Saturday, November 30, 2013

Tongue In A Lung: Ang Di Ko Masabi



Wala naman talaga tayong dapat pag-usapan, pero ang dami nating napag-usapan. Wala naman talaga tayong dapat sabihin, pero ang dami nating nasabi sa isa't isa. Wala naman talaga dapat tayong oras, pero pilit nating binibigyan ng oras yung isa't isa.

Bawat salita, napapangiti ako. Bawat ubo, nag-aalala ako. Bawat lipat ng istorya, nakaabang ako sa mga bagay na kaya mong sabihin. Bawat segundong lumilipas, pinapasaya mo ako. Bawat minuto, nararamdaman ko kung gaano ka kalaking parte kung bakit okay ako ngayon. Bawat gabi, inaabangan ko kasi alam kong gagawa ka ng paraan para magka-usap tayo. Bawat effort na ginagawa mo, alam ko, alam na alam ko. Bawat panahon na binibigay natin sa isa't isa, nandito lang sa akin, lagi kong aalalahanin.

Alam ko, alam na alam ko na pagbaba nung tawag na yun, pwedeng yun na yung eksaktong huling beses kitang makakausap. Alam ko, alam na alam ko, kaya nga ayoko, ayoko sana, ayoko sanang makausap ka para may dahilan akong makausap ka araw-araw. Ayoko sanang makausap ka para madami pa tayong maiisip na dahilan para parte tayo nung araw-araw natin. Ayoko sanang marinig kung gaano ka niya nasasaktan, ayoko sanang sabihin sayo kung gaano niya ako nasaktan, kasi alam ko, sa loob ko, sana ako na lang at sana sayo ko na lang binigay lahat kaso wala e, wala talagang tamang oras para sa atin. Kaya nga ayoko sanang makausap ka ng matagal, kasi gusto kitang makausap araw-araw, kaso alam ko, pagbaba nun, yun na yun. Ito na yun.

Isa ka sa mga dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Isa ka sa mga dahilan kung bakit gustong gusto kong umayos. Isa ka sa mga dahilan kung bakit feeling ko buong buo na ako. Sobrang importante sa akin ng friendship natin. Sobrang importante ka sa akin.

Alam natin yung tama, kaya nga gagawin natin 'to. Alam natin na hindi talaga tama kahapon, ngayon at sa mga susunod na bukas para sa atin, kaya nga bitawan na uli hanggang maaga, hanggang wala pang nasasaktan, hanggang konti pa lang yung ipinupusta natin, hanggang papunta pa lang dun, hanggang kaya ko pang bitawan ka at maging masaya para sayo, para sa inyo.



Mamimiss na naman kita. Sana sa susunod na buhay, ako yung una mong makikilala kaysa yung ibang tao, para ako na, ako na lang, ako lang, GI.


"Dahan-dahan mong bitawan, puso kong di makalaban. "

Friday, November 29, 2013

Tongue In A Lung: Time To Go By December Avenue




It's time to go
Someone has to move on

But I don't believe I'm strong
That's what you should know
I find it hard to leave you
And I just can't understand
What am I without you?
Are we meant to face the end?
If you really need to go
Then I will never have to curse you
And I'll never ever have to beg you
Someday I'll finally find a way
When I look into the sun
I see you shining above me
Embracing all the memories
That you make my fantasy
Would I learn to rest to live my life again?
It's time to go
I should have to move on
Now that you are finally gone
How am I to know?
I found it hard to leave you
And I just could not pretend
What am I without you?
Are we meant to face the end?
If you really need to go
Then I will never have to curse you
And I'll never ever have to beg you
Someday I'll finally find a way.
When I look into the sun
I see you shining above me
Embracing all the memories
That you make my fantasy
Would I learn to rest to live my life again?


Pakinggan niyo 'to. Maganda ang tunog, lyrics, emotions. Buong buo. Paulit ulit ko 'tong pinapakinggan ngayong linggo. Ang sarap sarap sa feeling maging malaya. Subukan mong magsoundtrip nito, habang naglalakad, promise, mapapangiti ka.

Stay in love, y'all.

Sunday, November 24, 2013

Ang Promise


Ikaw sa akin:
Ang sama mo kahit kelan. Itaga mo sa **** di na kita kakamustahin. PROMISE!


Wala naman akong magagawa. Pinili mo yan. Wala naman akong pinanghahawakan sayo kahit kailan. Okay lang. Sanay na ako. Sanay na ako sayo. 


Ako sa sarili ko:
Di naman 'to yung unang beses mo akong ginanyan. Di din naman 'to yung unang beses na nagpaalam ka. Sanay na ako sayo. Sanay na sanay na. Kaya nga di ko sinasanay sarili kong nandyan ka, kasi alam kong laging dumarating sa ganito.

Alam mo ang nakakatakot sayo? Ikaw yung tao na kaya mong humawak ng madaming tao sa kamay mo, tapos kapag napagod ka na, bibitaw. Magpapaalam. Buti na lang nasanay na ako. Buti na lang paulit-ulit. Kakaulit, kakaulit, di na masakit. Kakaulit, kakaulit, manhid na.

Ang alam ko, walang break up sa friendship. Ang alam ko, di dapat itago sa friendship, kasi walang malisya. Ang alam ko, kapag kaibigan, kaibigan buong buhay. Pero sayo? Laging may kundsiyon. Laging itinatago. Kaya mahirap makipagkaibigan sayo, kasi kapag natuto na naman akong dumepende sayo, bebreak-an mo pati friendship natin. Di na mauulit 'to, PROMISE! 



PS. Pa-asterisk ka pa dyan. Fats lang naman yan, itinago mo pa. 

Saturday, November 23, 2013

Ang Gustong May Gusot


Nagsinungaling ka. Ikaw pa ang galit. Ikaw pa ang bumitaw. Ikaw pa ang nang-iwan. Ilang beses akong tumakbo pabalik sayo. Ilang beses akong nagmakaawa. Ilang beses akong humingi ng kahit anong kaya mong ibigay pero naging masaya ka sa paglayo sa akin. Naging masaya ka habang yung puso ko nasisira. Naging masaya ka habang ako nagiging miserable yung buhay.

Ang tagal kong inantay ang kahit isang salita galing sayo. Ang tagal kong inantay na bigyan mo naman ako kahit isang segundo. Ang tagal kong inantay na saluhin mo ako. Ang tagal kong inantay na punasan mo yung mga luha kong di ko mapigilan. Ang tagal kong inantay na hawakan mo yung kamay na inaabot ko sayo. Ang tagal kong inantay na yakapin mo ako at bulungang "Magiging okay ang lahat. Nandito ako." Ang tagal tagal at hinayaan mo akong masira. Hinayaan mo akong malunod sa kawalan at kalungkutan. Hinayaan mo akong mag-isa nung walang wala ako. Hinayaan mo ako.

Nabingi ako. Nabingi ako kasi ang tagal kong inantay yung mga salita galing sayo pero wala, walang kang pakialam. Nabulag ako. Nabulag ako kasi ang tagal kong inantay na makita mo din ako pero wala, mas nakita mo ang ibang tao. Nasaktan ako. Nasaktan ako kasi habang nagpapakasaya ka, unti-unti akong nadudurog. 

Kinailangan kong buuin yung sinira mo. Kinailangan kong mapuno kahit na inubos mo ako. Kinailangan kong maging maayos kasi kung hahayaan kong masira ako ng tuluyan, mas madami akong masasaktan. Kasi kung hinayaan kong mawasak ako, masasaktan ko yung mga taong di bumitaw sakin.

Sana noong panahong nadudurog yung mundo ko, sana yung panahong walang wala ako, sana nung panahong pinaka-kailangan kita, sana nung panahong nagmamakaawa ako sayo, AKO SANA YUNG SINALO MO, AKO SANA YUNG PINILI MO, pero mas pinili mo siya, mas pinili mong sumalo ng lechecng puso ng ibang tao habang dinudurog mo yung akin. 

Totoo lang, gustong gusto kong sabihing mahal pa din kita. Gusto kong mayakap ka uli ng mahigpit na halos di ka na makahinga. Gusto kong makita ka uli at ngingiti ako sayo. Gusto kong mahalikan ka uli na parang walang bukas. Gustong gusto kitang alagaan katulad ng dati. Gustong gusto kong sabihing nandyan ako para sayo, lagi. Gusto kong mahawakan ulit yung mukha mo at sabay sasabihing "Pinapasaya mo ako." Pero kapag naiisip ko ang lahat, ako lang pala ang sumaya, at panaginip ko lang palang masaya ka sakin. Kapag naaalala kita, naaalala ko kung gaano nasira yung buhay ko. Kapag naiisip kita, nasasaktan ulit ako. Kapag napapanaginipan kita, gusto kong gumising kasi takot na takot ako sayo. Takot akong masaktan uli. Takot na takot akong lokohin mo ako uli. Takot na takot akong ipusta ko uli yung lahat sayo, pero ikaw? Tatakbuhan mo lang ako. Ang dali mo akong iwan. Binigay ko ang lahat pero lahat ng yun itinapon mo. Tinapon mo ako. Gustong gusto kong ulitin lahat, pero hindi ko na kaya. Ayoko ng kayanin.

Kung tayo, tayo. Kung hindi, alam kong ibinigay ko ang lahat para maging tayo hanggang dulo, mas pinili mo lang na hanggang dun lang tayo. 

Sabi ko sayo, wag mo akong papakawalan. Ayokong makita yung buhay na wala ka, pero ginawa mo. 

Wednesday, November 20, 2013

Tongue In A Lung: Grow Old With You (Cover)



I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
It could be so nice growing old with you

I'll miss you, kiss you
Give you my coat when you are cold
Need you, feed you
Even let you hold the remote control

So let me do the dishes in the kitchen sink
Put you to bed when you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you


I'll miss you, kiss you
Give you my all 'cause you make me whole
Hold you, hug you
Even let you hold the remote control

I could be the man who grows old with you
I wanna be the man who grows old with you


You know who you are. I wished it was mutual, but... I know I'll sing this again, someday for the right someone. 

"If they put you back on the shelf, in exchange for someone else, don't worry. Someone better's coming along." -iwrotethisforyou

Stay in love <3

Tuesday, November 19, 2013

Ang Mga Bagay Na Perpekto




Pinapahalagahan pa din natin yung mga bagay na nawala na, yung parte na ng nakalipas. Dahil yung mga nawala, yun yung mga eksaktong bagay na nagiging perpekto sa ulo mo, sa utak mo. Hindi nangalawang. Hindi nasira. Nabuo sila ng mga alaala, na sa paglipas ng mga araw, mas nahuhulma, mas nagiging perpekto. Hindi dahil perpekto yun noon, kundi dahil ang mga alaalang pinipili mo, pinipili mong bigyan ng pansin yung mga masasayang isipin. Kinakalimutan mong pahalagahan yung mga pangit. Ito yung mga panaginip kung gaano kaganda sana yung mga magiging kinalabasan kasabay ng katotohanang alam mo sa sarili mo na hindi na, hindi na sila magiging parte ng ngayon, hindi na sila totoo, hindi na sila magkakamali kasi pinili mo na lang yung mga tama na gusto mong isipin. Hindi na sila masisira, kasi nasira na, pilit mo lang binubuo. Hindi na sila mawawala, kasi pinili mong nandyan lang yan sa utak mo.

Yung mga bagay na wala na sayo, yun lang yung mga bagay na magiging perpekto. Yun mga alaala, yun lang. Yun lang.

Kung pipiliin lang natin pahalagahan at pagtuunan ng pansin ang mga dahilan para di mawala ang mga bagay, wala sanang umiiyak. Wala sanang hahabol. Wala sanang naiiwan. Wala sana. Wala na sana.

Monday, November 18, 2013

Ang Obvious


Ikaw sa akin:
Obvious naman! Siya pa din ang gusto mo, siya pa din ang mahal mo. Alam ko feelings mo pero bigla ka lang lumalayo eh. Bigla bigla lang! Di mo nga sinasabi sakin sa blog mo lang nabasa!


Wala naman talaga akong planong magsalita. Wala naman talaga akong plano na umimik lalo pagdating sayo, lalo pagdating sa feelings ko para sayo. Kaya hayaan na lang. Hayaan na lang natin ang lahat.

Ako sa sarili ko:
Obvious ba? Obvious? E wala ka namang alam. Di mo naman kasi alam yung pakiramdam na umiiyak ka kasi namimiss mo siya pero sa parehong pagkakataon, mas masakit kasi wala na, kasi alam kong di ko na siya kayang saluhin, kasi pati feelings pala lumilipas, kasi pati pag-ibig, nagbabago, nawawala. Halata ba yun? Na kasi mas pinili kita sa buhay ko, pero hindi diba? Manhid ka lang, di ko kasalanan yun. Obvious ba? Obvious naman na lagi kong sinasabi feelings ko para sayo, at sa parehong pagkakataon, wala lang para sayo yung lecheng feelings ko. Alam mo yung mas obvious? Yung lumipas ang mga taon, at eksaktong alam na alam kong kaibigan mo lang ako, kaibigan mo pa din lang ako. Pinakaobvious? Di mo ako kayang derechuhin kahit kailan, na ganun lang ako, hanggang dun lang. Ikaw nga e, ang manhid manhid mo. Di mo alam bakit lumalayo? Di mo alam? O di mo kayang tanggapin na kada pipiliin kita may pipiliin kang ibang tao. Na kahit bitawan ko ang lahat, hinding hindi mo ako kayang hawakan, di mo ako kailanman gustong hawakan. Obvious naman e! Gago lang talaga ako. Obvious naman. Obvious naman pero... (Di na mahalaga yung mga susunod)

Thursday, November 14, 2013

Tongue In A Lung: 4 Chances. Taken for granted.




July 2011.
December 2011.
March 2012.
November 2013.

Love is a risk. Risk and never get tired of risking again and again pero hindi ako yung taong naniniwala sa madaming pagkakataon lalo pagdating sa pag-ibig. Naniniwala ako na kung mahal ka talaga nung tao, yung unang chance na meron kayo, di ka niya papakawalan, di niya sisirain. Kung mahal ka talaga nung tao, di ka niya hahayaang mawala, kaya ibibigay nya ang lahat-lahat.

Hindi ako yun taong yun, pero sa di inaasahang panahon at pagkakataon, I gave you 4 chances. Lahat yun, binigay ko kasi akala ko, akala ko mahal mo ako. Yun pala, mahal mo lang ako kasi ayaw mong malungkot. Mahal mo lang ako kasi ayaw mong mag-isa. Mahal mo lang ako kapag wala kang makakausap. Mahal mo lang ako kapag wala kang matatakbuhang iba. Mahal mo lang ako kapag wala ka ng ibang mapipili.

Galing sayo:
Tandaan mo to, ikaw pipilin ko sa tamang panahon, ***. Promise last na to. Sorry kung di ko naisip ang feelings mo pero sa last blog mo, totoo na to. Goodbye for now pero babalik ako pag okay na ang lahat. Tandaan mo yan. Sorry for hurting you again and again di ko sinasadya yan. Di mo kelangan ipamukha sa blog mo na ganon akong tao kasi hindi. Hindi talaga! Hindi lang panahon natin to. Hindi mo ko kasi naiintindihan eh. Para sayo, titigilan ko na pagtetext ko pero wag mong kalimutan, dadating yung panahon para satin. Magtiwala ka lang. Last na to.

I don't know exactly what to feel after reading this text message. Bigla akong naawa sa sarili ko. Bigla akong naawa sa sarili ko na nililimos ko lang pala lahat, na kaya niya ako itinatapon ng paulit ulit, kasi ako mismo, ako mismo yung mali. Mali yung inakala kong pwede tayo kasi ang totoo, DI TALAGA TAYO PARA SA ISA'T ISA. Tanggap ko na, sa wakas. Biglang kong narealize na wala ng tamang panahon para sa atin, kasi ang totoo, hindi ko na kayang magbigay ng panahon para sayo. Hindi ko kailangang magtiwala, kasi ang totoo, hindi ko na kayang magtiwala sayo. Hindi ko na kayang makausap ka kahit kailan. Hindi ko na kayang gumawa ng kahit anong para sayo, para sa atin, kasi alam kong ginawa ko ang lahat. Hindi masama yung pinili mo, masakit lang kasi pinili mo nang pinili na masaktan ako.

I don't feel any regrets. I don't feel betrayed. I don't feel any hatred. I just feel happy na pinili ko si Bu noon, kasi ang totoo, buong relasyon na yun, walang oras na naging malugkot ako. Napuno ako ng pag-ibig, ng kasiyahan. Nagkamali siguro siyang iwan ako sa dulo, pero walang oras na nagduda ako sa pagmamahal niya sakin. With you? I just feel tired of believing you. I just feel tired of choosing you more than anyone else. Nabingi na ako sa lahat ng salitang sinabi mo sakin. Nabulag na ako sa lahat ng nabasa ko galing sayo at iisipin ko na lang na parte ka ng isang panaginip, na buti na lang nagising na ako, sa wakas. I just feel happy na malaya na ako sa ideyang pwede tayo. I'm happy that finally, I can say that I gave you every little bit of love, and you choose to throw it away. Masaya ako, di dahil wala ka sakin. Masaya ako kasi sa wakas, natuto na ako na pagdating sayo, walang totoo. Panaginip lang. 

Thank you! Masaya akong makilala ka. :) I just hope you'll be happier now. Seryoso. I'm sorry kung nasaktan kita sa kahit ano mang paraan. I know we're better without each other. Oks na 'to!


* * * * *
For everyone, don't ever be afraid to love. Matututo kayo dun. At kung di nila mapahalagahan yung pag-ibig nyo, ang mahalaga, di kayo natakot. Sa huli, wala kayong pagsisisihan. Sa huli, wala kayong dapat balikan. This will be the last blog for now. Will make another one a month from now. God bless us all!

Much love,
Opmaco



Ang Parasite



Entamoeba coli
Capillaria philippinensis
Balantidium coli
Trypanosoma cruzi
Strongyloides stercoralis
Giardia lamblia
Taenia solium

Alam ko konti lang yan sa listahan ng madaming parasites pero nagulat ako na pwede palang maging parasite ang Homo sapiens sapiens.

Parasites: Organisms that live at the expense of others

Oo! may mga taong nagpapaka-parasite sa buhay ng ibang tao. Nakakatawang isipin kung paano nila kinakayang kunin lahat ng masasarap na bagay sa buhay, habang may ibang tao na magsusuffer dahil sa pagiging masaya nila. Kung may bakuna lang para alisin kayo sa buhay ng taong pinipeste niyo, sigurado, uubusin nila yung pera nila mawala lang kayo sa buhay nila. Kung ganun lang kadali. Sana ganun kadali.


From Doc Dy-Quiangco:
"Itong parasite na ito yung sisira sa atin. Hanggang maaga pa, bitawan na."

"Yung parasite, di sila dapat magtagal."

"Sa ngayon pa lang, yung parasite, alisin na natin."


I hate parasites.

Wednesday, November 13, 2013

GOODBYE!!!!!!!

It's funny how someone can make you feel so important, and at the same time, itatapon ka nila. It's funny that your "friend" treats you as if you're the most important person in his/her life, and at the same time, they keep on being with other people. If someone treats you like this, GO AWAY. Walk away from that person. You know you deserve more than that. You deserve someone who will choose you over and over again, and not just someone who will throw you over and over and  over and over and over again. 

Honestly, di naman naitapon yung panahon ko. This happened para magising ako sa katotohanan. You're selfish, and I can't really blame you. Gusto mo andyan lang ako, pero ako di mo naisip. Gusto mo andyan lang ako, pero yung feelings ko never mong inisip. Peksman sa height mo, GI, huling beses na 'to na papasok ka sa buhay ko. Kung magugunaw na ang mundo bukas, I'd rather be alone than to be with you, than to hear your voice or read your sweet messages or receive your lettering. Puro ka moves, moves, moves, at lahat ng yun papanindigan mong walang meaning. You have proven me na hindi wrong timing lahat, na hindi lang di natin 'to oras, DI LANG TALAGA TAYO PARA SA ISA'T ISA. 

I'm letting go of everthing.
I don't hate you, I hate what you did to me couple of years ago. And I hate what you're doing to me ngayon. Lesson learned 'to sakin. I'm wide awake with the fact that I MUST NEVER CHOOSE YOU EVER AGAIN kasi paulit ulit ulit ulit lang, kasi di ako yung taong kaya mong seryosohin at pahalagahan talaga.


Respeto lang, layuan mo na din ako.

Will just erase this shit after some time.
SHIT SHIT SHIT SHIT SHIT
I hate that conversation!!!!!!!! Sana di ka na lang nagsend ng kahit ano.

Tongue In A Lung: I Knew This Would Be Love by Imaginary Friend




It's funny how we met on the telephone
You and I on the edge of the unknown
Oh, in only a moment's time
I knew my heart was yours and yours was mine

When I saw you waiting at your place
Something felt familiar in your face
Oh, you smiled as if to say
I knew my heart was yours from the first day

CHORUS:
We were right
We stood through it all
Holding tight
Whenever we fall
What we found is second to none
I knew, I knew, I knew this would be love
I knew, I knew, I knew this would be love

There were days when I thought I'd lost you
I read the letter aloud, what could I do?
Now, we're right back where we belong
Don't second guess your heart, it's never wrong

CHORUS


I knew, I knew, I knew this would be love
I knew, I knew, I knew this would be love




This song will always remind me of you. This song will always remind me of how I feel about you and it sucks that it will never ever be our time. I'm letting go of everything, not because I don't want you in my life, you know how special you are to me. I'm doing this because I want you to be fine, to enjoy whatever you have right now without thinking about me. I want you to carry on, and just let yourself be in love with her, without thinking that I can get hurt. I feel your pain, I feel that you're not okay when I'm around, that I'm messing up your life, that was never my intention. I want you to be happy, even if it's not because of me. You'll always be special.


PS. Alam mo kung kailan lang di nagwowork ang lahat? Kapag ginive up mo. Kaya wag kang gigive up. 

XOXO

Ang Putik



Takot ako, takot akong dumausdos sa kawalan. Takot akong masaktan ng walang karapatan. Takot akong magmahal na hindi pa talaga ako handa. Takot akong mahulog ng walang sasalo. Takot akong umiyak ng walang dahilan. Ang dami dami kong kinakatakutan, ang dami kong kinakatakutan simula nung hinayaan kitang pumasok sa buhay ko.

Hindi ko na hahayaang malungkot ako dahil sayo. Di ko na papayagang masaktan mo ako. Di ko na kukunsintihin na nababalewala ako. Di na ako aasa. Hindi na ako kailanman lalapit sa lugar na alam kong maaabot mo ako. Hindi ko na kailanman hahayaan ang sarili kong mapalapit sayo. Katulad ng ginagawa mo, hinding hindi na mauulit ang pagpili ko sayo. Hindi na kita pipiliin, kailanman. Hinding hindi na, sana.


Hahayaan kong dumausdos ako ngayon sa putik ng kawalan. Hahayaan kong masaktan ako ngayon. Hahayaan kong umiyak ako ngayon. Hahayaan ko ang sarili ko. Hahayaan ko hanggang sa maubos na ang lahat, hanggang sa wala na akong matirang mararamdamang kahit ano para sayo. Hahayaan na kita. 



Tangina! Putik na pag-ibig.
Aayusin ko muna ang sarili ko. Aayusin ko ang past ko. Aayusin ko ang lahat sa akin. Aayusin ko muna para sa tamang panahon, kung may darating, alam ko na siya mismo ang dapat kong piliin.






Tuesday, November 12, 2013

Ang Nauubos Na Pabango


Isa akong pabango, nauubos na pabango. Akala ko kasi para daw mabuhay ako ng masaya, bigay lang daw ng bigay. Unahin mo yung kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili mo. Unahin mo yung kasiyahan ng ibang tao kaysa sa sarili mo. Unahin mo sila, saka mo na iisipin ang sarili mo. Napapabango ko yung buhay ng ibang tao, sa parehong panahon, pinapabaho ko ang feelings ko.

Bakit ganun? Bigay ako ng bigay sa kanila, ito ako nauubos. Binibigay ko ang lahat, binibitawan ko ang lahat para mapasaya yung ibang tao, kaya ito ako nasasaktan, umiiyak. Binigay ko na ang lahat, inuna ko ang kasiyahan ng iba, inuna ko ang feelings ng ibang tao, ito ako nauubos, nauubusan ako ng kahit anong para sa sarili ko.

Ang hirap kapag bigay ka ng bigay, madalas kasi naaabuso ka. Ang hirap kapag kaya mong ibigay lahat, kaya mong bitawan lahat, kaya mong tiisin lahat, kaya mong umiyak, kaya mong maging malungkot, wag lang ang ibang tao. Ang hirap hirap.

Ang hirap ngumiti at sabihing "okay lang ako, wag mo akong iisipin" kasi sa loob ko, humahagulgol na ako. Ang hirap sumaya kapag inuna ko yung kasiyahan ng ibang tao, kasi madalas, yung magpapasaya sa kanila yung makakasakit sakin. Ang hirap lang.

Sana kasi di ako ganito. Sana dumating yung araw, yung araw na makikilala kita, yung tanging tao na ako naman ang iisipin, ako ang uunahin, ako ang papasiyahin, feelings ko ang importante. Yung tanging tao na kapag hahawakan ako, at bubuksan ako, sapat na yung aamuyin lang, tapos di uubusin yung natitirang kaya kong ibigay, di aabusuhin. Sana lang.


Ito lang yung tanging pabango ko sa buhay. Sana maging kasing tamis niya yung buhay ko. 

Ang Oras


Ang oras di bumabalik pero ikaw at ako bumabalik nang bumabalik. Yun nga lang, laging hindi para sa atin ang oras. Kapag taken ako, single ka. Kapag single ako, taken ka. Kapag handa ako, hindi ka handa. Kapag hindi ako handa, ikaw naman ang handa. Pinaglalaruan tayo ng oras. Pinaglalaruan pati ang feelings natin.

Hindi natin oras. Hindi pa rin natin oras ngayon. Wag naman sanang hindi tayo magkakaroon ng oras natin, kailanman. Siguro sa susunod na sampung taon, magkakaron na tayo ng oras, yung oras na tama ang lahat, na swak ang lahat, na pwede ang lahat. Baka pwede. Sana pwede. Sana magkaroon ng oras natin. 

Lalayo ako sa oras na mali, sa oras ngayon na di pa din pwede. Lalayo ako dahil iiwasan kong masaktan tayong dalawa, at may madamay pang iba. Lalayo ako kasi gusto kong unahin mong ipaglaban yung meron ka ngayon. Lalayo ako para kapag dumating ang tamang oras (sana dumating ang oras na yun), hinding hindi na tayo mahahadlangan kahit ng panahon. Lalayo ako kasi kung tayo, tayo talaga. Kung hindi, malas lang siguro pero naging masaya ako na may oras na di ka naduwag, na sa unang pagkakataon, umamin ka. Lalayo ako kasabay ng hiling sa puso ko na sana, sana talaga dumating ang oras nating dalawa.


Ecclesiastes 3: There is a time for everything, and a season for every activity under the heavens

Salamat, GI. Thank you for making me the happiest girl last night. We just have to do this because this is the right thing to do. I'll miss you. (I'm already missing you) Ingat, Thor!

Monday, November 11, 2013

Ang Meron Tayo



Ang tagal kong nakatunganga sayo, nagtataka kung bakit ka ba ganyan? Ang tagal na panahon pala akong nag-aabang sayo na umamin ka. Ang tagal na kitang inaantay na maging matapang, pero kailanman, wala kang sinabi.

Totoo lang, pinaparamdam mo sa akin na importante ako sayo. Madalas nga, pakiramdam ko ako yung pinakamagandang babae sa mga ginagawa mo para sa akin (kahit na ang taba ko, kahit na madalas gusgusin ako) Ang sarap sarap sa pakiramdam ng mga bagay na ginagawa mo para sa akin, pero di pala pwedeng puro gawa. 

Sinasabi nilang gusto mo ako, na may pagtingin ka sakin. Nararamdaman ko naman pero hindi pwedeng maging "assume-ra" lang ako. Kung totoo, sabihin mo. Kung hindi, sabihin mo.

Kung importante ako, ibulong mo.
Kung gusto mo ako, sabihin mo.
Kung mahal mo ako, aminin mo.
Kung handa kang piliin ako, matagal na kitang pinili.

Kung talagang may parte ako sa buhay mo, wag kang maging duwag. Umamin ka, umamin ka kahit minsan. Iparinig mo yung dapat kong marinig, para di buong buhay ko, manghuhula ako kung ano bang meron tayo, o kung "meron" ba talaga?

Para sa labidabs mo, MO. Sana umamin na siya. Sana siya na nga ang para sayo, Souley!



Saturday, November 9, 2013

Ang Pagmulat Ng Isipan

Hindi pag-ibig ang importante.

Imulat mo ang isipan mo, matatanto mo na ang importante yung mga taong umiibig. Na ang importante yung mga di nang-iiwan. Importante yung mga di nagsawang bigyan ka ng oras, panahon. Importante yung mga pinilit hawakan ang kamay mo ng mahigpit, di dahil gusto ka nilang saktan, kundi dahil ayaw ka nilang mawala, na gusto nilang bigyan ka ng lakas sa panahong wala kang maibigay sa sarili mo. Ang importante yung mga taong nandyan kung masaya ka, pero andyan din kung iiyak ka. Ang importante yung mga nandyan nung nagtatagumpay ka, pero di nawawala sa panahong palubog ang buhay mo. Ang importante yung mga taong tanggap ka, tanggap ang lahat sayo, maganda man o pangit. Ang importante yung mga di lumilisan kaht madaming pagkakataon na yung dapat ka nilang iniwan. Ang importante yung di puro salita, pero yung nararamdaman mo kahit wala silang sabihin.

Hindi pag-ibig ang importante. 
Ang importante yung mga taong nagpaparamdam sayo ng pag-ibig.
Wala ang pag-ibig kung puro salita. Salita lang yun, walang pagkakaiba sa iba pang mga salita.




Friday, November 8, 2013

Ang Pagsasalita


Kapag nagmahal ka, binibigay mo yung parte ng puso mo sa isang tao. Ipinagkakatiwala mo. Nagtiwala ako. Nagkataon lang na nung oras na yun, mas pinili niyang iwan ako. Iniwan ako nung oras na kinakailangan ko siya, yung pinakaoras na gumuguho yung mundo ko, yung eksaktong oras kung kailan kailangan ko yung isang taong magiging malakas dahil ako mismo nauubusan, yung binibitawan ko na halos yung pangarap ko, kasi gusto ko siyang kapitan, pero nung unti unting dumudulas ang pangarap ko, ako ang binitawan niya.

Nasira ako. Nasira ang lahat nang binuo kong pangarap. Wala akong magawa kundi umiyak. Wala akong magawa kundi hayaang maging mahina. Wala akong maasahan. Akala ko wala akong maasahan.

Nung walang walang wala na naman ako, nung umasa lang ako sa iisang taong iniwan ako, nakita ko yung mga taong hindi ako kailanman piniling iwan. Hindi ako kailanman inisip iwan lalo nung panahong kahit ako di ko na kayang magtiwala sa sarili ko. 

Hindi ako humingi ng tulong, pero niyakap mo ako Julia. Wala kang sawa sa lahat ng pag-iyak ko. Niyakap mo ako nung panahong ako mismo di ko kayang yakapin sarili ko, di ko matanggap ang sarili ko. Hindi ako kailanman nagsalita sayo, pero wala kang sawang magtanong kung okay lang ako Nicole S. Hindi mo ako hinayaang mag-isa. Hindi ako nagsalita, pero inintindi mo ako Ate Ecka. Hindi mo ako kailanman pinipiling iwan, kahit wala na akong matinong nasabi. Hindi ako kailanman nagkwento, pero alam na alam mo yung mga salitang dapat mong sabihin sakin Chaar. Hindi ko kayo kailanman kinailangan, pero mas pinili niyong magstay sa buhay ko- Eden, Gayle, Mel. Hindi ko kayo halos sinisipot, pero sinasabayan niyo akong kantahan yung lungkot papalayo sa akin - Nicole G., Josan, Marj, Vince, Rye, Erin, Cham, Haters. Hindi ako nagtiwala sa sarili ko, pero kailanman Izel, di ka nawalan ng tiwala sakin, na lagi mong sinasabi na "Kaya mo yan, Ate" kahit ako mismo di ko na kinakaya. Hindi ako naging matibay, binitawan ko ang lahat ng ganun ganun lang, hindi ako naging masipag, pero walang tanong na tinanggap ako ng pamilya ko, lalo ni Mama at Papa. Hindi kayo nagdalawang isip na bigyan ako ng pagkakataon.

Sobrang kakaiba ka, Lord! Kaya mo pala ginawa ang lahat ng yun sa buhay ko, para makita ko yung mga taong dapat sa buhay ko, yung mahal talaga ako, di lang sa panahong nasa taas ako, kundi tanggap din ako sa panahong walang wala ako. Salamat, Panginoon. Salamat sa buhay na 'to! Solid. 

Thursday, November 7, 2013

Ang Mga Stop Lights


Ang tagal na nating magkakilala pero kailanman di pa kita talaga natitigan. Ang tagal na natin magkaibigan pero ni walang oras ang kaya nating ilaan para sa isa't isa. Ang tagal na nating sabay magbilang ng oras pero kailanman di tumugma, walang tumugma.

Ang daming dumadaan sa lugar nating dalawa. Laging nakadungaw, laging nakatitig. Ang daming taong dumaan sa buhay nating dalawa, ang daming nangako ng habambuhay, pero ikaw, ikaw na kailanman di ko inasahan, yung kailanman di nangako, ikaw pa yung laging nandyan. Ikaw pa, higit sa lahat. Di mo man ako pinili kahit kailan, di mo din naman ako nilisan kahit kailan.

Kapwa tayo stop light pero ni kailanman di ko mapahinto yung mundo para may karapatan akong humingi ng oras mo na di masasayang. Di ko kailanman mapahinto yung mundo para may konting oras akong makausap ka. 

Stop light lang tayo. Hihinto para magkamustahan. Lilisan dahil kailangan. Sa susunod na paghinto, sana may mas matagal na kamustahan.

Salamat, GI. Salamat sa solid na friendship, nak! Salamat! 

Monday, November 4, 2013

Ang Peksman


Nasaktan ako. Iniwan kasi ako nung taong pinagkatiwalaan kong di ako iiwan. Hindi nga lahat ng pangako, natutupad. Minsan, nangangako lang sila para makuha nila yung gusto nila, at kapag naibigay mo na ang lahat, sinasanay ka lang nila sa buhay na nandyan sila, pero sa huli, ang pangako nila, mga salita lang na narinig mo at kailanman, di magiging gawa na mararamdaman mo.

Natuto akong lumakad ng papalayo nung nakita ko yung ngiti niya kasama yung ipinalit niya sa akin. Yun ang ngiting di ko naibigay sa kanya kahit kailan. Masakit lang kasi kung bakit kailangang madamay pa ako para malaman nilang mahal nila ang isa't isa. Masakit lang kasi sinubukan ko lang palang punan yung iniwan niya sayong bakas, at sa huli, bumalik ka sa ex mo. Rebound. Rebound. Di ako bola pero ni-rebound niya ako. Pinaglaruan. 

Lumakad akong papalayo sa pangako niyang napako. Masakit. Masakit lang. Para akong nag-iisang nasasaktan pero nabigla ako na kumakapit ka pa din sa akin. Nabigla akong makita na hindi ako nag-iisa. Na kailanman, di mo ako hinayaang mag-isa. Na habang iniiyakan ko siya, sinasabayan mo akong umiyak, hinahatian mo ako sa sakit na nararamdaman ko. Na habang umaasa ako sa pangako niya, na habang iniisip kong napapako ang lahat ng mga pangako, ikaw mismo, ikaw lang yung tutupad sa pangako mo.

Peksman! Ikaw na. Ikaw na uli. Ikaw na sa panahon na handa na uli ang puso ko. Konting oras lang, yung pangako mo na ang iisipin ko at hindi sa kanya. Konting panahon lang, peksman! Sayong sayo na ako ng buong buo.

Para sayo 'to, T! Kinikilig ako para sayo. Kinikilig akong malaman na kaya pala di natupad ni M ang pangako niya dahil may isang taong nangako sayo, na yung taong yun yung mismong tutupad ng mga salita niya. Kiligzzz!

Saturday, November 2, 2013

Ang Gustong Mauna


Ako:
Sa kanya, ako ang huli. Sa kanya, ako yung huling taong maiisip niyang itext pagkagising niya. Sa kanya, ako yung taong makakalimutan niyang itext bago siya matulog. Sa kanya, ako yung taong huling maiisip niyang kamustahin. Sa kanya, ako yung taong okay lagi kasi gusto kong wag siyang mahirapan. Kahit na sa loob ko, gusto ko nang sumabog, gusto kong umiyak ng umiyak, na gusto ko yung "Kamusta ka na?" sabay yakap na mahigpit, pero kahit yun di niya nagawa para sa akin. Puro feelings niya. Puro siya. Wala siyang narinig. Binigay ko ang lahat. Binigay ko kahit wala na akong maibigay pero mahirap daw. Mahirap daw ang lagay namin. Mahirap daw kaya iniwan niya ako. Kailangan daw ng oras at panahon pero sa hiningi niya sa akin, humanap lang siya ng ibang kamay na mahahawakan. Totoo lang, ang sakit pa din araw-araw. Ang dali niyang itapon ang lahat. pero di ako galit. Di ko pa din magawang magalit. Gusto ko siyang intindihin kahit ang sakit sakit. Kailangan ko na lang munang unahin yung mga bagay na napabayaan ko dahil siya lang yung kinaya kong alagaan. Puro siya. Puro siya. Puro siya. Puro siya na kahit sarili ko kinalimutan ko, ganun ko siya minahal pero di pa din siya nakuntento.

Siya:
Unahin mo naman ako. Ako naman. Puro siya. Puro siya. Puro siya. Hindi niya alam yung worth mo. Hindi niya alam na madaming taong nakikipagunahan maramdaman lang nila lahat ng ginawa mong para sa kanya. Hindi mo alam kasi kinuntento mo ang sarili mo sa kaya niyang ibigay, kahit wala siyang maibigay. Hindi mo alam kasi pinaikot mo yung mundo mo sa kanya, habang nag aantay lang kami na lingunin mo kami. Ang tagal kitang inaantay. Ang dami kong taong pinatulan makalimot lang, pero pabalik balik pa din ako sayo.

Ako:
Kung madali lang ipilit ang pag-ibig, pinili na kita. Kung ganyan lang ang pag-ibig, ikaw ang pipiliin ko pero hindi. Karapat dapat sayo yung taong mamahalin ka, yung ibibigay yung best nila sayo, at hindi ako yun. Di ko kakayaning pumasok sa isang relasyon na pinipilit ko lang ang "I love you", dahil di mo deserve yun, walang sinuman ang deserving sa ganung relasyon. Masaya ako, seryosong masaya ako kasi alam kong totoo ka, kasi alam kong seryoso ka, importante ka sa akin, pero di ko pa din makita ang sarili kong ikaw yung makakasama ko habang buhay. Di ko kailanman kakayaning tumbasan yung pagpapahalaga mo sakin. Sana nga ikaw na lang siya, sana nga ganyan din siya sa akin edi sana di tayo masasktan ng ganito. May mahal na siyang iba, mahal ko pa din siya, mahal mo pa din ako kahit lumipas na ang mga taon. Unfair noh? Pero siguro ganito ang pag-ibig. Gusto ko na lang paniwalaan na darating yung panahon na may taong darating na mahal ako, mahal ko tapos sasaya na kami buong buhay namin. Ikaw din, sana mahanap mo yung taong mamahalin ka, yung tatapatan yung kaya mong ibigay sakin. 

Seryosong salamat, ED. Di kita kayang mahalin pero importante ka. Kung pwede lang piliin ang taong mamahalin, ikaw naman pipiliin ko, kaso hindi e.