FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Friday, November 8, 2013
Ang Pagsasalita
Kapag nagmahal ka, binibigay mo yung parte ng puso mo sa isang tao. Ipinagkakatiwala mo. Nagtiwala ako. Nagkataon lang na nung oras na yun, mas pinili niyang iwan ako. Iniwan ako nung oras na kinakailangan ko siya, yung pinakaoras na gumuguho yung mundo ko, yung eksaktong oras kung kailan kailangan ko yung isang taong magiging malakas dahil ako mismo nauubusan, yung binibitawan ko na halos yung pangarap ko, kasi gusto ko siyang kapitan, pero nung unti unting dumudulas ang pangarap ko, ako ang binitawan niya.
Nasira ako. Nasira ang lahat nang binuo kong pangarap. Wala akong magawa kundi umiyak. Wala akong magawa kundi hayaang maging mahina. Wala akong maasahan. Akala ko wala akong maasahan.
Nung walang walang wala na naman ako, nung umasa lang ako sa iisang taong iniwan ako, nakita ko yung mga taong hindi ako kailanman piniling iwan. Hindi ako kailanman inisip iwan lalo nung panahong kahit ako di ko na kayang magtiwala sa sarili ko.
Hindi ako humingi ng tulong, pero niyakap mo ako Julia. Wala kang sawa sa lahat ng pag-iyak ko. Niyakap mo ako nung panahong ako mismo di ko kayang yakapin sarili ko, di ko matanggap ang sarili ko. Hindi ako kailanman nagsalita sayo, pero wala kang sawang magtanong kung okay lang ako Nicole S. Hindi mo ako hinayaang mag-isa. Hindi ako nagsalita, pero inintindi mo ako Ate Ecka. Hindi mo ako kailanman pinipiling iwan, kahit wala na akong matinong nasabi. Hindi ako kailanman nagkwento, pero alam na alam mo yung mga salitang dapat mong sabihin sakin Chaar. Hindi ko kayo kailanman kinailangan, pero mas pinili niyong magstay sa buhay ko- Eden, Gayle, Mel. Hindi ko kayo halos sinisipot, pero sinasabayan niyo akong kantahan yung lungkot papalayo sa akin - Nicole G., Josan, Marj, Vince, Rye, Erin, Cham, Haters. Hindi ako nagtiwala sa sarili ko, pero kailanman Izel, di ka nawalan ng tiwala sakin, na lagi mong sinasabi na "Kaya mo yan, Ate" kahit ako mismo di ko na kinakaya. Hindi ako naging matibay, binitawan ko ang lahat ng ganun ganun lang, hindi ako naging masipag, pero walang tanong na tinanggap ako ng pamilya ko, lalo ni Mama at Papa. Hindi kayo nagdalawang isip na bigyan ako ng pagkakataon.
Sobrang kakaiba ka, Lord! Kaya mo pala ginawa ang lahat ng yun sa buhay ko, para makita ko yung mga taong dapat sa buhay ko, yung mahal talaga ako, di lang sa panahong nasa taas ako, kundi tanggap din ako sa panahong walang wala ako. Salamat, Panginoon. Salamat sa buhay na 'to! Solid.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.