FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Monday, November 4, 2013
Ang Peksman
Nasaktan ako. Iniwan kasi ako nung taong pinagkatiwalaan kong di ako iiwan. Hindi nga lahat ng pangako, natutupad. Minsan, nangangako lang sila para makuha nila yung gusto nila, at kapag naibigay mo na ang lahat, sinasanay ka lang nila sa buhay na nandyan sila, pero sa huli, ang pangako nila, mga salita lang na narinig mo at kailanman, di magiging gawa na mararamdaman mo.
Natuto akong lumakad ng papalayo nung nakita ko yung ngiti niya kasama yung ipinalit niya sa akin. Yun ang ngiting di ko naibigay sa kanya kahit kailan. Masakit lang kasi kung bakit kailangang madamay pa ako para malaman nilang mahal nila ang isa't isa. Masakit lang kasi sinubukan ko lang palang punan yung iniwan niya sayong bakas, at sa huli, bumalik ka sa ex mo. Rebound. Rebound. Di ako bola pero ni-rebound niya ako. Pinaglaruan.
Lumakad akong papalayo sa pangako niyang napako. Masakit. Masakit lang. Para akong nag-iisang nasasaktan pero nabigla ako na kumakapit ka pa din sa akin. Nabigla akong makita na hindi ako nag-iisa. Na kailanman, di mo ako hinayaang mag-isa. Na habang iniiyakan ko siya, sinasabayan mo akong umiyak, hinahatian mo ako sa sakit na nararamdaman ko. Na habang umaasa ako sa pangako niya, na habang iniisip kong napapako ang lahat ng mga pangako, ikaw mismo, ikaw lang yung tutupad sa pangako mo.
Peksman! Ikaw na. Ikaw na uli. Ikaw na sa panahon na handa na uli ang puso ko. Konting oras lang, yung pangako mo na ang iisipin ko at hindi sa kanya. Konting panahon lang, peksman! Sayong sayo na ako ng buong buo.
Para sayo 'to, T! Kinikilig ako para sayo. Kinikilig akong malaman na kaya pala di natupad ni M ang pangako niya dahil may isang taong nangako sayo, na yung taong yun yung mismong tutupad ng mga salita niya. Kiligzzz!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.