FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Saturday, November 2, 2013
Ang Gustong Mauna
Ako:
Sa kanya, ako ang huli. Sa kanya, ako yung huling taong maiisip niyang itext pagkagising niya. Sa kanya, ako yung taong makakalimutan niyang itext bago siya matulog. Sa kanya, ako yung taong huling maiisip niyang kamustahin. Sa kanya, ako yung taong okay lagi kasi gusto kong wag siyang mahirapan. Kahit na sa loob ko, gusto ko nang sumabog, gusto kong umiyak ng umiyak, na gusto ko yung "Kamusta ka na?" sabay yakap na mahigpit, pero kahit yun di niya nagawa para sa akin. Puro feelings niya. Puro siya. Wala siyang narinig. Binigay ko ang lahat. Binigay ko kahit wala na akong maibigay pero mahirap daw. Mahirap daw ang lagay namin. Mahirap daw kaya iniwan niya ako. Kailangan daw ng oras at panahon pero sa hiningi niya sa akin, humanap lang siya ng ibang kamay na mahahawakan. Totoo lang, ang sakit pa din araw-araw. Ang dali niyang itapon ang lahat. pero di ako galit. Di ko pa din magawang magalit. Gusto ko siyang intindihin kahit ang sakit sakit. Kailangan ko na lang munang unahin yung mga bagay na napabayaan ko dahil siya lang yung kinaya kong alagaan. Puro siya. Puro siya. Puro siya. Puro siya na kahit sarili ko kinalimutan ko, ganun ko siya minahal pero di pa din siya nakuntento.
Siya:
Unahin mo naman ako. Ako naman. Puro siya. Puro siya. Puro siya. Hindi niya alam yung worth mo. Hindi niya alam na madaming taong nakikipagunahan maramdaman lang nila lahat ng ginawa mong para sa kanya. Hindi mo alam kasi kinuntento mo ang sarili mo sa kaya niyang ibigay, kahit wala siyang maibigay. Hindi mo alam kasi pinaikot mo yung mundo mo sa kanya, habang nag aantay lang kami na lingunin mo kami. Ang tagal kitang inaantay. Ang dami kong taong pinatulan makalimot lang, pero pabalik balik pa din ako sayo.
Ako:
Kung madali lang ipilit ang pag-ibig, pinili na kita. Kung ganyan lang ang pag-ibig, ikaw ang pipiliin ko pero hindi. Karapat dapat sayo yung taong mamahalin ka, yung ibibigay yung best nila sayo, at hindi ako yun. Di ko kakayaning pumasok sa isang relasyon na pinipilit ko lang ang "I love you", dahil di mo deserve yun, walang sinuman ang deserving sa ganung relasyon. Masaya ako, seryosong masaya ako kasi alam kong totoo ka, kasi alam kong seryoso ka, importante ka sa akin, pero di ko pa din makita ang sarili kong ikaw yung makakasama ko habang buhay. Di ko kailanman kakayaning tumbasan yung pagpapahalaga mo sakin. Sana nga ikaw na lang siya, sana nga ganyan din siya sa akin edi sana di tayo masasktan ng ganito. May mahal na siyang iba, mahal ko pa din siya, mahal mo pa din ako kahit lumipas na ang mga taon. Unfair noh? Pero siguro ganito ang pag-ibig. Gusto ko na lang paniwalaan na darating yung panahon na may taong darating na mahal ako, mahal ko tapos sasaya na kami buong buhay namin. Ikaw din, sana mahanap mo yung taong mamahalin ka, yung tatapatan yung kaya mong ibigay sakin.
Seryosong salamat, ED. Di kita kayang mahalin pero importante ka. Kung pwede lang piliin ang taong mamahalin, ikaw naman pipiliin ko, kaso hindi e.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.