkalimot, saka mo maiisip yung mga sinayang mong pagkakataon, saka mo gustong pahalagahan ang lahat ng mas matindi, saka mo hihiling sabay bulong sa hangin "Isa pang pagkakataon! Isa pa, at di ko na sasayangin!"

At nagkaroon ka ng pangalawang pagkakataon, wag mo ng hayaan, wag mo nang bitawan, alagaan mo, yakapin mo, kasi hindi lahat ng tao, magkakaroon ng isa pang pagkakataon.


PS. Cai, I'm really happy to know you're already doing fine! Praying for your fast recovery. See you when I see you, Doc!