Saturday, September 20, 2014

Ang Perpekto At Di Perpekto

Nakita kitang perpekto, minahal kita. Nung naranasan ko yung mga bagay na magaganda sayo, minahal kita. Nung naramdaman ko yung mga bagay na maipagmamalaki mo, minahal kita. Nung nginitian mo ako, minahal kita. Nung niyakap mo ako, minahal kita. Nung binigyan mo ako ng panahon, minahal kita. Nung maayos ang lahat, minahal kita.

Nakita kitang di perpekto, mas minahal kita. Nung mas nakikilala kita, mas minahal kita. Nung mas nakita ko yung ikaw, mas minahal kita. Nung nalaman kong mahina ka din pala, mas minahal kita. Nung naramdaman kong may panahong di laging maayos ang lahat, mas minahal kita. Nung oras na akala mo di ko kayang yakapin ang mga bagay na kinakatakutan mo, mas minahal kita. Nung nakita kong di magiging madali ang lahat, mas minahal kita.

Nakita kong perpekto ka kaya minahal kita. Pero nung nakita kong hindi ka pala perpekto, mas minahal kita. Hindi ito yung pag-ibig na pipiliin ka dahil lang sa mga bagay na magaganda, masasaya at madadali. Ito yung pag-ibig na pipiliin ka ng paulit-ulit araw-araw, kahit ano pa, kahit anong mangyari, nandito lang at di mawawala.


PS. Tanggap kita ng buong buo, yung nakaraan mo, yung ngayon at yung mga bukas. Nandito lang ako, di ako mawawala, Singkityyyy. 

Thursday, September 18, 2014

Ang Namimiss


"Gumagawa ka lang ng rason para mainis sa kanya pero ang totoo, namimiss mo lang siya."

Siguro nga, pero siguro hindi na kami talaga ayos. Siguro kasi nagsasawa na siya. Siguro nagbago na talaga siya. Siguro kasi di na katulad ng dati. Siguro di na niya na-appreciate yung ginagawa ko para sa kanya. Siguro kasi malayo kami. Siguro kasi wala ako sa tabi niya. Siguro kasi di ako makakatulad ng iba na isang lingon niya, nandun na. Siguro kasi...

Baka nga, pero hindi. Alam kong hindi. Alam kong ayos kami. Alam kong hindi siya nagsasawa. Alam kong walang nagbago, kung meron man, yun yung bagay na mas nakilala namin isa't isa, at kung anong meron noon, mas naging matibay pa ngayon at lumalim. Alam ko kasi di na katulad ng dati, kasi kung anong meron ngayon, ito yung bagay na alam kong pipiliin namin araw-araw, hindi katulad ng dati na hindi pwede. Alam kong kahit yung pinakasimpleng ginagawa ko para sa kanya, kahit papaano, napapasaya siya, hindi man niya sinasabi, nararamdaman ko. Alam namin na malayo kami, alam kong malayo kami, pero kailanman hindi ito yung magiging rason para bitawan ko yung taong kayang kaya akong pasayahin, malayo man o malapit. Alam kong wala ako sa tabi niya, alam kong wala ako mismo sa gilid niya sa oras na gugustuhin niya, pero kailanman, hinding hindi ko hahayaang maramdaman niyang nag-iisa siya, kasi nandito lang ako, nandito lang. 

Siguro nga gusto ko lang humanap ng rason para mainis sa kanya. Baka nga. Pero ito lang ang seryosong alam ko - Oo! Namimiss ko siya. Namimiss na talaga.


PS. I will never choose a life without you. I have chosen you before, and my heart chooses you now. I'm blessed to have this kind of love, Singkityyyy. I don't want to lose you. I'll always choose you.