Sunday, December 27, 2015

Ang Nakakalitong Pag-ibig Mo


"Mahal kita" sinambit mo
Pero sa kada sasabihin mo yun, di mo alam kung gaano ko kagustong sagutin ka ng "Mahal din kita" pero hindi pwede. Hindi pwede dahil yang pagmamahal mo, nakakalito. Oo, litong lito ako. Takot na takot.

"Mahal kita" sinambit mo
Pero may mga araw na di mo kayang iparamdam sakin yang mismong pag-ibig na sinasambit mo. May mga araw din na di mo binabanggit at di mo maparamdam. Ano ngayon ang tawag mo sa pag-ibig mong yan?

"Mahal kita" sinambit mo na namang muli
Pero may oras na ikaw mismo yung parang lumalayo sakin, na parang kailangan ko pang magmakaawa sa pagpaparamdam mo, na di mo magawang pansinin ako pero nakaalala ka sa ibang tao. Mahal mo ako pero kailangan ko pang maunang magparamdam sayo samantalang sa ibang tao nagagawa mong pansinin ng walang pagdadalawang isip? Yan ba ang pag-ibig na sinasabi mo?

"Mahal kita" sinambit mo sa nakakalitong muli
Pero merong pagkakataon na ako mismo gusto kong maniwala sa pag-ibig mo, pero ikaw mismo, sa mga ginagawa mo, pinagdududa mo ako sa pag-ibig na hinahain mo.

"Mahal kita" sinabi mo ulit
Pero sana ibinulong mo na lang sa hangin at sana hindi ko na lang narinig. Kasi sa kada babanggitin mo yang mga salitang yan, di ko talaga alam kung dapat ba akong maniwala o hindi. Hindi ko alam kung totoo yan o sana totoo na lang yan.

"Mahal kita" sinabi mong paulit ulit
Pero kung katumbas nyan ay para kang mapapagod, para kang magsasawa na iparamdam sakin ang pag-ibig na meron ka, totoong pag-ibig pa ba yan? O pag-ibig kapag maayos lang ang lahat? Pag-ibig na may kundisyon? Pag-ibig ngayon, at bukas ano na?

Di mo alam kung gaano ko kagustong sagutin yang mga sinasabi mo sa akin. Na kahit di yan tanong, may kaya akong salitang isagot dyan pero katumbas nun yung puso ko, ikaw ba? Puso mo din ba ang katumbas nyang mga sinasabi mo? Di ko alam. Nalilito ako. Nalilito ako pero ang puso ko, humihiling na totoo yan, na ang pag-ibig na taglay mo para sa akin, yung pag-ibig na di na mawawala, kasi...



PS. Para sayo 'to Bebs (JG) Gusto ko lang ipaalala sayo na ang pag-ibig na totoo, mararamdaman mo. Ang pag-ibig na totoo, di mawawala, di kailanman mawawala.




Saturday, December 12, 2015

Ang Sagot Ko Sa Tanong Mo - "Dapat Isagot Sa - Bakla Ka Ba?"


Kung iniisip mo na dito mo mahahanap ang sagot, sinasabi ko sayo, hindi mo eksaktong dito malalaman ang sagot kasi bago mo pa yan hinanap, alam mo na ang sagot sa tanong mong yan.

Bakla ka ba?

Bakit kailangang hanapin mo yung dapat mong sagot sa tanong na yan? Kung bakla ka, bakit ka mahihiya? Kung bakla ka, di alam ng pamilya mo? Kung bakla ka, di alam ng ibang tao? Kung bakla ka, nahihiya ka sa mundo?

Una sa lahat, walang masama sa pagiging bakla. Pangalawa, kung di yan alam ng pamilya mo at ng ibang tao, hayaan mo lang, basta alam mo sa sarili mo ang totoo, kahit yun muna sapat na yun. Pangatlo, kung di mo kayang sumagot ng totoo sa ngayon, wag ka na lang sumagot. Hindi naman kasi kailangan na lahat ng tanong ng mga tao masagot mo, hindi lahat ng mga tanong na ibabato nila sayo, kailangan mong magsalita. May mga bagay na mas maganda na lang na di ka  umimik, siguro dahil di ka pa handa na malaman ng ibang tao, pero wag na wag mong itatanggi yung katotohanan. Bakit? Kasi para mo ng itinanggi ang pagkatao mo kapag yun ang gagawin mo. Pang-apat, magdasal ka. Pang-lima, hayaan mo na ang panahon ay dumating para maging handa kang sabihin sa mundo na bakla ka. 

Isagot mo ang totoo. Pakiusap ko lang sayo, wag na wag mong itanggi ang laman ng puso mo na kung di ka pa handa na malaman ng iba ang totoo, manahimik ka na lang. Darating ang araw na magiging handa ka rin.

Bakla, tomboy, lalaki, babae, silahis o kung ano ka pa man, basta totoo ka, masaya at walang natatapakang ibang tao, ayos na yun. Walang masama sa kung ano ka. Wag kang magpapadala sa sasabihin ng mundong minsa'y mapanghusga, maging mabuti kang tao, sapat na yun para respetuhin ka ng buong mundo.



Para sa mga nagbabasa ng blogs ko: Salamat! 

Gusto ko lang malaman ninyo na BINABASA KO lahat ng pwede kong mabasa (yung e-mails ninyo sa akin na lahat nirereplyan ko, yung mga comments ninyo na sinusubukan kong sagutin kapag nabasa ko at pati na ang mga keywords ninyo kung paano kayo napunta sa blog ko) Thank you talaga and God bless us all :)

Friday, December 11, 2015

Ang Gustong Makipagbreak, Ang Hindi At Ang Kaibigan




May tatlong nag-uusap sa sulok ng kawalan - Ang gustong makipagbreak, ang hindi at ang kaibigan ng gustong makipagbreak


ANG GUSTONG MAKIPAGBREAK:
Wala ka ng oras sa akin. May oras ka sa ganyan, sa ganito, sa akin wala. Magtext ka, magpaparamdam sobrang minsan lang, halos di kita makausap. Nakakapagod magmakaawa ng oras mo. Nakakasawang manghingi ng atensyon mo. Hindi mo alam na sa kada nagbibigay ka ng panahon sa iba, yun din yung mismong tanging panahon na pwede mong ilaan sa akin. Na sa kada pinipili mo yun, yang mga yan, ako yung naiiwan mo ng di mo alam. Pakiramdam ko hindi na ako mahalaga, wala na tayong kwenta para sayo. Pakiramdam ko kayang kaya mong unahin ang ibang bagay, ibang tao, pero kailan mo ako at tayo uunahin? Lagi akong nakangiti, pero di mo alam halos nadudurog yung puso ko kasi yung ngiting 'to magiging totoo kung andito ka ngayon. Ang bagal mo magreply, ang tanging paraan na mag-usap tayo, text kaso wala, halos wala. Pagod na ako. Sawa na ako. 


ANG HINDI GUSTONG MAKIPAGBREAK:
Hindi naman sa ganun. Siguro akala mo lang di kita naiisip, pero hinding hindi ka nawala sa isip ko. Siguro akala mo okay ako sa hindi kita nakakasama at nakakausap, pero hindi kailanman magiging okay sa akin yun. Kailangan ko din lang maglaan ng panahon sa sarili ko para hindi ko makalimutan yung sarili ko habang minimahal kita. May mga oras na sinasabi kong mahal kita, ikaw ba anong sinasabi mo pabalik sa akin? Parang ihip sa hangin na walang bumalik. Sorry kung madalas wala ako dyan, na hindi kita nakakasama lagi. May mga bagay din na inuuna ako pero hindi ibig sabihin nun di ka na mahalaga. Mahal kita, siguro minsan lang mas pinapakinggan mo at pinapaniwalaan agad yung iniisip mo. Mahal naman kita e, patawad kung di mo na pala eksaktong nararamdaman 'to. Mahal kita, kaya sana walang sukatan, kasi baka yung mga kaya mong ibigay, iba sa kaya kong ibigay, na baka yung akala mo wala lang sa akin, yun na pala yung the best ko. Mahal kita. 


ANG KAIBIGAN NG GUSTONG MAKIPAGBREAK:
Mahal mo, mahal ka, bat kayo kailangan maghiwalay? Kung tungkol sa konting usap, halos walang panahon, ang alam ko kasi kapag pag-ibig pinag-uusapan - malayo man o malapit, mag-usap man o hindi, ang pagmamahal ay pagmamahal. Hindi sukatan ang kahit anong bagay. Alam mo yung minsan, na kahit ako, nabubulag, natatanga, yung minsan napupuno tayo ng "Di na nga tayo magkasama, wala ka pang oras" o di naman kaya "Busy ako, sorry", tapos sasayangin natin yung panahon na yung sinasabi nating "konting panahon" sa isa't isa, mapupunta pa sa away, sa gulo, imbes na bumawi, imbes na sulitin, mas lalong nasasayang. Totoo lang, ako din napapagod, nagsasawa kung minsan pero ang pagkakaiba natin, mga kaibigan, di ko sinasabi yun, kasi para sa akin, mapagod man ako o magsawa na siguro minsan may punto din ako na parang bibitaw na, hindi ko gagawin yun, kasi para kong papatayin yung sarili ko kung hahayaan ko yung pag-ibig na yun, lalo yung taong mahal ko na mawala.

Love is a choice. Oo, totoo. Ganito yan, pwedeng madami ka pang makikilalang mahihigitan siya, pwedeng mas madaming mas matalino, mas mabait, mas maganda, mas ganito, mas ganyan kaysa sa kanya, pero kailanman, hindi sila magiging siya. Kailanman, yung nararamdaman ninyo para sa isa't isa ay hindi mauulit sa kahit sino man. Pipiliin mo bang mawala ang pag-ibig mo sa ngayon? o pipiliin mo sya araw-araw ng paulit ulit at hindi bastang bibitawan? Kung pipiliin mong palayain yan, walang masama dun, pero siguraduhin mo na hindi ka matututong hanapin yang pag-ibig na papakawalan mo, kasi hinding hindi mo na yan maibabalik. Kung pipiliin mo siya, kung pipiliin mo kayo araw-araw, walang masamang panghawakan ang pag-ibig na yan.



PS. Para sa inyo 'to EM and TB. Anong pipiliin ninyo? Give love on Christmas e, hindi naman give up on love. :)


Friday, December 4, 2015

Ang Gagapang Para Sa Pangarap



Sobrang nagduda ako. Hindi naman ito yung "Pagod na akong mag-aral, gusto ko pa ba talaga 'to?" na pagdududa. Ito yung pakiramdam na sobra sobrang pagdududa dahil sa sobrang takot. Takot dahil masyado ng mahabang panahon yung nasayang ko. Takot kasi kulang pa, kulang madalas kahit yung grades ko, kaya may punto na pakiramdam ko, ako mismo yung kulang. Takot na baka hindi ko maabot yung pangarap ko - maging Doctor. Nawawalan ng tiwala sa sarili. Nawawalang tiwala sa kakayanan ko. Nawawalang tiwala sa patutunguhan nitong byaheng tinatahak ko. Nawawalan ng tiwala. Nawawala. Paunti-unti. Hindi makatarungan, pero..

Lagi ko 'tong nararamdaman habang nag-aaral sa mga subjects na sobrang nahihirapan ako o pwedeng dahil sinasabi ng madaming tao na mahirap yun kaya ako mismo hindi ko mahanap sa sarili ko kung makakayanan ko bang ipasa yung subject/s na yun. Sinasabi ko sa sarili ko na kung ngayon pa lang gumagapang na ako, paano pa sa mga susunod na taon? Tapos naisip ko na alam na alam kong hindi naman ito yung una beses ko 'tong naramdaman, at mas lalong alam kong hindi ito yung huli. 

Pero paano ko ba talaga malalampasan yung pagdududa ko sa sarili ko? Paano ko maibabalik yung tiwala ko sa sarili ko para ipagpatuloy 'to hanggang maabot ko yung pangarap ko?

Biglaan lang pero yun pala ang totoo na yung magduda ako sa sarili ko, ayos lang pala yun. Siguro yung pagdududa ko, nagdududa ako kasi gusto ko 'to, mahal ko 'to, higit pa sa kagustuhan at pagmamahal, gagawin ko ang lahat para maabot 'to, kaya siguro ako nagdududa, kasi patuloy kong gugustuhing maging magaling, maging deserving. Yun palang pagdududa ko sa sarili ko, ayos lang kasi ibig sabihin nun, lagi akong gutom sa tagumpay, sa kaalaman, sa mga bagong pwede kong maibahagi sa magiging pasyente at magiging kapwa ko doctor kung sakali. Alam ko yung Medicine buong buhay na pag-aaral, walang katapusang pag-abot sa mga bagong kaalaman. Alam ko patungo ako sa tamang direksyon dahil gusto kong matuto araw-araw. Iniisip ko na lang yung iniipon kong mga palyadong dahilan at mga pagkakamali ko sa ngayon, sa mga inuulit ko, baka sa dulo, yun pa yung mga tatatak sakin para mas makatulong sa iba.

Ganito pala talaga sa Medisina. Wala sa bilis o sa tagal ng pag-abot sa pangarap. Wala din sa matataas o mabababang grado. Wala din sa gusto mo o mahal mo 'tong bagay na 'to. Wala din kung gumapang ka o hindi. Wala kung natakot ka habang umiiyak o tumatawa habang umiiyak sabay sa pag-aaral ng bagay na di mo maintindihan. NORMAL lang pala yung mga 'to. Dapat hawakan natin lahat ng bagay na 'to - yang takot, pangarap, pagpupursige, puso, pagbagsak, pagpasa, tawa, iyak at lahat ng pwede mong maramdaman. Sa Medisina, yung mga bagay na nagpapaalala sa atin na tao tayo, na may pakiramdam tayo, yun yung isa pwedeng magligtas sa atin sa lahat ng 'to. 

Kung sinabihan ka na hindi ka katulad ng ibang mag-aaral ng Medisina, okay lang yun. Pwedeng dahil mas matalino sila, o baka mas magaling magsalita, pwede ding mas marami silang alam sayo, o kung ano man yan, ayos lang yan. Sa huli, ang mga magiging pasyente natin hindi naman pupunta sa atin na may exams na papasagutan, at hindi din sila answer key na iisa lang ang posibleng sagot. Kung inaaral natin 'to ng maigi, kahit gumagapang tayo sa ngayon, may ibang perspective tayo na pwedeng ibigay sa magiging pasyente natin, at malay mo, malay nila, baka mas epektibo pa ang natutunan mo. Kaya sige lang, hinga ka lang. Tanggapin lahat ng pagbagsak, pagpasa, pag-iyak, pagtawa and walang katapusang kagandahan na kailangan nating hanapin sa pag-aaral sa Medisina. Gumapang tayo. Gumapang lang nang gumapang. Huminga tayo ulit. Huminga lang ng huminga. 

Saturday, November 21, 2015

Ang Sige Lang





Kung gusto mong abutin lahat ng pangarap mo ngayon, sige lang, kasi pareho nating kailangang buoin ang mga pangarap natin.
Kung gusto mong magtrabaho nang magtrabaho sa ngayon, sige lang, kasi kailangan ko pa ding mag-aral at magtrabaho.
Kung gusto mong hayaan kitang mapalayo sa akin sa ngayon para makamit mo ang lahat ng gusto ng puso mo, sige lang, kasi sasaya din ang puso ko kapag nakita kong masayang masaya yang puso mo. 
Kung gusto mong gawin ang mga bagay-bagay, sige lang, buong puso kitang susuportahan.
Kung gusto mong mabigyan ng magandang buhay ang pamilya mo, sige lang, kasi wala ng mas magpapasaya sa akin kundi ang makita kang masaya dahil natutulungan mo ang pamilya mo.
Kung gusto nating maiayos lahat ng mga pangarap natin, sige lang, kasi sa pagkamit natin sa mga pangarap natin para sa mga sarili natin, sa pamilya natin, parte din dun yung "tayo" Wala ng mas masarap pa sa pakiramdam na nag-umpisa tayong magkasama dito, hanggang sa panahong ibigay satin ng Diyos para masabi natin sa isa't isa yung "Sobrang wala na akong hihilingin para sa sarili ko at pamilya ko, oras na natin, Love" 

Sige lang, sige lang, sige lang.

Sige lang kasi ang gusto ko lang naman, sa huli, ikaw yung makasama ko araw-araw.
Sige lang kasi gusto ko kapag dumating yung tamang panahon na ibibigay sa atin ng Diyos, ngingiti tayong dalawa habang magkahawak.
Sige lang kasi gusto ko lang naman, yung tayo ngayon, sa lahat ng bukas sa buhay mo at buhay ko, at sa panahon pagkatapos ng buhay dito.


Hindi kailangang makita at makasama kita araw-araw, para malaman kong nandito ka kasi kailanman, di ka nawawala sa puso ko, sa isip ko. Noon pa man, hanggang sa ngayon, hindi ka kailanman nawala dito, G. Totoo yung sabi nila na "Once you've found true love, wala ka ng hahanapin pa" kasi nung ibinigay ka na ng Diyos sa akin, wala na akong hahanapin pa. 



PS. Miss na miss na kita, Love ko! Kayang kaya 'to. Pareho nating ipagdarasal na maabot natin yung mga pangarap natin sa sarili natin, sa pamilya natin, at sa panahon na nilaan satin ng Diyos, yung pangarap nating magkasama. Mahal na mahal kita.

Wednesday, October 21, 2015

Ang "God's Time"


Lyrics and Vocals: Faye O.
Arrangement: Manuel Cruz


Lahat ng mga salitang nandito ay galing sa messages at mga letters ko para sa isang tao. Pumili ako ng mga phrases or sentences. Pinagsama-sama ko. Inayos sa kung paano magiging swak at makakabuo ng istorya. Humanap ako ng professional arranger (Yes, professional) para gawing kanta ang mga salitang yun, at ito ang kinalabasan. 

So, isheshare ko sa inyong lahat 'to. Enjoy! :)


Title: 👭😇God's time

Lyrics:
Ever since I knew exactly that I wanted to be yours
and I wanted you to be mine.
"In God's time" I said.
We have been tested again and again,
I was trying not to feel anything for you
But the more I walked away from you, obliviously, 
The more I wanted to be with you.
The more I pretended not to love you,
The more I am convinced - since day 1, 
It was you all along.
I have loved you ever since.

"What if I'm ready to risk? What if I can now fight for you?" You asked.
I was afraid.
I doubted but you're worth it.
I'll risk my heart and my all again and again.
All the chances, I would give it to you, to us,
That's how much I wanted you in my life,
That's how much I love you.
I smiled and said

"It's God's time"
Thank you for finally choosing me.
Thank you for loving me.
Thank you for bearing it all with me.
I thank God for giving you to me.
You're more than what I deserve.
You're more than what I've been asking from God, 
but now that I have you, I'll never let you go. 

We've seen each others flaws,
Yet we chose to stay in love and stay together. 
I would still choose to make more moments with you. 
I crave for more time to be with you.
I'll try to find even the shortest second just to see you, hug you, kiss you, and just to spend time with you. 
We're my kind of fight that I would never give up.
I would never choose a life without you.
Through anything and everything, I'll be with you.


You're my answered prayer.
You're my destiny.
You're my "In God's time" gift.
You certainly know how to make me feel loved everyday.
With you, it's easier for me to appreciate every little thing. I'll never ask for anyone else to spend the rest of my life with. 
It will always be you. Only you.
It will always be you. Only you.

It will always be you. Only you.


BLOG EDITED: July 12, 2016

Saturday, August 15, 2015

Ang Taong Babalik-balikan ko




Nakilala kita nung 19 years old ako. Nagme-Medtech ako na taga-QC. Hindi ko gusto ang pag-ibig nung panahon na yun. Hindi ako handa para sa pag-ibig. Hindi ako naghahanap ng pag-ibig.

Nakilala mo ako nung 19 years old ka. Nag-Nurse ka na taga-ZC. Hindi ko gusto ang pag-ibig nung panahon na yun. Hindi ako handa para sa pag-ibig. Hindi ako naghahanap ng pag-ibig.

Nagkausap tayo. Nag-uusap tayo. Araw-araw. Walang patid. Kwentuhan. Ibinahagi natin ang buhay ng isa't isa sa mga salitang di napapatid araw-araw, ilang oras kada araw. Milya milya ang namamagitan sa atin, pero kada salitang binibitawan mo, kada salita ko na pinapakinggan mo, parang nasa tabi lang kita. Kada tuldok ng pangungusap, inaabangan mo ang kasunod. Pinapakinggan mo kahit ang kuwit sa binabanggit ko. Gusto mo pa, gusto ko pa. Gusto na kita, gusto mo na rin ako. Mahal na kita, mahal mo na rin ako. PERO...

Madaming sumingit sa pag-ibig na para sa atin. Sinubukan ng panahon at distansya na mawala ang akala kong konting pag-ibig na meron tayo. Madami kang minahal, meron akong minahal pero sa dulo ng kada pag-ibig sa isang tao, ikaw pala ang pag-ibig na hinahanap hanap ng puso ko.

Ang distansya na namagitan satin, ang panahon na akala natin naging balakid, hindi napigilan ang pag-ibig na tulad ng meron tayo. Yung pag-ibig na dinaanan ang kada bundok, madaming ilog, madaming daanan pero hindi huminto dun ang pag-ibig na meron tayo. Hindi huminto sa panahon na huminto tayong mag-usap. Hindi huminto sa mga salita. Hindi huminto sa segundo. Hindi huminto kahit nagmahal tayo ng iba.

Apat na taon ang nakalipas, mahal pa rin kita, mahal mo pa rin ako. Buong puso natin ang binibigay natin sa isa't isa. Hindi ko alam na magiging masaya ako sa kada break up na pinagdaanan ko, dahil sa kada luha na nilaan ko sa maling tao, binalik ako sa tamang tao na talagang nakalaan para sa akin - ikaw. Ikaw noon. Ikaw ngayon. Ikaw bukas at sa mga susunod pang bukas ng buhay ko. Ikaw pa din, ikaw lang. 

At ito ang pangako ko para sayo, hindi kita bibitawan sa panahong mahirap, hindi kita hahayaan sa panahong hindi kita maintindihan. Pipiliin ko lagi ang pag-ibig. Pipiliin lagi kita. Pipiliin ko ang pag-ibig mo, malayo man o malapit, gaano man ang distansya. Sa dulo ng lahat ng pag-abot natin ng mga pangarap natin sa sarili natin, sa mga pamilya natin at sa ating dalawa, nandun akong ngingiti habang mahigpit pa ding nakahawak sa mga kamay ng pag-ibig natin. 


Mahal kita. Mahal na mahal, G




Saturday, May 30, 2015

Ang Isang Araw Na Sana'y Di Dumating Kahit Kailan



"Kung dumating ang isang araw na magising ka at..."

Medyo mag-iisip, pero itutuloy pa din

"mas magiging madali ang lahat para sayo na wala na ako, hahayaan kita."

Iisiping maigi, pero mas isasapuso ng todo. Ikaw muna bago ako. Ikaw na muna ang iisipin ko, saka ko iisipin kung papaano ako.

"Hindi na siguro kita tatanungin kung bakit. Siguro susubukan kong hindi magmakaawang wag kang umalis pero di ko maipapangakong di ako magmamakaawa. Susubukan kitang ngitian. Ay mali! Ngingitian kita, kasama na yung buong puso ko at sasabihin ko sayo, kahit pabulong lang na okay lang yan. Ganyan talaga ang buhay at madaming tao ang bigla na lang nagigising na wala na lahat, at ipapangako ko sayo, makakayanan ko. Kakayanin ko kasi wala akong choice kundi kayanin ko. Kakayanin ko kasi wala akong magagawa kundi kayanin, kasi kahit anong mga salita ko sayo, hindi na yun magiging sapat para marinig mo ako. Kakayanin ko, wag kang mag-alala."

Hihinga ng malalim. Baka magmakaawa pero iisipin kong, wag na lang. Wag na lang di dahil hahayaan kong lumampas ka sa buhay ko, wag na lang kasi baka mahirapan ka pa kung makikita mo akong mahihirapan. Wag na lang para mas maging madali ang lahat para sayo. Mahihirapan siguro ako sa araw na yun, pero sa dulo, pangako, kakayanin ko.

"Kaya kung darating ka sa punto na yun, sabihin mo lang. Kasi para sa akin, ang tao mananatili dahil gusto niya, at aalis kasi kailangan niya. Hindi siya mananatili dahil lang may nag makaawa para manatili siya, mananatili siya kasi yun yung pipiliin niya araw-araw, yung nasa tabi ko katulad ng pagpili ko sa kanya araw-araw."

Magiging matibay pero sa tingin ko ihahabol ko sa mahinang pagsasalita na halos hangin na lang ang nakarinig.

"Ang hirap lang kasi pipiliin kita araw-araw. Pipiliin kita sa oras pa lang na magising ako at pati sa panahong matutulog na ako. Pipiliin kita sa oras na maayos ang takbo ng utak ko, pati na din sa punto kapag alcohol na ang nananaig sa dugo ko. Pipiliin kita kapag masaya ako, pero mas pipiliin kita kahit sa panahong malungkot ako. Pipiliin kita sa lahat ng oras. Pipiliin kita. Pipiliin kita kahit sa oras na di mo na ako kayang piliin."

Hinga ng mas malalim sabay hiling na wag sanang dumating ang araw na yun.


Paalala lang po na kailangan natin pahalagahan ang bawat oras kasi di natin malalaman kung kailan na magiging huli ang oras na yun. 

PS. Salamat sa patuloy na nagbabasa ng blogs ko kahit wala na akong naisusulat. Salamat lalo sa mga nag-eemail. Sobrang salamat po!!

PPS. Masaya ako. :) Masayang masaya po ako sa lahat ng ibinigay ng Diyos sa akin. Masaya po ako sa pamilya ko, G ko, mga kaibigan ko, pag-aaral ko at trabaho ko. Gusto ko lang po maalala ko na pahalagahan ang lahat ng tao at bagay habang may pagkakataon pa ako.


Thursday, May 14, 2015

Ang Kutsilyo At Salita

Buti pa ang kutsilyo, kapag nadaplisan ka, sugat lang. Masusugatan ka lang pero alam mong maghihilom. Madalas hindi na yun mag-iiwan ng bakas ng binigay na sugat sayo. Tipong makakalimutan mo. Tipong mawawala sa wisyo mo. Nasugatan ka lang, maghihilom, minsan di pa mag-iiwan ng peklat. Gagaling at di mo na matatandaan na nangyari yun.

Ang salita mo? Ang salita niya? Ang salita nila? Para bang mas matalim pa sa kutsilyo na babaon hindi lang sa balat nya, kundi tatagos hanggang puso nya

Kaya mag-ingat ka sa paggamit ng salita,  dahil kasing talim man yan ng kutsilyo, ang mga salita kapag nasambit mo, mag-iiwan na yun ng peklat buong buhay sa taong iyong sinabihan. 

Mag-isip bago makasakit sa mga salita, baka kakaulit mo siya, di mo man sinasadya, itinatatak mo sa kanya na darating din talaga ang panahon ng pagsasawa at pamamaalam, na kakaulit mo, akala niya hinahanda mo na siya sa pag-alis mo. Baka dumating ang panahon, tititigan ka na lang nya dahil manhid na sya sa bagay na sinasambit mo, at di na nya kayang maramdaman kung totoo pa ang pag-ibig mo.

Paano pa siya maniniwala sa "habambuhay" kung sa ibang salita mo, may masakit na pamamaalam?


PS. Masyadong matalim ang mga salita. Wag mong hayaang makasakit ka ng iba dahil sa salita mo, kasi kapag yan ang nakasugat sa ibang tao, pati puso niya, sinusugatan mo.

PPS. Kaya mag-ingat sa mga salita lalo sa pamilya, kaibigan, jowa o kalandian. Malaki ang epekto ng salita mo, sana mapasaya mo sila at wag mong hayaan na yan mismo yung makakasakit sa kanila.

Saturday, April 4, 2015

"Wow! Med student"



"Wow! Med student" ang tingin nila sayo:
-matalino
-mahilig magbasa ng libro
-malinis (mukhang malinis)
-maalaga sa katawan
-mayaman
-may patutunguhan sa buhay
-maganda ang kinabukasan
-malaki ang kita nyan kapag Doctor na

Totoo lang, ang sarap ng label na "Med student" pero ang hirap hirap hirap...

Ngayon, habang sinusulat ko 'tong blog na 'to, katapat ko ang libro ko at handouts. Habang nagsasaya ang lahat dahil summer na, kailangan kong mag-aral para sa exam na naman. Ipinasa ko na lahat ng exams ko, removals pa din.  Nandito ako sa punto na tinatanong ko sarili ko "Bakit ka pa nandito? Para sayo pa ba yung Med?" kasi pagod na pagod na akong mag-aral (sigurado ako pati yung mga iba ganito ang nararamdaman)  Yung minsan iiyak ka, or umiiyak ka habang nagrereview kasi hirap na hirap ka na, pero tuloy pa din kasi kung aayaw ka na, mas natatakot ka sa kung anong pupuntahan mo pagkatapos nito.

Puso e. Ito yung dinudurog sakin sa kada semester ng Medisina. Akala mo okay na, hindi pa din pala. Nadudurog yang pusong yan ng paunti-unti, hanggang tatanungin mo sa puso mo kung para ka pa dito, pero puso din yung eksaktong sasagot sayo ng "Oo! Nahihirapan ka lang pero di ibig sabihin na di mo kakayanin" 

Nahihirapan ka lang pero di ibig sabihin di para sayo yan. Bumabagsak ka lang pero di ibig sabihin bobo ka. Nalilito ka lang pero di ibig sabihin wala kang naiintindihan. Nagtatanong ka lang kung para dito ka pa dahil feeling mo laging di para sayo 'to, pero ang totoo, kaya ka hindi bumibitaw kasi yang puso mo di bibitawan yung bagay na alam mong karapat dapat maging para sayo, yung - MD.

Hindi magiging madali, pero kakayanin.

**Sorry, sobrang random blog na basta bastang tinype. Mula sa puso ng isang batang nagrereview para sa removals </3

PS. Lord!!!!!!!!!!!!

PPS. Ipagdasal nyo naman kami ng mga kaibigan ko na sana makapasa na kami sa Pharma B. Thank you!

Saturday, March 14, 2015

What's important?



These past few weeks have been devastating to some families, lalo with the death of their loved ones, so I've decided to type this random blog before going to sleep.

What's important?

Love and time
Kapag nandyan sayo, kung mahal mo, be sure na alam nya at ramdam nyang eksakto yun sa mismong oras na nandyan pa sya. Hindi yung patay na, or wala na, saka ka magkakandarapa magsabi at magparamdam na mahal mo siya

Love, words and actions
Kung mahal mo, sabihin mo. Kung mahal mo, iparamdam mo. Words aren't enough. Actions aren't enough. Love without words and actions, sayo lang yan. Ikaw lang nakakaalam ng pag-ibig na di mo kayang iparamdam at di mo kayang sabihin

Love and honesty
Kapag mahal mo, di ka magsisinungaling. Kapag mahal mo, masakit man pero totoo, aaminin mo. Walang kwenta ang pag-ibig kung di ka nagsasabi ng totoo. Parang pati yang mismong pag-ibig, di na totoo

Love
This is important. Yung pag-ibig na pinapakita, sinasabi, pinaparamdam at totoo. Yung pag-ibig na mahirap man, pero di bibitaw. Yung pag-ibig na gusto mo ng pektusan yung mahal mo kasi bwisit na bwisit ka sa kanya, pero at the end of the day, you'll stick with that person just because you love her. JUST BECAUSE YOU LOVE HER

Ang pag-ibig na umaalis, di pag-ibig. Ang pag-ibig na lumilisan, di pag-ibig. Dahil ang totoong pag-ibig, di nawawala

goodnight.

Ang Kada



Sa kada mukhang makikita ko,
Sa kada taong makakasama ko,
Sa kada sulyap na masisilip ko,
Sa kada lugar na mapupuntahan ko,
Sa kada lingon na babalikan ko,
Sa kada kamay na mahahawakan ko,
Sa kada ngiting titignan ko,
Sa kada matang pagmamasdan ko,
Sa kada salitang ikekwento ko,
Sa kada ganito,
Sa kada ganyan,
Sa kada segundo,
Sa kada minuto,
Sa kada oras,
Sa kada pagkakataon,
Sana ikaw yung makita ko, makasama ko, masilip ko, mahawakan ko, matignan ko, mapagmasdan ko, makakwentuhan ko. 
Sana ikaw sila. Sana ikaw lagi. Sana ikaw.


PS. Namimiss kita, G.

Saturday, February 14, 2015

Ang Ika-14 ng Pebrero 2015


Para sa lahat ng sawi sa pag-ibig, gusto ko lang malaman ninyo na peksman, may taong darating para sayo. Ngayon, chillax ka muna. Maging masaya.

Para sa lahat ng nagmamahalan, kung may binigay ang iniirog mo ngayon, buti naman, kung wala, tandaan, hindi naman dapat palakihin yan, madami pang chances, baka walang wala lang siya ngayon.

Para sa lahat ng may exams o trabaho kaya di nakalabas, ang pag-ibig, di lang naman ngayong araw dapat ipakita, dapat araw-araw.

Para sa lahat, Happy Valentine's day! Piliin mong maging masaya, hindi lang ngayong araw, sana araw-araw. Piliin mong magmahal, higit sa kahit ano pa man. Piliin mong ipakita ang pagmamahal mo sa Diyos, sa pamilya mo, sa mga kaibigan mo, pati na din sa jowa mo (kung meron man) PILIIN MONG UMIBIG SA KAHIT ANO MANG PANAHON AT PAGKAKATAON!

Pinagdarasal ko, na sana, sana lahat maging maligaya! :)





To the awesome-st girl who thinks I'm the best, thank you for always looking beyond my flaws. Thank you for always seeing the best in me even if I've got nothing to offer. Thank you for the sincerest gestures, you've got these oddly lovely ways that always amaze me every single time. Thank you for being here with me, risking it all for us. You're truly amazing, and I'm truly blessed to be loved by one truly amazing girl. YOU'RE THE BEST. Sobra sobrang iba ngayon! Simula umaga, hanggang sa ka-sweet-an mo, hanggang sa foodtrip at sa lahat ngayong araw, I'm grateful for everything!! Salamat!!! Mahal na mahal kita. (Thank You, Lord!!)





PS. Shout out to my Beta Sigma friends!
Muntik na akong magtampo kasi kinalimutan niyo ako, pero tumawag si JD para daw may iabot na rose. Special delivery pa, nakakotse pa! Wooooh! 3rd year na 'to, so aasa ako ulit next year? :P Thank you, BS! Lakas niyo!

PPS. Wala po akong frat. Naaappreciate ko lang ang Beta Sigma, lalo sinusubukan nilang ipafeel sa mga girlies na ang Valentine's day ay para sa lahat. Frati lang akong gutom pero no frat! :)







Wednesday, February 11, 2015

Ang Kaya Pala


Noon, di ko maintindihan kung bakit.
Bakit nila ako binitawan?
Bakit nila ako pinagpalit?
Bakit di pa ako enough?
Bakit pinili nila akong iwan?
Bakit ang salitang "Mahal kita" nila ay sa panahong maayos lang, kaya nung magulo na ang lahat wala na din ang pagmamahal?
Bakit hindi kami pwede?
Bakit andyan ka, andito ako, anong meron at bakit hindi tayo mawala sa isa't isa?

Nagdasal ako na si Lord na bahala, na kung dumating yung oras na bibigyan ako ng pag-ibig sana yung parang pagmamahal sa akin ng Diyos, ng pamilya ko at mga kaibigan ko, yung walang kwestyon, walang tanong, walang kundisyon, walang "kapag maayos ang lahat saka ko lang sasabihing mahal kita", walang ganun. Yung mahal ako at mahal ko, tapos na ang usapan.

Hinayaan ko lang. Masaya ako sa buhay ko e. Nung masaya na ako sa buhay ko, nung kumpleto na ulit ako, binigay ka ulit sa akin.

Ngayon, kaya pala ako nangyari ang mga yun, kasi tayo pala talaga dapat, tayo lang pala talaga.

Kaya pala binitawan ako ng ibang tao, kasi ikaw pala yung di bibitaw sakin.
Kaya pala pinagpalit ako, kasi tayo yung walang kapalit.
Kaya pala ibinigay ko na ang lahat sa kanila, di pa din kuntento, dahil ikaw pala yung makukuntento sa kung ano lang ang kaya ko.
Kaya pala iniwan nila ako, kasi ikaw yung pag-ibig na di ako iniwan at iiwan, yung parang pag-ibig na pinagdasal ko, yung walang kundisyon.
Kaya pala ganun ang "Mahal kita" nila hanggang salita lang, kasi sayo, di mo man sabihin, ramdam na ramdam ko naman.
Kaya pala hindi pwedeng kami, dahil tayo, tayo talaga.
Kaya pala kahit anong iwas ko sayo, kahit anong tago ko sayo, kahit anong pilit kong mawala ka, andyan ka lang, kahit anong oras, kahit anong kundisyon, kahit ano pang nangyari, kasi tayo talaga - di maiiwasan, di maitatago, di mawawala, di pumipili ng oras, di nagkaroon ng kundisyon at di matatabunan ng kahit anong mangyari.
Kaya pala ganun, Love.


BLOG EDITED: Oct 28, 2016

Friday, January 23, 2015

3:10am-3:24am Jan 24, 2015

It's a war zone in my mind and I have fighting thoughts, battling beliefs, quarreling ideas, with every single word inside my mind, I think I need to spit it all out. I'm damn straight sure, I need the word diarrhea right now. I'd better have a lot of good things to say, but, no, I don't.

I feel like I'm crippled - can't go nowhere. I feel like I'm mute - must not say anything. I feel like I'm deaf - can't hear anything  (especially now that I'm desperately looking for words, for answers) I feel like shit, that's all :(

Then I saw this:
"You are loved, Dear. Remember that."
- @sixwordshort (Twitter)

It made the war zone peaceful. The only thing, my battle needed was this the same assurance - that I am loved. And yes, I am loved. For those who truly cares, will remain. For those who truly loves me, will never be gone (not ever)

PS. Remember that.
PPS. 3am and I wanna sleep. Ciao.

It's time to go

I was talking to my cousin the other day because she broke up with the love of her life. She cried. Of course, break up yun e. Hmmm

You know what's dumb? It's when you let go of someone who would stick with you no matter what. 

You know what's dumber? It's when you stick to someone no matter what, but they're just waiting for you to let go.

Heh. I'm not putting up any persuasive argument here about break ups. It's just that I pray and I hope that love will always be enough for two people to choose each other no matter what. I just hope that instead of people spending time on each other's flaws, they should just hug each other tight and assure that everything will be just fine. I just hope that I love you also means I'll never leave you (not now, not ever)

Thoughts. Thoughts. Thoughts exploding at 12:52 am of Jan 24, 2015. Opppp. Gonna blog soon! Thank y'all. Goodnight


Friday, January 2, 2015

2015: Strive For Happiness


2015: Strive For Happiness

May mga tao na iniisip na ang kasiyahan at kaligayahan ay resulta ng mga bagay kapag maayos lahat, kapag tama ang lahat. Yung kapag pumasok ka sa school at di nakaaral, tamang tama di nagpa-quiz ang professor mo, o kaya isang umaga na biglang dinoble ng magulang mo yung allowance mo, o naglakad ka sa kanto at nakapulot ng lotto ticket na nanalo sa draw at ganyan, ganito, maraming pang ganyan, at ganito.

Ang totoo lang, madaling maging masaya kapag lahat naaayon sayo, kapag swak lahat pero para sa akin, hindi lang yan ang totoong konsepto ng kaligayahan - hindi lang kapag maayos ang lahat. 

Hindi basta bastang napupulot ang kaligayahan.
May mga araw na swak, maayos at naaayon, pero alam na alam mong may mga araw din na sadyang di okay, panget o talagang sirang sira lang. Pero nakakilala ka na ba ng taong ngingitian lang yun? Yung mapapaisip ka na bakit di na okay ang lahat pero siya nakangiti pa din? Diba nakakahatak sa mood mo, na parang magiging mas magaan lahat dahil dun?

Malamang, 'tong mga taong nakakangiti kahit sa panahon na di okay ang lahat, ito yung mga taong katulad ko, natuto: na hindi basta bastang napupulot ang kaligayahan


Kailangan mong pagtrabahuan para maging masaya. 
Pinipili ang kasiyahan. Hindi ko naman sinabi na bawal maging malungkot. Pwede kang humagulgol kung gusto mo, pero isipin mo, kung magpapakalugmok ka, sayang ang oras. Mas binibigyan mo ang sarili mo ng rason para mabuhay ng malungkot, kaysa pinili mong sumaya at maglet go sa kalungkutan. 

Kailangan mong makita yung good side kahit sa pinakapangit na pagkakataon. Hindi kailangang intindihin, minsan kapag ganun, dasal at tiwala lang kay Lord, hayaan mong sumaya ka at iwasan ang pagwoworry, magiging mas masarap mabuhay.

Sharing this super short story to everyone:
Once a man was asked, "What did you gain by regularly praying to God?"

The man replied, "Nothing... but let me tell you what I lost: anger, ego, greed, depression, insecurity, and fear of death."

Sometimes, the answer to our prayers is not gaining but losing; which ultimately is the gain. (via ankaheebatein)

Dasal lang. Hayaan mo si God at piliin mong sumaya. Let go mo lang lahat sa Kanya.

Yun yung sikreto sa pagiging masaya at maligaya: kailangan mo yung piliin. Hindi madalas madali yung pagpili dun na minsan yun pa yung huling bagay na pipiliin mo, pero sana maisip mo na deserve mong ngumiti kaysa umiyak, tumawa kaysa lumuha. Piliin mong sumaya, kasi walang magpapasaya sayo, kundi ikaw lang. Piliin mong sumaya.


Maligayang bagong taon sa lahat! :)


PS. Salamat sa 2014. Sobrang daming nangyari, pero ang pinakapinagpapasalamat ko sa Diyos, yung binigyan Niya ako ng walang humpay na sumusuportang pamilya, kakaibang girlfriend at totoong mga kaibigan.