Ikaw sa akin:
Obvious naman! Siya pa din ang gusto mo, siya pa din ang mahal mo. Alam ko feelings mo pero bigla ka lang lumalayo eh. Bigla bigla lang! Di mo nga sinasabi sakin sa blog mo lang nabasa!
Wala naman talaga akong planong magsalita. Wala naman talaga akong plano na umimik lalo pagdating sayo, lalo pagdating sa feelings ko para sayo. Kaya hayaan na lang. Hayaan na lang natin ang lahat.
Ako sa sarili ko:
Obvious ba? Obvious? E wala ka namang alam. Di mo naman kasi alam yung pakiramdam na umiiyak ka kasi namimiss mo siya pero sa parehong pagkakataon, mas masakit kasi wala na, kasi alam kong di ko na siya kayang saluhin, kasi pati feelings pala lumilipas, kasi pati pag-ibig, nagbabago, nawawala. Halata ba yun? Na kasi mas pinili kita sa buhay ko, pero hindi diba? Manhid ka lang, di ko kasalanan yun. Obvious ba? Obvious naman na lagi kong sinasabi feelings ko para sayo, at sa parehong pagkakataon, wala lang para sayo yung lecheng feelings ko. Alam mo yung mas obvious? Yung lumipas ang mga taon, at eksaktong alam na alam kong kaibigan mo lang ako, kaibigan mo pa din lang ako. Pinakaobvious? Di mo ako kayang derechuhin kahit kailan, na ganun lang ako, hanggang dun lang. Ikaw nga e, ang manhid manhid mo. Di mo alam bakit lumalayo? Di mo alam? O di mo kayang tanggapin na kada pipiliin kita may pipiliin kang ibang tao. Na kahit bitawan ko ang lahat, hinding hindi mo ako kayang hawakan, di mo ako kailanman gustong hawakan. Obvious naman e! Gago lang talaga ako. Obvious naman. Obvious naman pero... (Di na mahalaga yung mga susunod)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.