Friday, September 27, 2013

Ang Di Dapat Malungkot

Bakit ka umiiyak? Bakit ka nalulungkot? Bakit nawawala yung ngiti mo? Bakit? Bakit? Bakit?

Bakit mo hahayaang punuin ang sarili mo ng mga ideya na masasama, na masasakit? Bakit nilulunod mo ang sarili mo sa mga bagay na nakakapagpalungkot lang sayo? Bakit mo inaalis ang ngiti mo? Bakit mas pinapahalagahan mo ang mga bagay na di naman mahalaga? Akala mo lang mahalaga. Bakit imbes na nakalabas ang ngipin mo kakatawa, tinatakpan mo ng panyo para lang umiyak? Bakit kailangang maging malungkot?

Di ka dapat malungkot. Di mo dapat ikalungkot ang mga bagay na nagpapabigat ng loob mo. Mahirap na nga ang sitwasyon, mas pinapahirapan mo pa ang sarili mo kakaisip ng mga bagay na masasakit. Umiyak ka kung kinakailangan. Masaktan paminsan minsan pero tandaan mo, happiness is a choice. Kung gusto mong sumaya, piliin mong pahalagahan yung mga bagay na magpapasaya sayo. Piliin mong maging masaya.

PS
Dapat lahat tayo masaya. Sumaya ka na. Ako naman susunod. Pinipili ko na maging masaya


Wednesday, September 25, 2013

Ang Pinapakawalang Singsing


Singsing: Nawala ako, Daliri. Gusto ko muna ng oras at panahon. Yung ako lang. Pwede mo ba akong antayin? 

Tameme si Daliri. Ang dami niyang gustong itanong. Ang dami niyang gustong sabihin pero ito lang ang nabigkas niya...

Daliri: Kung yan ang magpapasaya sayo. Mahal kita pero ang sakit sakit lang nito.

Singsing: Ang sikip na, Daliri. Di ka ba nasasaktan? Di ka ba nahihirapan? Ayoko na! Mas magiging madali ang lahat kung kumawala na tayo sa isa't isa. Mas magkakaoras ka sa paggawa ng maraming bagay. Ayoko na pala. Paalam, Daliri! Mag-ingat ka.

At bumitaw si Singsing. Di lumingon. Di tumingin pabalik sa Daliring iniwan niya. Walang ibang mga salita. Walang ibang pinakinggan.

Walang nagawa si Daliri kundi bumulong sa hangin...

Daliri: Sikip na sikip ako pero kaya ko ang lahat maisuot ka lang, maisama lang kita sa araw-araw. Nasasaktan at nahihirapan ako 'pag pakiramdam ko ipinipilit na lang kitang magkasya sa mataba kong daliri pero mas pipiliin ko yung buhay na kasama ka. 

Hindi ko kailangan ng buhay na madali, gusto ko lang yung buhay na kasama ka. Hindi naman ibig sabihin magiging madali ang lahat, di din naman puro hirap lang. Ang alam ko lang, gusto kong kayanin ang lahat basta nandiyan ka.

Di mo alam kung gaano kita gustong habulin at piliting wag bumitaw pero parang mas kakayanin ko na ako ang umiyak at masaktan dahil iniwan mo ako kaysa ikaw ang masaktan dahil nandito pa ako sa buhay mo, dahil pinipilit mo na lang pala ang sarili mo na wag akong bitawan. Ang sakit sakit lang pero diba sabi ko naman sayo, ipangako mo lang na di mawawala ang ngiti mo sa mukha mo, okay na ako dun. Mas kakayanin kong makita kang masaya na wala ako kaysa nasa akin ka nga, di ka naman na pala masaya.

Inisip kita. Inisip ko ang kapakanan mo. Inisip ko ang kasiyahan mo. Inisip ko kung anong magpapadali ng buhay mo. Inisip kita nang inisip na nakalimot akong pangalagaan naman yung sarili ko, na mag-iwan ng konting pag-ibig sa sarili ko. Nakalimutan kong dapat maging "OKAY" din ako

Naalala mo nga ako kahapon. Pansin kong masaya ka. Sapat na yun sa akin. Naibigay ko na ang sobra pa sa dapat kong ibigay. Siguro panahon na din para tuluyan kang pakawalan. Hindi man ako katulad mong "okay" sa ngayon, naniniwala na lang ako na sa panahon ng Diyos, masasanay din ako sa buhay na wala ka. Makakangiti na di ka na maiisip araw-araw. Kakain na di hihilingin na sana napapatikim ko sayo yung masasarap na natitikman ko. Sa ngayon, kuntento akong masaya ka. 


Para sa lahat:
Kung may singsing ka sa daliri ngayon, please lang wag mo siyang papakawalan. Hindi ka dapat nagdedesisyon kung anong makakabuti sa kanya. Kung tunay ang pag-ibig, di basta basta binibitawan.

Monday, September 23, 2013

Ang Huling Sulyap


Sampung segundo lang. Promise!
Isa.
Dalawa.
Tatlo.
Apat.
Lima.
Anim.
Pito.
Walo.
Siyam.
Sa-
a
a
a
am...

Ayokong tapusin ang pagbibilang. Ayokong matuto kung pano tapusin ang pagbilang. Habang buhay akong susulyap pero sa kada oras na maiisip ko yung hiling mo na mawala ako sa buhay mo, yung kada oras na di ka na masaya, yung kada paghawak ko sayo habang binibitawan mo ako, yung kada oras na mababalik ako sa panahong gusto mo na akong mawala, wala akong magawa. Pati sulyap tinatanggalan mo ako ng karapatan. Pati sulyap pinagdadamot mo.

Isang sulyap pa. Isang sulyap na lang. Isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa, at isa pa. Hanggang ako na mismo ang magsabi ng sampu kahit di pa man nag-uumpisa ang pagbilang ko. Hanggang matutunan kong palayain ka ng tuluyan.

Ang hirap lang. Ang hirap hirap hirap lang :'(




Saturday, September 21, 2013

Ang Party



Parati na lang akong nag-iisa. Parati na lang akong naiiwan. Parati na lang akong binibitawan. Parati na lang di ako sapat kahit na ibigay ko ang lahat. Parati na lang akong tinutulak palayo kahit na wala akong ibang gustong gawin kundi manatili. Parati na lang akong umaasa sa wala. Parati na lang akong magpapakatatag kahit sa loob ko, gusto ko nang gumulong sa lapag kasi di ko na talaga gustong kayanin. Parati na lang akong umiibig at parati ko lang iyong iniigib sa ibang tao. Parati na lang akong kakapit at lalapit, at parati din akong sumasabit at kumakabit. 

Parati na lang kaya ako'y paparty na lang. Kada lagok ng alak, hiling na dumating ang panahon na may isang taong parati akong pipiliin. Kada indak sa tugtog, sabay ang kabog ng dibdib na sana'y sa susunod na tumibok dun sa taong di lang 'to papatibukin, yung taong di din sana ito tatakbuhan. Kada kanta sa musika, sigaw sabay pikit na sana, sana lang, dumating ang panahon na maalis ako sa party na 'to, mawala ang mga parati at malalaman ko kung bakit di ako para sa ibang tao. Sana lagi siyang andyan di lang sa party, kundi parati.

Sana yung magiging importante yung pag-ibig namin sa isa't isa.