FILIPINO: Dila sa loob ng baga. KOREAN: 폐에 혀. SPANISH: Lengua en un pulmón. ARABIC: اللسان في الرئة. ILOKANO: Dila idiay unig ti bara. Sa kahit anong pagkakataon, tongue in a lung.
Monday, November 11, 2013
Ang Meron Tayo
Ang tagal kong nakatunganga sayo, nagtataka kung bakit ka ba ganyan? Ang tagal na panahon pala akong nag-aabang sayo na umamin ka. Ang tagal na kitang inaantay na maging matapang, pero kailanman, wala kang sinabi.
Totoo lang, pinaparamdam mo sa akin na importante ako sayo. Madalas nga, pakiramdam ko ako yung pinakamagandang babae sa mga ginagawa mo para sa akin (kahit na ang taba ko, kahit na madalas gusgusin ako) Ang sarap sarap sa pakiramdam ng mga bagay na ginagawa mo para sa akin, pero di pala pwedeng puro gawa.
Sinasabi nilang gusto mo ako, na may pagtingin ka sakin. Nararamdaman ko naman pero hindi pwedeng maging "assume-ra" lang ako. Kung totoo, sabihin mo. Kung hindi, sabihin mo.
Kung importante ako, ibulong mo.
Kung gusto mo ako, sabihin mo.
Kung mahal mo ako, aminin mo.
Kung handa kang piliin ako, matagal na kitang pinili.
Kung talagang may parte ako sa buhay mo, wag kang maging duwag. Umamin ka, umamin ka kahit minsan. Iparinig mo yung dapat kong marinig, para di buong buhay ko, manghuhula ako kung ano bang meron tayo, o kung "meron" ba talaga?
Para sa labidabs mo, MO. Sana umamin na siya. Sana siya na nga ang para sayo, Souley!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.