Pinapahalagahan pa din natin yung mga bagay na nawala na, yung parte na ng nakalipas. Dahil yung mga nawala, yun yung mga eksaktong bagay na nagiging perpekto sa ulo mo, sa utak mo. Hindi nangalawang. Hindi nasira. Nabuo sila ng mga alaala, na sa paglipas ng mga araw, mas nahuhulma, mas nagiging perpekto. Hindi dahil perpekto yun noon, kundi dahil ang mga alaalang pinipili mo, pinipili mong bigyan ng pansin yung mga masasayang isipin. Kinakalimutan mong pahalagahan yung mga pangit. Ito yung mga panaginip kung gaano kaganda sana yung mga magiging kinalabasan kasabay ng katotohanang alam mo sa sarili mo na hindi na, hindi na sila magiging parte ng ngayon, hindi na sila totoo, hindi na sila magkakamali kasi pinili mo na lang yung mga tama na gusto mong isipin. Hindi na sila masisira, kasi nasira na, pilit mo lang binubuo. Hindi na sila mawawala, kasi pinili mong nandyan lang yan sa utak mo.
Yung mga bagay na wala na sayo, yun lang yung mga bagay na magiging perpekto. Yun mga alaala, yun lang. Yun lang.
Kung pipiliin lang natin pahalagahan at pagtuunan ng pansin ang mga dahilan para di mawala ang mga bagay, wala sanang umiiyak. Wala sanang hahabol. Wala sanang naiiwan. Wala sana. Wala na sana.
No comments:
Post a Comment
May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.