Friday, January 31, 2014

Ang Mangingisda


Isa akong mangingisdang masayang pumalaot. Ang saya lumakbay habang nakangiti. Ang sayang sumagwan habang umaasang makahuli ng isda ng pag-ibig. Ang problema, nakita kita. Nakilala kita. Nabihag mo ang puso ko ng di ko inaasahan.

Naging masaya tayong magkasama. Naging masaya tayo sa byahe ng pag-ibig natin. Naging masaya tayo at natuto ding lumipas ang kasiyahan. Binagyo tayo sa dagat ng pag-ibig. Binagyo tayo at tinangay ka papalayo sa akin.

Akala ko magiging matibay tayo, pero iniwan mo ako. Akala ko hanggang dulo magiging masaya ang pamimingwit na ito, pero hindi. Akala ko buong buhay na 'to, ikaw na yung makakasama ko, hindi pala. Ang tagal tagal kong hinayaan ang sarili kong malunod sa sakit. Ang tagal kong umiyak dahil iniwan mo ako. Ang tagal kong nag-iisip kung saan pa patungo 'tong bangkang sinasakyan ko. Nalunod ako sa galit sayo. Nalunod ako sa sakit. Nalunod ako sa sama ng loob. Nalunod ako nung iniwan mo ako. Nalunod ako.

Dumating ang isang araw, nakita ko na naman ang ngiti mo habang namimingwit ako. Ikaw na naman. Ikaw na nang-iwan sa akin. Pero bakit nakangiti ka? Bakit ang lakas ng loob mong ngumiti sa akin samantalang lumuha ako buong oras na wala ka? Binulong mo sa aking mahal mo pa ako. Gustong gusto kong sabihing mahal pa kita, pero nilunod mo ako. Habang nananahimik ang paligid, nagsalita ka ng mga rason mo sa paglisan. Nagsabi ka ng mga rason na kahit kailan di ko naisip.

Ako pala ang may kasalanan. Di mo ako iniwan. Pinalayo kita. Pinili mo ako pero pinili kitang iwan. Minahal mo ako, at minahal kita pero sa parehong paraan, tinalikuran kita. Bakit ngayon mo lang sinasabi 'to? Bakit ngayon lang? Gusto kong ayusin lahat, pwede pa ba? Nilamon na tayo ng panahon, nilamon na tayo sa dagat ng pagkalimot pero ni isa sa puso natin, di natutong nakalimot. 

Mahal mo ako. Mahal din kita. Walang nagbago. 
Kaya kitang piliin. Di mo na ako kayang piliin. Yun ang nagbago.

Hinayaan mo akong mangisdang muli at sinabing marami pa akong ibang mahuhuli pero paano yun? Di naman isda ang hinahanap ko. Ikaw lang. Ikaw lang.



For my brother from another mother, JT. Sana maayos ninyo pa ni F. Kung hindi na kakayanin, wag kang matakot magmahal muli. Malay mo sa susunod, yun na ang taong para sayo.

Thursday, January 30, 2014

Ang Mahal Mo, Ayaw Mong Mawala At Di Kayang Piliin


Tanong ko sa pinsan ko: "Mahal pa ba dyan ni Bella si Jacob?"

Sabi niya "Nadevelop nung nawala si Edward"

Sabi ko "Pero yun lang yun?"

Sabi niya "Mahal niya na ayaw niyang mawala pero hindi niya kayang piliin."


Di naman ako nakaiwas! Akala ko tungkol sa movie ang gabing 'to, bakit naapektuhan ako? 

Siguro nga, makakakilala tayo ng isang tao na mamahalin natin, yung ayaw nating mawala, pero di natin pwedeng piliin kahit kailan. Siguro nga, hanggang dun na lang yun. Hindi yun masama, pero isa ata yun sa pinakamalabong feelings sa mundo at di ako nagmamalinis. 

Masaya na lang akong nakakilala ako ng ganung tao, at alam naming hanggang dun na lang yun. Ano yung mahalaga? Hindi ko din alam e. Hindi ko pa alam hanggang ngayon. Ang alam ko lang, darating yung taong mamahalin ako at mamahalin ko. Yung mapipili namin yung isang tao.

Stay in love, y'all! Wag matakot! Masarap umibig. Kung masaktan, iyak lang pero wag matakot magmahal muli. :)
Goodnight.

AKAP TIGHT. >:-)<

 

Tuesday, January 28, 2014

Ang Pagpapatawad



Pinatawad na kita, matagal na.

Hindi ko kinailangan ng mga salitang galing sayo, pinatawad lang kita. Hindi ako santo, pinatawad lang kita. Minahal lang kita ng sobra-sobra, kaya napatawad na kita.

Ang pagpapatawad kasi, parang pagmamahal, yung di mo naman inaasahan pero binigay mo, yung di niya deserve sabi ng ibang tao pero ibinigay mo sa kanya ng buong buo. Ang pagpapatawad kasi, kung totoo, kusa na lang. Kusa na lang kitang pinatawad parang pagmamahal lang.


Salamat sa paglalakas ng loob ngayong gabi. Ingat ka lagi.

Thursday, January 23, 2014

Ang Ikalawang Buhay

Ito yung bato na sobrang laki, na nagkataon na High Tide pala at malakas ang current.
Salamat Lord, buhay pa ako!


SALAMAT SA DIYOS!
Sinimulan ko 'to sa pagsabi ng lubos na pasasalamat sa Diyos dahil buhay pa ako, dahil nailigtas ako. Salamat, Panginoon!

January 23, 2014

Pumunta kami ng mga kaibigan ko sa Mabini, Batangas para mag-enjoy sa beach. Ito yung araw na sinumulan ko ng puro dasal, ewan ko pero normal sa akin ang magdasal sa tuwing magigising at matutulog pero iba yung pakiramdam ko ngayong araw.

Umaga pa lang, pumunta kami ng mga kaibigan ko sa bandang dulo nung lugar, sobrang mabato pero sabi kasi ng kaibigan namin na doon nakatira, may kweba dun na tatagos sa isa pang lugar. Low tide naman. Di din gaano maalon. Ang sarap sa feeling lumangoy doon. Ang ganda ng lugar, sobra! Bumalik na kami kaagad sa cottage para maglunch at antayin yung kasama naming naiwan para matulog.

Nagising ang kaibigan namin. Ihaw. Luto. Lunch. Busog! Sa hindi ko maintindihang pakiramdam, gustong gusto kong bumalik dun sa bandang kweba kasi seryosong ganda ng lugar. Umalis kami may dalang mga alak, pork steak at mangga. Tinahak uli namin yung mabatong daanan pero sige lang.

Napatid yung Havaianas na suot ko at sinabi ko pa "Bagong bago pa man din 'to, tapos ganito" at isipin mo na lang, lalakad ka sa mabatong daanan, tapos walang slippers, masakit yun. Nung dumating kami sa gilid ng kweba, dun na kami nag-ayos ng inuman. Inayos naman ng isa kong kaibigan ang Havaianas ko.

Nakita ko yung dalawang manong na malayo yung nilalangoy, so naisip ko, kaya ko din. Malakas ang loob ko sa tubig dahil simula Elementary ako, lumalangoy na ako. Nakakalangoy at nakaka-water threading ako. Pinakamalalim na nalangoy kong pool ay 12 ft. Nakalangoy na din ako sa 20 ft deep na ilog. So wala lang sa akin. YUN ANG AKALA KO.

Yang malaking bato sa picture, sa gilid nyan lumalangoy ako. Napapansin ko, kahit anong langoy ko, di ako masyadong umaalis sa pwesto ko. Hanggang sa di ko na alam kung paano kumapit sa batong yan dahil makinis yung harap nya, walang kakapitan. Naisip kong lumubog sa tubig para maka-breast stroke dahil yun ang forte ko, pero wala. Wala pa din. Napalapit ako sa bato, pero kapag huminto ako, napapalayo ako. Yung kaibigan kong nasa gilid ng bato na hindi halos naaagusan nung malakas na current ng tubig, sinabihan ko ng "Rej! Rej! Nalulunod ako" paputol putol kong nasabi kasi kahit gusto kong iahon yung ulo ko, di ko alam pero dinadala ako ng tubig. SERYOSONG TAKOT AKO! Akala niya nagbibiro ako, kaya tumatawa lang siya. Hanggang sa napansin nyang tinatangay na ako ng tubig. Napupunta na ako sa kabilang dulo ng bato, at yung ulo ko, halos di na umaahon sa tubig. Inaabot na ng kaibigan ko yung kamay niya pero di ko maabot dahil inaagos ako ng tubig at kahit anong iabot niya na kamay, di siya pwedeng lumapit sa akin kasi baka pati siya matangay sa seryosong lakas na current ng tubig dagat. Todong effort na talaga ako pumadyak para lang di ako anurin, at sa wakas, napalapit ako sa bato, pero wala akong makapitan. Meron akong nakapitan, yung mga parang tahong na nakakabit sa bato tapos kada hawak, naaalis. Sobrang ito yung moment na "Mamamatay na ba ako?" Inagos yung isang slippers ko, at gusto ko na talagang hayaan yung agos na dalhin ako. Ito na yung huli, yung tipong huling laban ko para mabuhay kasi pagod na pagod na akong kakapadyak at kakalangoy at nauubusan na talaga ako ng hangin kaya mas sinubukan ko pang pumadyak ng todo na parang lumalaban ako para mabuhay, at inagos pa ang isa kong slipper. Naghawak yung mga kaibigan ko para di sila maanod at maabot ako, SA WAKAS, NAABOT KO YUNG KAMAY NI REJ.

Alam mo yung feeling na para sa iba nasa ilang minuto lang yun, pero sa akin, nung panahon na nalulunod ako, kada segundo ang haba-haba. Na kada lipas ng segundo, naiisip ko yung pamilya ko at yung mga taong mahal ko. Na sana mas niyakap at hinalikan ko pa ang mga magulang ko hindi lang dalawang beses isang araw, dapat kada makita ko sila. Na sana nagkaroon pa ako ng mas madaming oras para maki-bonding yung mga kapatid ko na hindi na nagiging baby. Na sana imbes na mapuno ako ng sakit at galit, mas masarap ang ngumiti, tumawa at magmahal. Na sana hindi ako mamatay doon sa Batangas para lang mabago ko yung mga "sana" at gawin kong totoo.

Ito yung punto sa buhay ko na sobrang naiiyak ako, natakot pero mas nagpasalamat pa sa nangyari. Yung panahon na kada gusto kong sumigaw na nalulunod ako pero di ko maiahon sa tubig yung ulo ko, totoo pala na yung maiisip mo lang yung mga mahal mo sa buhay. Dun ko naisip na kung bibitaw ako, kung di ko susubukan, masasaktan ko sila at iiyak sila na mawawala ako. Yun yung punto na gusto kong yakapin ang magulang ko, gusto kong sabihin at iparamdam sa mga taong mahal ko na mahal ko sila. Ito yung punto na sobrang blessed ako to have a second shot in this life.

Hindi ko ikekwento 'to sa magulang ko pero gusto kong malaman niyo na ang ikli ng buhay. Kahit anong oras, pwedeng panahon mo na, kaya hanggang may natitira ka pang oras, wag mong sayangin yun. Kung may magulang ka, bigyan mo ng respeto at pagpapahalaga. Kung may mga kapatid ka, gawin mong parte ka kahit sa mga bagay na di nila masabi sa ibang tao. Kung may mga kaibigan ka, alagaan mo sila buong buhay mo. Kung may mahal ka, magmahal ka lang, wag kang matakot magsabi at magparamdam. Life's too short for spending a second doing nothing.

Thank You, Lord for this second life. I'll do better Lord. Salamat po!

Huhuhuhuhuhuhu.

Wednesday, January 15, 2014

Ang Hiling Na Pinagbigyan


Wag kang hihiling ng mga bagay na akala mo hindi kayang gawin ng ibang tao para sayo, baka kasi nagkakamali ka. Baka kasi patunayan niyang kaya niya.

Kailangan ko ng taong kailangan din ako, hindi lang yung taong makikita lang ako 'pag walang ibang nakatingin. Kailangan ko ng taong di ako namimiss, kasi gumagawa siya ng paraan para maging parte ako ng buhay nya. Kailangan ko ng taong mahal ako at papatunayan yun, hindi lang puro salita. Hindi ikaw ang kailangan ko, kaya palayain mo na din ako. Wag mo na akong hahatakin dahil alam na alam mong di mo naman ako kayang panindigan, kahit kailan.




Jan 16, 2014
9:45am

Ang Pinapatay At Binubuhay


Ilang beses akong lumalayo. Ilang beses akong umiiwas. Ilang beses kong ginustong mawala ka na ng tuluyan. Hindi dahil di ka importante, mas lalong di dahil di kita mahal, yun kasi yung problema, mahal kita. 

Alam mo kung bakit gustong gusto kong lumayo sayo? Alam mo kung bakit pilit kitang iniiwasan? Alam mo kung bakit gusto kong mawala ka na ng tuluyan? Dahil higit kanino pa man, ako yung nagigipit! Dahil sa kada oras na ipaparamdam mong importante ako, yun din yung eksaktong oras na tinatanong ko yung sarili ko na kung totoo bang importante ako sayo o importante lang ako kapag wala na yung mga taong pinipili mo kaysa sa akin? Dahil sa kada panahon na maaalala mo ako, maiisip ko na yun din lang yung tanging panahon na maiisip mo ako dahil di ka niya, nila kayang pahalagahan. Dahil sa kada panahon na tatakbo ka papalapit sa akin, kahit na gustong gusto kitang ngitian, di ko magawa, kasi sa bawat pagtakbo mo sa akin, alam kong kailangan mo akong itago. Dahil sa kada pagkakataong isasampal mo sa akin yang feelings mo, sinasampal mo din sa akin yung katotohanan na hindi mo ako pwedeng piliin, kaya nga lumalayo e, kasi ayoko ding piliin ka, ayoko na. Kilala na kita e, pangalawa lang ako lagi sayo. Ako yung taong kailanman, kahit ilang pagkakataon na ang nagkaroon ka, hindi mo lang talaga ako mapili, kasi kahit nung umpisa pa lang, nung wala pa ang lahat ng taong yan, hindi mo naman ako pinili. Pangalawa lang ako, yung tipong kapag wala na ang ibang tao, saka mo ako maiisip. Hanggang dun lang ako sayo, tanggap ko na. Tanggap na tanggap.

Iwas ako ng iwas sayo, para asikasuhin mo yang buhay na pinili mo. Iwas ako ng iwas sayo, para unahin mo yang pinili mong mahalin. Iwas ako ng iwas sayo, para pahalagahan mo yang mga bagay na meron ka ngayon. Iwas ako ng iwas sayo, kasi alam kong kahit kailan, wala naman talaga. Kaya sige na, umiwas ka na din. Madali lang naman yun, kinaya mong di ako piliin ng paulit ulit, edi mas madali dapat sayong iwasan ako. Iwas ako ng iwas sayo para tuluyan ng mamatay yung feelings na 'to at lapit ka naman ng lapit para buhayin ng paulit ulit. Dapat masaya na ako e, dapat ayos na ako, pero paano ako makakabangon kung pilit mo akong hinahatak ng paulit ulit na hindi mo naman talaga ako kayang hawakan? Maduga ka, maduga ka lagi. 

Hayaan mo na ako. Kaya naman natin wala ang isa't isa. Sige na, umiwas ka na din. Wag mo na akong pahirapan.

Tuesday, January 14, 2014

Tongue In A Lung: Ang Philippines' Advertisements

Gusto ko lang i-share sa inyo yung isang bahagi ng buhay ko na medyo personal na hindi. Sobrang masaya lang kasi ako ngayong araw na ito.



Katulad ako ng madami, ordinaryong kabataan na gustong makaipon ng pera. Hindi naman kasi kami mayaman, hindi din mahirap. Tama lang, saktong nakakakain ng kahit ilang beses sa isang araw at may pambili ng mga kailangan at mga konting luho. Sa edad ko kasi, ayokong wala akong mapuntahan. Lagi ko kasing tinatanong yung mga mas matanda kong kaibigan "21 ka na, hindi ka ba natatakot na walang mangyari sa buhay mo?" at di ako makapagtrabaho dahil nga pinili kong magMedicine.

Nagkataon lang na noong March 2013, naisipan ko lang gumawa ng ibang account sa Instagram. Isa kasi ako sa mga taong nag-aadik sa pag-oonline shopping at wala talaga akong maipon dahil mahilig akong bumili ng kung ano-ano. Hindi ko din talaga alam paano eksakto nagsimula ito pero naisipan kong mag-organize ng grupo na parang mag-aambagan ang online sellers para makabuo ng pera para makabili ng gadget pang raffle na ibibigay sa mga followers namin. At tuloy-tuloy na. Nakabigay kami ng madaming Apple gadgets: Ipods, Ipad minis, Ipads at Iphone 5c. Ngayon meron pang Mac Book Air at Instax camera. At madaming madami pang susunod (sa tulong ng Diyos)

Nakakatuwa lang na hindi ko maisip na itong Philippines Advertisements na pinagtatawanan lang ng pamilya ko dati at mga kaibigan ko dahil sa kita kong halos tag-bebente kada araw nung nag-uumpisa ako, ito mismo yung nakapagbigay talaga sa akin ng tulong lalo na sa pera. Nakabili ako ng pangarap kong MacBook Pro at seryosong may ipon na ako. Yung iba ginagamit ko muna pang-enroll sa sarili ko at saka babayaran na lang daw ng papa ko kapag may pera na siya. Yung iba, nasa bangko. At yung iba pang pera, nakatulong na sa ibang tao, na ngayon may kakayahan na ako talagang makatulong lalo sa nagigipit. Yun yung pinakamasarap sa pakiramdam, yung panahon na alam ko kung gaano kahirap humanap ng pera, kaya ngayong meron ako, hindi ako magdadamot lalo dun sa talagang may kailangan. Sobra kasi ito, sobrang sobrang blessing ito!! Higit pa kasi 'to sa dinasal ko. Nag-uumapaw kaya nga hindi naman talaga naging masama ang 2013 ko, kasi sobrang sobrang di ko 'to inakala.

May tumawag sa akin kanina na taga-GMA Network at tinanong ako kung pwede akong mainterview para sa online selling under Instagram. Sobrang di ko lang inexpect. Sobrang sarap sa pakiramdam na yung pinagtatawanan lang ng madami dati, nakangiti na akong sabihin ngayon na akin ito. Hindi pa sigurado dahil sinabi ko na baka magka-issue sa DTI at tax pero masarap lang sa pakiramdam na kinikilala na ng ibang tao yung pinaghirapan ko, at ng mga empleyado ko. 

Kaya para sa akin, kung gugustuhin mo, may paraan. Hindi ka pwedeng maghanap ng rason kung bakit hindi pwede, kasi dapat humanap ka ng isang rason kung bakit pwedeng mangyari sayo yung isang bagay. Mas lalong naniniwala ako sa tamang panahon, sa panahon ng Diyos. Naniniwala ako na planado Niya ang lahat, tiwala lang at dasal. 

Salamat sa Diyos! The best Ka, Lord! Salamat po!

Monday, January 13, 2014

Ang Ayaw Mong Makita


Gusto mo akong makitang masaya na nandyan ka. Gusto mo akong masanay sa buhay na pinapaikot sayo ang lahat. Gusto mo akong makitang miserable habang ikaw nagpapakasasa sa kasiyahan sa paglayo sa akin. Gusto mo akong humahagulgol dahil iniwan mo ako, habang ikaw humahalakhak dahil sa wakas may nababaliw na tao para sayo. Gusto mong ikaw ang bida kahit sa kwento ng buhay ko. Gusto mong magkaroon ka ng papel sa buhay ko kahit pinili mong itapon ako.


Pero hinihilom ng panahon ang lahat. Ginagawa niyang ngiti ang mga luha, saya ang hagulgol. 

Ayaw mong makita pero ito na ako, nakangiti. Masaya na ako, masaya na ako kahit wala ka. Sanay na akong wala ka. Hindi mo na ako makikitang miserable sa paglayo mo sa akin, kasi ang totoo, nung nawala ka, nakita ko kung ano yung mga bagay at sino ang mga taong dapat sa buhay ko. Kung makikita mo man akong humahagulgol, siguro dahil sa kakatawa sa mga walang kwentang joke ng mga kaibigan ko o sa TV (Walang matamis na prutas sa taong bagong sipilyo. Huhuhuhu! Bentang benta lang 'to kaya shinare ko sa inyo). Naging bida ka sa buhay ko, pero tapos na ang kwento na yun. Tapos na ang papel mo sa buhay ko, nilukot ko na. 

Alam ko nahihirapan kang paniwalaan na yung taong gustong gusto mong masaktan, hindi na naaapektuhan sa trip mo, yung taong gusto mong humabol sayo ng humabol, biglaang tumigil, yung taong gusto mong mabaliw na wala ka, biglaang umayos kahit wala ka, yung taong gusto mong mahalin ka habambuhay, binitawan na yung pag-ibig na una mong pinakawalan. 

Para sa lahat, wag mong hahayaang mawala ka ng tuluyan dahil nawala sayo ang isang tao. Isipin mo na lang, kaya nawala yung taong yun, kasi may taong magpapaalam sayo kung bakit hindi ka kailanman magiging para sa ibang tao. Maniwala ka na may pag-ibig na nakalaan para sayo, yung totoo, yung di mawawala, yung di lilisan, yung di perpekto pero kukumpleto sa buhay mo, yung pag-ibig na pareho ninyong aalagaan buong buhay ninyo.



Sunday, January 12, 2014

Ang Pano Ba Mag Move On?


Siya:
Pano ba mag move on?

Tinanong niya ako. Napaisip ako pero wala e kasi ako mismo, di ko alam kung anong tamang isagot sa tanong na yan. Ang una ko talagang naisip "Okay lang kaya siya?" Pero ang nasabi ko na lang

Ako: 
Di ko alam. Keep yourself busy.


Nag-aalala ako. Sobrang nag-alala ako pero di ko alam paano sasabihin. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihing magiging maayos ang lahat. Gusto kong sabihin na kung ano man yun, nandito lang ako pero wala. Wala akong nagawa. Wala akong nasabi.

Matapos ang ilang araw. Tinanong ako ng kaibigan ko "Di kaya para sayo yun tanong na yun? Baka sayo niya gustong makalayo? Baka sayo niya gustong makalimot?" Natameme ako.

Baka nga. Baka nga. Baka nga ako yung parte ng buhay niya na gusto niya ng makalimot. Baka nga ako yung parte ng buhay niya na gusto na din niyang tuluyang mamaalam. Baka nga, ako.

Ako din, kailangan kong mag move on. Kailangan kong tanggapin ang katotohanang isang panaginip yun na kailanman, di naman talaga magiging totoo. Kailangan kong harapin na wala naman talaga akong mahahawakan sa lahat ng iyon, alaala lang. Kailangan kong tanggapin na ang feelings na yun, magbabago, kailangang magbago kasi wala akong choice. Wala akong choice kundi mawala. Wala akong choice kundi lumayo. Wala akong choice.

Alam mo ang mahirap sa pag momove on? Yung ayaw mo naman talaga. Ayaw mong bumitaw. Ayaw mong lumayo. Ayaw mong mawala yung taong yun pero wala kang choice. Kailangan mong bitawan lahat ng yun, kailangan mong bitawan lalo siya. Hindi ibig sabihin nun, bibitawan mo yung feelings mo sa kanya agad-agad kasi gago ka, niloloko mo sarili mo kung sasabihin mong liliparin agad yun. Umaasa ka na lang, umaasa kang dumating yung araw na masasanay kang mabuhay na wala na siya, na tanggap mong ang feelings na yun, di dapat alagaan pang-habambuhay, na di siya yung pag-ibig na para sayo. Isipin mo na lang, kung masarap na ang pag-ibig kahit sa taong mali, paano pa kaya kapag sa tamang tao na? 


PS. Ang hirap gumawa ng blog kapag di ka malungkot kaya nga di na ako nakakagawa pero masaya ako sa kung anong meron ako ngayon. Hindi ko na dapat isipin ang mga nawala, ang kailangang mawala. 

Friday, January 10, 2014

Vlog: Ang Reason



"Akala ko kasi yung love, kailangan mo siyang bigyan ng reason to love you pero ang love pala dapat kahit anong reason na meron siya para di ka mahalin, ikaw pa din yung pipiliin niya. Para sa akin yung totoong love, ang importanteng reason lang - mahal ka niya, kahit ano pa."


Sorry sa double chin at pambahay outfit.
Unang VLOG! Walang kwenta pero kanya kanyang trip!
Goodnight :)

Thursday, January 9, 2014

Ang Araw At Feelings

Ang feelings ko, parang araw lang.

Hindi naman talaga nawawala ang araw. Hindi naman talaga porke hindi mo nakikita, wala na siya. May dahilan ang araw kung bakit di mo siya masisilayan pero hindi ibig sabihin noon, mawawala na siya ng tuluyan sayo.

Ang feelings ko, parang araw lang.

Hindi naman talaga nawawala ang feelings ko. Hindi naman porke hindi mo ako makikita o makakausap, wala na 'to. May dahilan kung bakit di mo ako masisilayan pero hindi ibig sabihin noon, mawawala na ako ng tuluyan sayo.






Tuesday, January 7, 2014

Tongue In A Lung: What People Do When They Don't Really Love You

...When someone loves you, you will know it. If someone cares about you, they will find a way to be with you. If they do not, they’ll make excuses. Sometimes they won’t even be sure whether or not they love you, so you’ll see them going back and forth trying to figure it out...

Totoo, kung mahal ka talaga ng tao malalaman mo at eksaktong mararamdaman mo. Hindi yung iisipin mo kung totoo ba yun o nagkalokohan lang. Kung totoong gusto ka nung taong yun sa buhay niya, kahit ano pa yan, mag-iiwan siya ng lugar mo sa buhay niya. 


...But the truth is that what you’re holding onto is someone who doesn’t love you enough to put you first and make it work. And if I believe in anything, I believe that we all deserve to be with someone who wants to be with us as well.
Pwedeng mahal ka nga nung tao pero siguro, siguro lang, hindi sapat yun para piliin ka niya, di yun sapat para sumugal siya sayo. Higit sa kahit ano pang dahilan, naniniwala din ako na hindi pwedeng mahal lang natin tapos susugal ka ng walang laban, ng walang hinihingi. Hindi pwedeng ikaw lang ang pupusta, dapat siya din kayang pumusta sayo. Lahat tayo karapat dapat mapunta sa taong gusto tayo sa buhay niya, at gusto din natin sa buhay natin.

So what we have to learn to do is to accept the love we aren’t given... People can love you a little bit, and they can love you enough but not enough to make it work...
Madaling tanggapin kung mahal tayo talaga ng isang tao, pero ang kailangan nating tanggapin yung pag-ibig na hindi kayang ibigay satin. Kahit sino pwede tayong mahalin, pero hindi laging magiging sapat yun para 

...You do not need somebody else’s love to be whole. You do not need their permission to go on with your life. What you do need is your own love. You need to let yourself go on. Their love isn’t stopping you, because that love doesn’t exist. It is only you who is holding onto what you believe should be. And what you will realize, sooner or later, is that most of your life is defined and chosen by what you compel yourself to believe should or shouldn’t be. Release yourself from the cage you built. You hold the key to your own freedom.
Mahalin mo yung sarili mo. Hindi mo naman talaga kailangan ng pag-ibig mula sa isang tao para mabuo ka. Hayaan mo ang sarili mo. Hindi ka pinipigilan ng pag-ibig niya, kasi kailan man, hindi naging totoo ang pag-ibig na yun, inaakala mo lang yun. Ikaw lang ang naman talaga yung nagbibigay pag-asa sa sarili mo. Ikaw ang pumipili sa kung ano ang gusto mo at hindi sa buhay mo. Ikaw lang ang magpapalaya sa sarili mo.

Gustong gusto ko lang 'tong mga linyang 'to. Piliin mong mahalin ang sarili mo dahil higit kanino pa man, ikaw at ikaw ang bubuo sa buhay mo. Pinipili mo ng paulit ulit kung ano ang mahalaga, hindi mahalaga at dapat hindi maging mahalaga. Piliin mong buoin ang sarili mo. Piliin mong pakawalan ang pag-ibig na inaakala mong totoo dahil kung totoo sayo ang isang tao, papatunayan niya yun, pipiliin ka niya, walang rason ang magpapalaho nun, dahil ang tunay na pag-ibig, pag-ibig lang, walang kundisyon. Hayaan mo ang sarili mong kumawala sa taong akala mong minahal ka, hayaan mo ang sarili mo. Darating ang tao na talagang mamahalin ka, hindi lang yung papaniwalain mo ang sarili mo. Hayaan mo na siya. Hayaan mo ang sarili mong makamtan ang pag-ibig na karapat dapat na para sayo.

Quoted lines are from What People Do When They Don't Really Love You by Brianna Weist. If you want to read the whole article, click here

Monday, January 6, 2014

Ang Maduga


Ikaw:
Hindi ka pa nga okay kay * tapos ano yang feelings mo sa akin? Ang gulo mo.

Ako:
Maduga ka! Sasabihin mong magulo feelings ko dahil iniisip mong di pa ako okay kay * tapos may feelings ako sayo e mas magulo ka kaya. May jowa ka, sasabihin mong may feelings ka sakin. Edi mas ka!



Alam mo kung ano ang mahirap sayo? Lagi mong kini-question yung feelings ko. Laging sa tingin mo alam mo ang eksaktong tumatakbo sa isip ko pero hindi. Wala ka pa sa katiting na nalalaman sa mga salitang dumadaloy sa utak ko, wala ka pa sa gatungaw na ideya na meron ako tungkol sa nararamdaman ko. 

Alam mo ang mas mahirap dun? Akala mo yung feelings ko yung magulo, akala mo ako yung magulo pero hindi. Ikaw. Yung feelings mo. Yung feelings mo para sa kanya, at kung totoo mang merong para sa akin.

Hindi ko naman talaga dapat problemahin 'to. Ang ayoko lang, maduga ka! Maduga ka para husgahan ang feelings ko. Kung anong meron ako para sayo, malaya kong magagawa ang kahit ano dahil malaya ako, dahil wala akong kailangang panindigan kahit kanino. Mas maduga ka kasi ikaw yung salita ng salita tungkol sa feelings at sa parehong pagkakataon, iisipin ko ba kung totoo yung mga yun dahil habang sinasabi mong gusto mo ako at importante ako sayo at mahal mo ako, may tao kang hinahawakan, may jowa ka. At sa ilang beses mong kayang sabihing mahal mo ako, hanggang salita ka lang, hanggang dun ka lang pagdating sa akin. Sa kada sasabihin mong mahal mo ako, kumakapit ako sa pag-asang malabo pa sa putik, at sa parehong pagkakataon, salita lang pala yun sayo, salita lang at walang halong pag-asa. Kaya nga ang duga-duga mo kasi alam mong kaya kong ibigay yung buo sayo, kaya kong piliin ka, pero ikaw, ni hindi mo naman talaga alam ang feelings mo, ni hindi mo ako kinayang piliin kahit isang beses. 

Maduga ka! Maduga yung pag-ibig mo. Maduga ka kasi di ko na alam ang totoo at hindi. Maduga ka kasi mas magulo ka pa sa lahat ng pinaghalong exam ng Pathology at Pharmacology. Pwede mo namang derechuhing wala, wala namang problema kung nagkalokohan lang. Pwede mo namang sabihing nabigla ka lang, o nadala ka lang ng pagkakataon noon, hindi yung pati feelings ko poproblemahin mo kasi ang totoo, yung feelings mo nga hindi mo kayang ayusin, kaya lalong di mo kailangang problemahin ang feelings ko. Ni hindi ko nga naiiisip kung ano mang feelings meron ako sa ngayon, kasi kahit sayo, wala akong kailangang iexplain o patunayan. Kasi kahit ikaw, simula pa lang malabo ka naman, malabo naman ang feelings mo. Kaya 'tong feelings ko, ako lang ang makakaalam kasi maduga ka, madugang maduga.

Sunday, January 5, 2014

Ang Kung Ako Sana


Kung ako sana pinili mo, di ka sana nasasaktan ngayon.

Kung ako sana pinili mo, di ka sana umiiyak ngayon.

Kung ako sana pinili mo, di ka sana nahihirapan ngayon.

Kung ako sana pinili mo, di ko sana kailangang lumayo sayo.

Kung ako sana pinili mo kaso hindi, kaso kahit isang beses sa madaming pagkakataon natin, di mo ako nagawang piliin. 

Mahal mo lang ako at gusto mo lang ako, pero hanggang salita ka lang kasi kahit kailan, di mo ako kinakayang piliin kahit ikaw ang lagi kong gustong piliin. Di mo ako mapili kasi mas mahal at gusto mo sila higit sa akin.

Kaya sige, kung kaya mo na akong piliin dahil wala na sila, wag ka mag-alala, ngayon kasi di na kita gustong piliin.

Friday, January 3, 2014

Ang Di Niya Kayang Piliin


Burahin mo ang numero niya sa cellphone mo.
Kung memorado mo, kalimutan mo. Subukan mong kalimutan.

Huminto ka sa pagtawag sa kanya. Huminto ka sa pagtetext sa kanya. Huminto ka sa paghanap ng mga dahilan para makausap siya, para kamustahin siya.

Kalimutan mo ang pangalan niya. Ilayo mo ng tuluyan ang sarili mo sa buhay niya, umalis ka sa buhay niya sa paraang gusto mo, pero umalis ka ng tuluyan dahil yun ang karapat dapat para sa kanya. Kalimutan mo siya, kalimutan mo ang lahat ng nangyari para siya din makalimutan ka, makalimutan ang lahat ng nangyari. Kapag ipipikit mo ang mata mo, wag mo ng subukang alalahanin ang mukha niya. Hindi na pwede. Hindi mo na iisipin yung kagustuhan mong makasama siya, kahit minsan. Hindi mo na iisipin kung ano kayang pakiramdam kapag nakita mo siya sa personal, kung gaano kayo pwedeng sumaya kapag magkasama kayo. Hindi mo na siya pwedeng isipin, hindi mo na din pwedeng isiping mahal ka niya.

Mahal ka niya.

Mahal ka niya, matagal na. Matagal na mga taon na.

Kaya ngayon, kalimutan mo ang paraan ng pagtawag niya ng pangalan mo. Kalimutan mo kung sa paanong kapag siya ang tumatawag sayo sa pangalang ayaw mong matawag ka, napapangiti ka. Kalimutan mo na kung paano niya sabihin ang pangalan mo sa telepono. Kalimutan mo na sobra kang napapasaya ng kahit na mga walang kwentang salita niya na bumubuo sa araw mo. Kalimutan mo na kung sa paanong paraan niya sasabihing namimiss ka niya. Kalimutan mo na ang pangalan mo na ni-lettering niya, na sa palagay nya tagilid. Kalimutan mo na ang blogs niya. Kalimutan mo ng silipin siya. Kalimutan mo na.

Kalimutan mo na siya.

Tama na ang alalahanin mong naging parte siya ng buhay mo pansamantala, pero bitawan mo na ang lahat ng pag-asa mo na magiging parte pa siya ng buhay mo sa ibang pagkakataon, sa ibang panahon - sa sinasabi mong tamang panahon, sa sinasabi mong panahon na kaya mo na siya piliin, sa sinasabi mong panahon na handa ka na. Hindi makatarungan na papasok ka at lalabas sa buhay niya kung gugustuhin mo, kung naisipan mo. Hindi makatarungan na sasabihin mong tanggap mo kung ano kayo ngayon at darating yung panahon na magiging tama para sa inyo. Hindi makatarungan na sasabihin mong ilang taon na lang siya na yung kaya mong piliin. Hindi kailanman magiging makatarungan. Hayaan mong lumaya ang feelings niya. Hayaan mong unti-unting liparin ang lahat ng nararamdaman niya sayo. Hayaan mo naman na magmahal siya at mag-aruga ng ibang tao na talagang karapat dapat. Hayaan mo naman na ibigay niya sa iba ang kaya niyang ibigay sayo, kasi ikaw naman yung di kayang piliin siya.

Wag mong sasabihin sa kanya na lagi mo siyang naiisip. Wag mong sasabihin sa kanya na naiinggit ka dun sa taong nakasama niya, kasi mali ka ng pinili, na sana siya yung pinili mo, pero iintindihin mo basta magiging parte ka pa din ng buhay niya kahit meron na siyang iba. Wag mong sasabihin sa kanya na hindi ito ang tamang panahon para sa inyo, pero mas lalong wag mong sasabihin na darating ang tamang panahon para sa inyong dalawa. Walang magiging tamang panahon. Hindi siya dapat mag-antay sa panahon na sinasabi mo. Hindi kailanman. Hindi dapat. Dapat hindi.

Wag mong sasabihin sa kanya na gusto mo siya sa buhay mo habang humahawak ng iba pang tao. Wag mong sasabihing gusto mo siya, lalo na alam mong di ka niya pwedeng gustuhin. Wag mong ipaparamdam na ninanais mong magkaroon ng karapatan sa kanya, kasi alam mong di mo siya kayang bigyan ng karapatan. Wag mong sasabihing mahal mo siya habang sinasabi mo din sa isa pa na mahal mo din siya. 

Ang sinasabi mo kasi sa kanya ay gusto mo siyang maging option, na kaya mo siyang i-take for granted, na gusto mong nandyan lang siya sayo, na nandyan lang siya kapag gusto mong nandyan siya, na pag lubog ng araw, kapag magpaparamdam ka sa kanya, gusto mong pansinin ka niya. Hindi ito "feelingera", ito lang yung nararamdaman niya sa mga salita mo. Hindi mo lang napapansin. Kapag binitawan ka ng taong kasama mo ngayon, na kapag binalewala ka na, na kapag di ka na kayang pahalagahan, tatakbo ka sa kanya kasi alam mo sa kanya, kayang kaya niyang ibigay yung buong buo niya sayo, kahit lagi siyang may kahati sayo.

Kaya niyang ibigay ang buong buo niya sayo.

Yan lang siya sayo, sa halos buong panahon na magkakilala kayo: siya yung taong alam mo na may pag-asa ka lagi sa kanya, siya yung tao na kayang tanggapin na may kahati siya lagi sayo pero sa parehong pagkakataon, bibigyan at bibigyan ka niya ng chance, siya yung taong alam mong nandyan lang kaya kung may iba kang tao na sa tingin mong mas higit sa kanya, aabutin mo, kasi alam mong paglingon mo, nakangiti lang siya sayo. 

Takot kang matunaw sa kanya. Yan ang laging nananaig sayo: Takot. Duwag ka. Gago ka. Takot kang pakawalan siya, takot kang bitawan siya pero sa parehong pagkakataon, takot kang piliin siya, takot kang mahalin siya ng tuluyan, takot kang unahin siya. 

Takot ka.

Kaya nga kung hindi mo siya kayang piliin ngayon, mas lalong di mo kakayaning piliin siya sa susunod. Kaya nga walang tamang panahon, kasi wala ng mas tamang panahon kaysa sa ngayon, at ngayon di mo siya kayang piliin, di mo pa din siya kayang piliin. Kaya nga dapat lumayo ka na sa kanya ng tuluyan at wag na ulit magtangka pang lumapit, kahit kailan.



Di mo man ako kayang piliin, alam ko darating yung panahon na di na din kita kayang piliin. 
Tama na yung chances. Tama na yung pinili kita ng ilang beses.


Inspired by S.K's work. (some of it)

Wednesday, January 1, 2014

Ang Mga Sinabi Mo



Sabi mo sa akin magiging maayos ang lahat. Pero ikaw ang umiiyak. 

Sabi mo sa akin kailangan mo ng oras at kalayaan. Pero ikaw ngayon ang humihingi ng oras ko.

Sabi mo sa akin nawala ka nung nandito ako. Pero ngayon nawawala ka na wala ako.

Sabi mo sa akin mas masaya ka na wala ako. Pero ngayon gusto mong sumaya na nandito ako.

Sabi mo sa akin buong buhay mo akong gustong makasama. Pero mas ginusto mong makasama siya.

Sabi mo sa akin pipiliin mo ako lagi. Pero pinili mong mawala ako.

Sabi mo sa akin bitawan ka. Pero ikaw ngayon ang kumakapit.

Sabi mo sa akin mahal mo ako. Pero... sinabi mo lang pala.

Ang Pagiging Masaya



Happiness is a choice.

Iisang bagay lang ang pareho sa ating lahat, meron tayong lahat 24 hours sa isang araw. Mayaman o mahirap, nasa Pilipinas ka man o nasa ibang bansa, Katoliko ka man o Muslim, mataba ka man o payat, lalaki o babae, bakla o tomboy, kapamilya o kapuso, hindi mo mabubura ang katotohanang meron lang tayong 24 na oras sa isang araw. Ang pagkakaiba lang natin ay kung paano natin gagamitin ang kakaunting oras na yun.

Walang perpektong oras na puro kasiyahan lang ang mararamdaman mo. Walang tao na hindi makakaranas ng problema. Walang kahit na sino ang puro kasiyahan lang ang mararamdaman. Ang mahalaga, mas pipiliin mo ang mga rason para sumaya. Mas papahalagahan mo yung mga bagay na magpapasaya sayo. Kung di mo kaya, at kailangan mong umiyak, iyak lang, kung gusto mo humagulgol ka sabay gulong sa lapag pero tandaan mo, sayang ang maikling oras mo kung uubusin mo lang kakaiyak. Dapat isipin mo na kahit anong iyak mo, may mga bagay na hindi na talaga pwede o hindi talaga para sayo. Na kahit umiyak ka na ng dugo, hindi mo mababago ang lahat ng bagay. Na kahit ubusin mo lahat ng tubig sa katawan mo kakaiyak, lalo mo lang hinahatak ang sarili mo sa kalungkutan. 

PILIIN MONG SUMAYA. Wag mong idepende ang kasiyahan mo sa ibang tao. Pasiyahin mo ang sarili mo, humanap ka ng rason para ngumiti. Wag mong pahalagahan ang mga bagay na masasakit, ang mga bagay na nakakaiyak, bagkus, yakapin mo ang mga dahilan kung bakit ka ngingiti. Kung sasabihin mo sa akin na ang dami kasing rason para maging malungkot ka, humanap ka ng ISANG RASON PARA SUMAYA. Hindi mo kailangan ng madaming rason para sumaya. PILIIN MO YUNG ISANG RASON NA YUN, PANGHAWAKAN MO BUONG BUHAY MO PARA KAHIT ANONG MANGYARI, KAHIT ANO MAN ANG PINAGDADAANAN MO, NAKANGITI KA PA DIN.

Pinipili kong sumaya. Sana ikaw din. Sana kayo din. 
Para 'to sa masayang 2014 para sa ating lahat.
Panginoon, Ikaw na po ang bahala.