FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Tuesday, November 12, 2013
Ang Nauubos Na Pabango
Isa akong pabango, nauubos na pabango. Akala ko kasi para daw mabuhay ako ng masaya, bigay lang daw ng bigay. Unahin mo yung kapakanan ng ibang tao kaysa sa sarili mo. Unahin mo yung kasiyahan ng ibang tao kaysa sa sarili mo. Unahin mo sila, saka mo na iisipin ang sarili mo. Napapabango ko yung buhay ng ibang tao, sa parehong panahon, pinapabaho ko ang feelings ko.
Bakit ganun? Bigay ako ng bigay sa kanila, ito ako nauubos. Binibigay ko ang lahat, binibitawan ko ang lahat para mapasaya yung ibang tao, kaya ito ako nasasaktan, umiiyak. Binigay ko na ang lahat, inuna ko ang kasiyahan ng iba, inuna ko ang feelings ng ibang tao, ito ako nauubos, nauubusan ako ng kahit anong para sa sarili ko.
Ang hirap kapag bigay ka ng bigay, madalas kasi naaabuso ka. Ang hirap kapag kaya mong ibigay lahat, kaya mong bitawan lahat, kaya mong tiisin lahat, kaya mong umiyak, kaya mong maging malungkot, wag lang ang ibang tao. Ang hirap hirap.
Ang hirap ngumiti at sabihing "okay lang ako, wag mo akong iisipin" kasi sa loob ko, humahagulgol na ako. Ang hirap sumaya kapag inuna ko yung kasiyahan ng ibang tao, kasi madalas, yung magpapasaya sa kanila yung makakasakit sakin. Ang hirap lang.
Sana kasi di ako ganito. Sana dumating yung araw, yung araw na makikilala kita, yung tanging tao na ako naman ang iisipin, ako ang uunahin, ako ang papasiyahin, feelings ko ang importante. Yung tanging tao na kapag hahawakan ako, at bubuksan ako, sapat na yung aamuyin lang, tapos di uubusin yung natitirang kaya kong ibigay, di aabusuhin. Sana lang.
Ito lang yung tanging pabango ko sa buhay. Sana maging kasing tamis niya yung buhay ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.