Monday, December 30, 2013

Ang Pamamaalam Sa Taong 2013


2013,

Sobrang kakaiba ka. Ang sarap ng simula mo. Totoo lang, yung unang gabi ng 2013, hindi ko makalimutan yun dahil na-spend ko yun kausap yung taong ginusto kong makasamang magsimula ng mga susunod pang mga taon sa buong buhay ko pero, di pala lahat ng kasama mong magsimula ng taon, makakasama mo din hanggang matapos yun. 

Ang saya ng simula mo pero nitong mga huling buwan, ito yung masasabi kong pinakamahirap na taon ko sa buong buhay ko sa ngayon. Kung gaano ka-imposibleng perpekto yung 2012 ko, binawi mo lahat. 

Hindi ako nag-council. Lumayo ako sa madaming tao. Iniwan niya ako. Higit pa dun, nabitawan ko yung Medisina. Na-irregular ako at hanggang ngayon di ko alam paano ko hahatakin yung sarili ko pabalik sa Medisina.

Buong buhay ko, gusto kong parte ako ng council, kahit di ako laging manalo, wala akong pakielam, basta go lang. Tumakbo lang. Subukan lang, pero unang beses na di ako sinuportahan ng taong akala ko higit kanino pa man, iintindihin ako, pero okay lang. 

Lumayo ako kahit sa iba kong mga kaibigan, lalo kay Poks at E, kasi gusto kong pangalagaan yung relasyon na meron ako. Na sige lang, mawala muna yung iba, wag lang siya pero sa huli pala, ibigay mo man lahat, gawin mo man lahat, makakahanap pa din siya ng dahilang iwan ka. Ang pinakamatindi dun, sinimulan ako ng Midterms, hanggang 1-2weeks bago Finals. Congrats sa concentration ko, walang wala. Hagulgol lang. Na-irreg ako. Di ko sinisisi sa ibang tao, ako talaga may kasalanan. Masakit lang. Hanggang ngayon di ko alam paano ko babawiin lahat ng nawala, lalo sa pag-aaral ko. Hindi ko alam paano ko hahataking maging okay ako ulit, makakuha ulit ng matataas na grades. Walang wala.

Pero itong taon ko din napatunayan, na ang may karapatang mahalin ko, yung mga taong di ako iiwan. Yung ako ang pipiliin. Yung hahawakan ako, kahit anong mangyari. Kumbaga, kung sinong darating, hahayaan ko. Kung sinong gustong umalis, hahayaan ko. Kung sinong gustong manatili, hahayaan ko. Kasi sa huli, ang dapat kong mahalin at pahalagahan, yung mga taong di ako iniwan. Ang pag-ibig kasi, di yan pag-ibig kung umaalis. Ang pag-ibig mananatili kahit sa hirap o ginhawa, walang dahilan, walang rason. 

Masaya akong magpapaalam sayo, 2013. Masaya na din akong isasama ko sa pagpapaalam ang mga taong kailangan ko na ding matutunang alisin sa buhay ko. Naging masaya naman ako sa kanila, sadyang hindi na lang tama na itatago ko sila sa puso ko. Salamat sa tinuro mo ngayong taon. Sana mas mamahalin ako ng 2014.

XOXO,
Opmaco

Naeexcite na akong mapuno ng lettering ang bago kong planner. Salamat sa Bebe sister ko.



Saturday, December 28, 2013

Ang Nauna




Gusto sana kitang sabayan buong buhay ko. Sobrang gusto kong hawakan yung kamay mo, at wag kang pakawalan kahit kailan. Napangiti lang akong makita ka at ayokong mawala yung ngiting dinala mo. Hindi ko din alam anong nakita ko sayo, pero ikaw yung hinahanap hanap ko. Hindi ko din alam anong meron sayo, pero gustong gusto ko lang na nandyan ka. 

Sinubukan kitang sabayan, kaso nakita kong may kamay ka palang kahawak, tapos nginitian mo ako. Napaurong ako pero sa parehong pagkakataon, inabot mo ang kamay mo sa akin ng patago. Hindi ko natanggihan, hindi kita tinanggihan. Sinubukan mong hawakan din ang kamay ko kapag di siya nakatingin. Kinakausap mo ako kapag hindi niya alam. Binibigyan mo ako ng oras kapag wala siya. Pinapasaya mo ako kapag nakapikit siya. Minamahal mo ako gising man siya o tulog pero di mo pwedeng isigaw. Naintindihan ko. Kuntento ako. Nakuntento ako sa pag-ibig mong patago kasi ni minsan di ko naramdamang merong "kayo". Ni minsan di mo pinaramdam na mahal mo siya habang mahal mo din ako (kahit na alam kong mahal mo naman siya, kahit kaunti). Ni minsan di mo pinaramdam na kabit lang ako, kaya ibinigay ko sayo ang lahat-lahat ng buong buo.

Hinayaan ko ang lahat. Sige pa. Tuloy lang. Mahal kita e. Mahal mo din naman ako kahit mahal mo din siya. Ayos lang, kuntento ako. Kaya sige pa, sige pa, ituloy pa natin 'to. Pag-ibig 'to, bat natin pipigilan? Kaso may biglang humawak sa balikat ko sabay bulong:

May nauna na e! Bigay mo na sa kanya.



Napatigil ako. Napahinto ako. Natameme ako. Oo nga noh! kahit anong pagpaparamdam mo na mahal mo ako, hindi mawawala ang katotohanang kayo. Kahit anong sigaw ko na mahal kita, hindi nito kayang sabayan ang bulong niya na mahal ka niya. Kahit anong hawak ang gawin ko sayo, hanggang likod lang ako kasi siya pa din, siya pa din ang may karapatang humawak sayo ng harapan sa lahat ng tao. Nandito lang ako sa pag-ibig na dapat itago, nandito lang ako sa pag-ibig na binubulong at tinatangay ng hangin. 

Oo nga noh! nauna siya e. Nauna kayo. Nauna siya kaya kailanman di pwedeng ako. Nauna kayo kaya kailanman di pwedeng tayo. 

True love na sana, pabulong lang. True love na sana, patago lang. True love na sana, di lang pwede. True love lang sana, nauna lang siyang nakilala mo. True love na sana, nahuli lang ako ng dating. True love na sana, nauna lang siya, nauna lang kayo, kaya sige, ibabalato na kita sa kanya. 

For PNO. I love and missed you! Super nag-enjoy ako sa bonding kagabi with Wisdom loveys. Hayaan mo na si S, hahayaan ko na din si *. We both deserve a kind of love na tayo lang any pipiliin, sa atin lang. Alam mo yun. See you soon!  

Friday, December 27, 2013

Ang Lintik Na Mga Salita

From the book: "I wrote this for you: Just words"


Ang totoo lang, walang kahit anong rason na manggagaling sa bibig mo ang kayang mag-alis lahat ng sakit. Walang kahit anong manggagaling na salita sayo ang kayang burahin lahat ng nangyari. Walang kahit anong lintik na pangangatwiran mo ang kayang magpakalimot sa akin ng lahat-lahat.

Di ko alam kung bakit ang dali para sayong mangatwiran. Hindi ko alam kung bakit parang ang dali para sayong magsabi ng kung ano-ano. Dati sasabihin mong "Kailangan mo kasi ng oras." naging "I need my time and my space." naghanap lang pala ng space at oras para makakapit sa ibang tao, wala kang narinig sa akin, naging "Di ako bumabalik." naging "Please bigyan mo ako ng chance." naging indian sa usapan, lumipas ang dalawang araw, na hinayaan pa akong mag-post sa blog bago nangatwiran "Sorry! kasama ko kasi ang pamilya ko noon." Tapos nagparamdam ka na naman kagabi para lang sabihing "I need to prioritize. Council ako at member ng sports club." Lintik na alam mong kaya kong intindihin lahat noon. Lintik na ni hindi mo ako pinayagang tumakbo sa council kahit alam mong buong buhay ko, parte ako ng council. Lintik na kaya kong ibigay yung oras ko, na kada Friday nung first year, di ako papasok kasi gusto kong may oras para sayo, pero ano? kahit isang text, hirap na hirap kang ibigay sakin noon, pero lintik na wala kang narinig. Lintik na laging bida yang "Ang hirap kasi ng course ko, sobrang busy" na kinalimutan mo ang lintik na katotohanang Medicine student ako, pero lintik na ni kailanman wala akong sinabing busy ako. Sakim ka. Laging ikaw ang bida. Lintik na hinayaan ko ang lahat ng yun. Lintik na hinayaan kita ng paulit ulit. Lintik na mga dahilan mo. Lintik na mga salitang galing sayo. 

Kasi kahit anong sabihin mo, di mo na maibabalik lahat ng luha ko. Kahit anong salita mula sayo, wala ni isa dun ang kayang magbago ng lahat ng nangyari nung binitawan mo ako. Kahit anong pangangatwiran mo, hindi mo maaalis yung sakit sa akin. Kahit baliktarin mo ang mundo, hindi ko kailanman maiintindihan kung bakit mo ako iniwan. Kahit anong lumabas galing sayo, walang rason para saktan mo ako, para piliin mong saktan ako. Kahit anong lintik na kaya mong banggitin, wala ni isa ang kayang magbalik sa akin sa panahon na yun.

Lintik na mga salitang mula sayo. Kapag sayo na nanggagaling, lahat na ng salita, nagiging kasinungalingan.

All I needed was for you to be honest EVEN FOR ONCE. All I needed was for you to answer all my fucking questions HONESTLY kasi gustong gusto kong intindihin lahat, kasi gusto kong maging okay, gusto kong maging ayos, gusto kong mabuhay na WALANG BAHID MO, gusto kong MAWALA ANG LAHAT LAHAT KASI SA KADA SALITANG NANGGAGALING SAYO, MAS NAREREALIZE KO KUNG GAANO AKO KAGAGO SA PAGTITIWALA SAYO, KUNG GAANO AKO NAGPAGAMIT. Minahal kita, sobra pa sa sobra. I gave you my best. I gave you every fucking bit of my best, yet you never gave a damn care 'cause all you cared about was yourself. Minahal mo lang ang sarili mo, wala ng iba. Di mo ako minahal, yun ang napatunayan ko. 

Thursday, December 26, 2013

Ang Ibig Sabihin Ng Mahal Kita



"Mahal kita" sabi niya sa akin.
"Mahal kita, dati pa" sabi ng iba pa sa akin.

Ito na lang ba ang pag-ibig, puro salita, walang gawa? Ito na lang ba ang "Mahal kita.", salita na lang para lang marinig pero hanggang doon na lang? Ito na lang ba ang pagmamahal ngayon? Ganito na lang ba? Ang pag-ibig kung puro salita, di yan pag-ibig. Salita lang yan katulad ng iba pang salita.


Ano ang kwenta ng pag-ibig kung sinabi mo nga, pero di mo kayang panindigan? Ano ang kwenta ng "Mahal kita" kung mahal mo nga di mo naman kayang piliin? Ano ang kwenta ng pagsasabi mo ng pagmamahal mo sa kanya kung di naman niya maramdaman? Ito na lang ba ang pag-ibig sa inyo?

Totoo lang, kahit sinong tanungin, dapat kapag nalaman mo na mahal ka ng isang tao, ikaw dapat yung isa sa pinakamasayang tao sa mundo lalo kung mahal mo din yung taong yun, pero bakit nung narinig ko galing sa inyo 'to, nasaktan ako? Bakit mas nasaktan ako? Bakit mas masakit pala kapag sinabihan ka ng tao na "Mahal kita." at sa parehong pagkakataon, di ka nila kayang piliin? Sasabihing mahal ka niya pero kasabay noon ang pagtalikod niya sayo? 

Kung ang pag-ibig, ganito na lang, mas mabuti pang di ako mahalin ng kahit na sino. Kung ang pag-ibig, parang katulad lang ng pag-ibig ng mga taong 'to, mabuti pang wag ko ng malaman, para walang umasa, walang masaktan, walang dapat patunayan.

Ang alam ko kasi, kapag ako sinabi kong "Mahal kita" ibig kong sabihin, mahal kita at kaya kitang hawakan at panindigan buong buhay ko. Mahal kita at kaya kitang piliin, di lang isang beses, kundi paulit-ulit wag ka lang mawala. Mahal kita kaya hindi ko kailanman gugustuhing mawala yung ngiti mo sa mukha mo, susubukan ko ang lahat wag ka lang masaktan. Mahal kita, hindi lang sa salita, hindi lang para malaman mo, sisiguraduhin kong, gagawa ako ng paraan para maramdaman mo din. Mahal kita, na kahit walang kasiguraduhan ang kinabukasan, ang alam ko gagawin ko ang lahat magwork lang 'to, na hanggang huli tayo, tayo lang. Yan ang pag-ibig para sa akin. Ganyan ako umibig.

Naniniwala pa din ako na sa susunod na marinig ko ang salitang "Mahal kita" hindi na manggagaling sa mga taong hanggang salita lang. Sana, sana lang, dun sa taong kaya akong panindigan, piliin, at ako lang talaga. Naniniwala ako, na hindi man ngayon, darating pa din yung taong talagang para sa akin, yung sasabihin "Mahal kita" at di matatapos dun ang kwento kasi kaya niyang mapatunayan na mahal niya ako, yung "Mahal kita"  na pwedeng pang-habambuhay. Sa susunod, sana sa susunod.

Tongue In A Lung: Ang Paghahanda Para sa 2014

Kung ano mang nangyari sayo sa 2013, patapos na ang taon. Alam ko hindi lahat ng nakasama mong magsimula ang taon na ito, makakasama mo pa hanggang sa pagtatapos nito. Hindi man nangyari ang mga bagay na naplano mo ngayong taon, siguro dapat pa rin tayong magpasalamat kasi may sasalubungin na naman tayong bagong taon, bagong pagkakataon.

Ewan ko kung swak sa inyo 'to, pero ito yung mga DAPAT at gusto kong gawin bago mag 2014:

1. Magpatawad at humingi ng tawad
Walang perpekto. Hindi din naman kasi magandang mag-umpisa yung taon na puro galit at sama ng loob. Hindi naman mahirap magpatawad, basta tanggapin mo lang na nangyari na yung nangyari, na mas walang pupuntahan kung panghahawakan mo yung galit mo sa isang tao. Sa parehong pagkakataon, isipin mo din na baka ikaw may nagawa din sa ibang tao. Kaya matuto kang magpatawad, kasi gusto mo din naman patawarin ka kung ikaw ang may kasalanan. 

2. Gumawa ka ng "Good-Things List"
Madalas kasi mas naaalala at napapahalagahan natin yung mga bagay na masasama, yun pangit na nangyari. Siguro panahon na para mas isipin mo yung mga bagay na nangyari ngayong taon na napasaya ka, napangiti ka. Kahit yung mga maliliit na bagay lang katulad ng "Nagtext ang crush ko" hanggang sa malalaking bagay. Basta ilista mo yung mga masasayang nangyari sayo.

3. Bumitaw
Hindi ko sinabing bitawan mo lahat ng bagay. Ang akin, bitawan mo yung mga bagay sa nakaraan, yung mga bagay na magbabalik sayo ng masalimuot na alaala. Bitawan mo din yung mga taong di na dapat maging parte ng buhay mo, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin. Tandaan mo lang, hindi mo kailangan ng madaming tao at bagay para maging masaya ka, kailangan mo lang mga TOTOONG tao sa buhay mo, kaya kahit anong takot mo, bitawan mo na siya, sila.

4. Planuhin ang 2014
Hindi naman masamang magplano, masaya nga yun para mag-uumpisa ka ng taon na may susubukang abutin. Wag naman yung sobrang impossible. Planuhin mo yung mga kaya mo talagang gawin. 

5. Maglinis
Linisin mo yung gamit mo. Alisin mo yung dapat alisin. Ilagay sa tamang lugar ang lahat. 

6. Treat yourself
Magpa-manicure, pedicure, foot spa, body massage, whatever. Basta bigyan mo ang sarili mo ng isang araw na para sayo lang. Yung iisipin mo muna ikaw, at walang iba.

7. Magsulat ng love letter
Magsulat ka para sa pamilya mo, o para sa jowa mo kung meron man. Kung wala, magsulat ka para sa taong susunod mong mamahalin (echusera! may ganito talaga)

8. YOLO
Konting araw na lang ang natitira sa 2013, kaya sige na. Push na natin 'to, gumawa tayo ng isang kabaliwan na mapapasabi tayo ng YOLO. Yes na yes! pero please lang, wag naman yung tatawid ka ng Commonwealth kasi di yun pang YOLO, malamang mamamatay ka dun agad. 

9. Maglagay ng bagong kanta sa phone mo o tab o mp3 player
Ewan ko kung anong mga magagandang bagong kanta, pero ito yung mga peg ko (ni-isa kasi walang kanta ang phone ko. kaya dapat malagyan ko kahit isa lang bago mag2014): Dati (Sam Concepcion), Say Something (A Great Big World), I Knew This Would Be Love (Imaginary Friend), Shake It Out (Florence + The Machine), Out Of My League ( Stephen Speaks), Love Song (The Ambassadors). 'Pag nainlove ako uli, kakantahin ko yung Love Song. Wala lang, paborito ko lang yun.

10. Magbigay ng regalo sa hindi mo kakilala
Sa kahit anong maliit na bagay, subukan mong mag-abot sa di mo kakilala. Sa mga bata sa daan, bigyan mo siguro ng Siopao na mainit. Sa mga taong makakasalubong mo, bigyan mo ng sobrang laking ngiti na mapapawi yung kunot ng noo nila. 

11. Manood ng MMFF movies
Please panoorin niyo yung My Little Bossings. Love ko lang si Ryzza. Tapos sunod ninyo yung Girl, Boy, Bakla, Tomboy. Feeling ko lang mapapasaya tayo noon. Manonood din ako simula 28, 29, 30. Isang movie kada araw!!! Push

12. Kausapin ng matino ang ex
Totoo lang, kahit sa Math, pinapahanap sa atin ang value ng X. Kahit pagbaliktarin mo ang mundo, merong parte sayo ang nakareserba pa din ang ex. Hindi naman puro pangit lang talaga ang nangyari. Para sa akin, mas mahalagang pag-usapan at tapusin na lang. Para sa mga susunod na taon, kapag makakasalubong ninyo ang isa't isa, mapapangiti kayo at maaalala ninyo pareho na kahit natapos kayo, naging masaya naman kayo kahit papaano. May value ang ex. Peksman!

13. Magpalit ng number
Siguro hindi lahat ng tao sang-ayon dito, pero sa isang katulad ko, na may 1,233 contacts sa phone ko, may ilang tao dun na sana, sana hindi alam ang number ko, para di ako ngumanga kakaantay ng text message. Maging malaya! sa 1,233 na yun, kahit 1,231 ipaalam ko ang number ko, at hayaan ko na ang dalawang tao. Sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, ako ang babalik, kapag di na magulo ang feelings ko. Kapag wala na ang lahat.

14. Magplano ng get-away para sa susunod na bakasyon
Oo, sige na. Magplano ka na habang maaga pa para naman may iisipin ka na uli habang nasa klase ka. Para feeling mo nasa beach ka na o nasa ibang bansa, wowwww!

15. Ayusin ang priorities para sa susunod na taon
Kung may mga bagay na napabayaan ka ngayong taon, siguro panahon na para malaman mo ang mga mas dapat mong gawin. Pahalagahan ang mahalaga. 

16. Dasal
Magdasal ka lang na sana, sana sa susunod na taon, mas maging maganda para sayo. Tiwala sa Diyos. Planado niya ang lahat. Kung nasaan man tayo, sigurado, alam ng Diyos kung saan tayo nararapat.

Push. 


Tuesday, December 24, 2013

Ang Regalong Walang Tutumbas


Madami tayong hinihiling. Madami tayong gustong makuha. Madami tayong inaasam. Masyadong madami pero alam mo, na kapag nakuha mo yun, matapos ang ilang maikling panahon, may papalit na naman sa hiniling mong yun. May bago ka na namang hihilingin, nanaising makuha. Matapos mong makuha, paglipas ng ilang oras, alam mong may bagong gustong hihilingin na naman ang puso mo. HIndi ko sinasabing hindi tayo marunong makuntento, ang akin lang, hindi lang talaga yun ang kayang magpuno ng buhay mo. Kung ang isang hiling ay mapapasaya ka lang sa maikling panahon, hindi yun ang talagang nilalaman ng damdamin mo.

Buti na lang ako, may nakuha akong higit pa sa inasahan ko. May nakuha akong hindi ko hiningi. May naramdaman akong kailanman hindi ko naman talaga naisip. Kinumpleto ako ng mga regalong 'to sa paraang kahit anong bagay walang tutumbas. Binigyan nila ako ng kasiyahang kailanman, walang makakapagbigay sakin. Ipinaramdam nilang mahal nila ako, at walang kahit anong pangyayari ang makakapagpabago noon. Tumawa sila kasama ko sa panahong masaya, at niyakap nila ako at hindi hinayaang mahulog sa panahong walang wala ako. Tinanggap nila ako ng buong buo, walang mga tanong, walang kahit anong pagdadalawang isip. Ito ang regalong buong buhay akong mapapasaya, buong buhay akong makukuntento, buong buhay akong pupunuin, buong buhay kong gustong yakapin. 

Ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko -- sila ang mga regalong kailanman, walang tutumbas.


These are my gifts for my family, mi mucho loveys. We had a great Christmas 2013, I hope you had a blast too! Merry Christmas everyone! Spreading the love <3

Tongue In A Lung: Maligayang Pasko

Ang blog na ito ay naglalaman ng personal na mga larawan na gusto kong ibahagi sa inyo.

December 25, 2013
2:44am



Maligayang Pasko sa lahat mula sa aking pamilya. 


Siguro madalas makakabasa kayo dito ng mga blogs na sawi, pero sa totoong buhay, hindi ako ganun lang. Isa ako sa pinakamasiyahing babae sa mundo. Hindi dahil meron akong karelasyon, alam na alam ninyong hindi nagwowork ang naging relasyon ko, kundi dahil higit pa sa lahat, sobrang blessed ako na magkaroon ng solid na pamilya at mga kaibigan. Totoo lang, higit pa sila sa "jowa". Sila yung mga taong hindi ko kailangang maging "the best" para matanggap ako kasi kung ano ako, ano ang kakayanan ko, kung ano ang hangganan ko, kayang kaya nilang yakapin ng buong buo. Higit pa sila sa kayang bumuo sa buhay ko, higit pa sila sa lahat ng kailangan ko. Kaya nga totoo lang, kung magkaka"jowa" ako ulit, bonus na lang yun. Hindi ko naman kailangan yun dahil higit pa ang mga taong meron ako sa kailangan kong pagmamahal.

I'm truly one happy girl to have been blessed with the awesome-est family and friends. Thank You, my Lord! Happy birthday, Jesus!





Sunday, December 22, 2013

Ang Ferris Wheel


Minsan nasa baba ako, doon ako nag-umpisa. Madalas doon ako nalulula kung gaano katagal pa ang aantayin ko para maabot ko ang itaas. Doon ko nararamdaman yung mga bagay na nakakapagpalungkot sa akin, doon ko mas iniisip kung ano ang wala sa akin. Minsan kasi, minsan mas pinapahalagahan natin yung wala na, kaya napapabayaan yung meron pa. Madalas sa baba lahat ng bagay na kaya tayong hatakin sa pagluha. Pero pwede namang umikot. Pwedeng baguhin. Pwedeng mamili. 

Kaya sa ngayon, pinipili kong maging masaya. Alam ko may oras na malulugmok ako, pero mas papahalagahan ko ang kasiyahan. Pinipili kong ngumiti. Alam kong darating ang panahon na iiyak pa din ako, pero mas iisipin ko yung mga bagay na di ako papaluhain. Pinipili kong pahalagahan ang mga natira, kasi wala na akong magagawa sa mga nawala, pero kaya kong di mawala ang mga natitira. Pinipili kong mas yakapin ang kasiyahan kaysa kalungkutan, kasi ayoko na, ayokong may parte sa akin na sasayangin ko ang maikling oras na ibinigay sa akin ng Diyos para lang humagulgol. Pinipili kong idasal ang lahat, kasi alam ko wala Siyang ibibigay na hindi ko kakayanin.

Nasa baba man ako, alam kong kakayanin ko ang lahat kasi mas madaming natira kaysa nawala. Nasa baba man ako, hindi ko hahayaang malugmok ako. Nasa baba man ako, alam ko darating yung araw na maaabot ko ang itaas, kasama nung mga taong di talaga ako pinabayaan, kasama lahat ng mga rason kung bakit masarap mabuhay. Nasa baba man ako, mas importanteng di ako bumibitaw. Nasa baba man ako, alam ko namang masaya pa din ako. Nasa baba man ako, alam kong madami naman ang nagmamahal sa akin na kaya akong samahan nasaan man ako, yun, yun ang pag-ibig, yun ang mas dapat pahalagahan, yun ang kailangan ng kahit na sino man.


Awesome day with the family. Thank You, Lord for reminding me how blessed I am. Truly an amazing life. [Dec22/13]

Wednesday, December 11, 2013

Ang Mahal Kita (Di Lang Talaga Pwede)



Akin ang lugar na 'to, walang pwedeng magbawal sa akin.
Tanggapin mo na lang, Mahal kita.

December 11, 2013
10:58pm - 11:37pm


Mahal kita. Wala namang duda dun. Alam ko nasabi ko din naman sayo, naiparamdam kahit papaano. Mahal kita, gusto ko lang malaman mo ulit. Baka kasi pagkatapos ng pagkakataon na 'to, wala na, baka di na mauulit. Baka wala ng susunod pa.

Noon pa lang, importante ka na sa akin. Simula pa lang, sayo ko naman talaga gustong mapunta, sadyang sa kada pagkakataon na yun, hindi ka pwede, laging hindi ka pwede. Laging hindi mo ako pwedeng piliin. Laging may dahilan para malaman ko na hindi talaga tayo para sa isa't isa, pero ipinilit ko kaya nga ang daming chances yung binigay ko para dito. Okay lang naman, okay lang talaga kasi sinubukan kong iwasan, pero naging matapang kang umamin, sumagot lang ako na mahal din kita. Swak na sa akin yun. Di ka kasi laging nagsasabi tungkol sa feelings mo, kaya siguro kuntento na ako na sa chance na 'to, sa unang beses naging matapang ka. Tanggap ko din na di mo ako pwedeng piliin, tanggap ko. Kaya pinipili ko na din na hindi ka piliin, na pumili ng ibang tao ulit.

Ilang beses pala kitang inantay, hindi ko napansin. Ang tagal pala kitang inabangan, hindi ko namalayan. Ilang pagkakataon pala na umasa ako, pero wala pala talagang pag-asa. Ilang beses kong kaya kang panindigan, pero ni di mo kayang hawakan ang kamay ko. Ilang chances din ang binigay ko, pero di mo ako kayang bigyan ng chance, kahit isang beses lang. Ilang beses kong binigay yung puso ko ng buo, at ilang beses kong tinanggap na may kahati, kasi akala ko darating ka sa punto na kakayanin mong mahalin ako ng buong buo, pero hindi pala. Hindi pa din pala.

Tama yung ginawa mo. Tama na ikaw na mismo ang umiwas sa akin, kasi kahit ilang beses akong nagpapaalam, hindi ko magawa. Tama yung ginawa mo, pero masakit lang. Masakit pa din pala kasi katulad din 'to nung nangyari sa nakalipas. Kapag masaya ka na sa mga jowa mo, kayang kaya mo akong bitawan. Di pa din ako nasanay. Nasaktan pa din ako. Akala ko kasi manhid na ako.

Mahal kita. Wala akong pinagsisisihan. Mahal kita, di naman masama na mahalin ka. Mahal kita kasabay ang hiling na sana, sana isang araw, magising ako na wala na lang 'tong feelings na 'to, para sa susunod, kakayanin na nating maging magkaibigan lang, yung solid lang na friendship.


Ingat lagi. Mahal kita, di lang talaga pwede. Alam ko. (Edited: July 4, 2016)

Let's all have a Merry Christmas.  

Much love,
OPMACO


Ngiti.
Paalam pansamantala.

Tongue In A Lung: All Is Well

All is well
                    -3 idiots

Kung malungkot ka, maging malungkot ka lang. Kung gusto mong umiyak, umiyak ka lang. Kung gusto mong humandusay, sige humandusay ka. Kung gusto mong magmura, sigaw, sigaw lang, magmura ka lang. Kung gusto mong magwala, magwala ka lang hanggang mawala ang lahat.

Ako? Nasaktan ako, umiyak lang ako. Iniwan ako, umiyak lang sabay handusay. Hinayaan ko yung sarili kong kainin lahat ng sakit, para kapag pinili ko ng sumaya ulit, hindi ko kailangang bumalik sa pag-iyak. 

Kung sino ang gustong iwan ka, hayaan mo lang na iwan ka nila. Kung sino ang gustong manatili, hayaan mo silang maging parte ng buhay mo. Pahalagahan mo yung mga taong malakas ang loob sa pagpili sayo, kasi hindi madali. Hindi lahat kaya kang piliin. Hindi lahat gustong maging parte ng buhay mo, kaya kung sino ang gustong maging parte niyan, hayaan mo lang. Sila yung mga dapat mong pahalagahan, at pakawalan mo ang mga taong kumakawala sa anino mo.

Happiness is a choice. Hindi sinabing magiging perpekto ang buhay, pero higit pa dun, pwede mong piliing maging masaya. Wag mong ipagdamot sa sarili mo na maging okay ka. Wag mong idepende sa ibang tao ang kasiyahan mo. Wag mong hayaang malugmok ka dahil mas pinahalagahan mo yung ibang bagay. Tandaan mo, higit sa lahat, YOU DESERVE TO BE HAPPY. At wala kang papatunguhan kung iiyakan mo lang ang mga bagay na nawala na. Kaya wag kang magsayang ng panahon kakaiyak, ngiti lang. Ngiti ka lang.

Choose to be happy.
Choose to be in love.
Choose to be amazed with this awesome awesome life.
In the end, everything will be just fine.

Ang Sugal Sa Pag-ibig


Ang tagal kong di sumugal sa pag-ibig. Nasaktan kasi ako noon. Natakot akong magmahal uli, higit pa dun, natakot akong masaktan uli. Ang tagal tagal kong di sumugal, pasilip silip lang, pero wala ni isa yung sigurado akong isusugal ko na ang puso ko, tapos nakilala ko siya.

Sabi ko noon "Kung magririsk ako ulit, kung masasaktan ako, kung magmamahal ako, sayo lang." Ipinusta kong muli yung puso ko. Buong buo, wala akong tinira. Natakot na kasi ako baka kapag may tinira ako, katulad ng dati, may pagsisisihan ako. Ipinusta ko lahat, lahat lahat. Ibinigay ko ang pinakamagandang laro ko sa sugal ng pag-ibig para sa kanya, ayoko na kasi uling matalo. Ayoko na kasing malugmok at magsisi sa mga bagay na di ko ginawa. Sugal. Sugal. Sugal pa. Minsan talo, madalas panalo. Minsan iiyak, madalas nakangiti. Minsan kailangang bitawan, madalas pinupulot uli kitang pabalik sa laro ko. Ayoko na sanang matapos pa ang sugal na 'to, kasi seryoso ako, seryoso ako sayo, sa atin noon pero nakita kita sa braha ng iba. Pinili mong lumabas sa laro ko, para makipaglaro sa iba. Okay lang, masakit lang. Masakit noon, ngayon, okay na, okay na ako.

Ito yung larong hindi ko pagsisisihan. Ito yung larong masarap ulitin. Ito yung sugal na minsan masasaktan ka, pero hindi ka dapat matakot na pumusta uli basta sa tamang tao, sa tamang laro, sa tamang panahon.

Inaabangan ko na uli ang susunod na laro, pero sana sa susunod, ang makikilala kong kalaro, yung ako at ako ang pipiliin, kasi kapag nahanda ko na uli ang sarili at puso ko, peksman! Buong buhay kakayanin kong di ka bitawan, basta sa akin ka lang, tayo lang. Basta sa laro natin, ikaw at ako lang. Basta sa laro natin, ipupusta mo din ang puso mo katulad ng pagpusta ko sa puso ko.

Sa tamang panahon, sa tamang pagkakataon, sa tamang tao, pupusta uli ako. Ipupusta ko uli ang lahat lahat.

Tuesday, December 10, 2013

Ang Mga Walang Karapatan





Wala akong karapatan sayo. 
May nagmamay-ari sayo. 
Mahal mo siya, mahal ka niya. 
Di mo ako kayang bigyan ng karapatan.

Wala kang karapatan sa akin.
Malaya ako.
Mahal ko ang sarili ko.
Di ko pwedeng hayaang bigyan ka ng karapatan.


Wala akong karapatan sayo, kasi umpisa pa lang, alam ko naman na talo na ako 'pag dating sa kanya, sa kanila. Wala akong karapatan kasi alam ko siya ang may karapatan sayo. Wala akong karapatan kasi alam kong di pwede. Wala akong karapatan, wala namang masama dun. Wala akong karapatan sayo, dati pa lang tanggap ko na yun. Sanay na ako. Sanayan lang.

Wala kang karapatan sa akin, kasi alam nating di pwede. Wala kang karapatan kasi alam kong malaya ako habang ikaw, hindi. Wala kang karapatan kasi di kita pwedeng bigyan ng karapatan, di ko pwedeng hayaang angkinin mo ako, habang inaangkin mo din siya. Wala kang karapatan, kasi kapag binigyan kita ng karapatan, masasaktan lang ako, alam mo yun. Wala kang karapatan, kasi pinili mong mawalan ng karapatan. Wala kang karapatan, kasi di ko pwedeng isuko yung kalayaan ko sa taong hindi ako pwedeng angkinin. Wala kang karapatan sa akin para maibigay ko 'tong karapatan na 'to sa taong darating na kaya akong bigyan ng karapatan sa kanya. Wala kang karapatan, kailangang wala kang karapatan.


May karapatan akong pumili ng taong pagbibigyan ko ng karapatan sa akin, yung di ako masasaktan, yung kayang ibigay sa akin ang buo, yung akin lang, yung alam kong totoo at hindi lang bastang hihiramin ko.

Monday, December 9, 2013

Tongue In A Lung: Starting Over

"Indeed it is never easy to start over, to let go of what's always been, to go to where one's never gone to and to become someone that one has never become... When to start? Follow your heart and start at your own pace. Start when you are ready. Start when you want. START OVER ANYTIME."


Kapag iniwan ka, hayaan mo. Kapag nasaktan ka, hayaan mo. Kapag umiyak ka, hayaan mo. Kapag di ka pinili, hayaan mo. Kapag hindi ka pinapahalagahan, hayaan mo. Kapag hindi lang ikaw ang mahal, hayaan mo. Kapag may kahati ka, hayaan mo. Kapag unti-unti kang binibitawan dahil may nagpapasaya na sa kanya ng higit pa sa kaya mo, hayaan mo. Kapag lagi kang binabalewala, hayaan mo. Kapag di mo na kaya, hayaan mo na, lumayo ka na. Magsimula ka na wala siya, wala sila.

Takot tayong magsimula. Takot kasi tayong baka mas di tayo sasaya, baka pagsisihan natin sa huli. Totoo lang, ako din takot, takot na takot. Ang akin lang, kung alam mo ang worth mo, kung alam mo yung mga bagay na deserve mo, don't settle for anything less than that. Kung alam mong nagawa mo na ang higit pa sa dapat na ginawa mo, kung naibigay mo na ang higit pa sa dapat na naibigay mo, siguro panahon na, panahon na magsimula ka ng wala siya, wala sila.

Baka kasi katulad kita ngayon, baka takot kang bitawan yung mga bagay na alam mong mali. Baka takot kang bumitaw sa ideya na baka pwede kayo, kahit na alam mong umpisa pa lang wala na. Baka kasi katulad kitang nahihirapang umaasa, alam ko kasi higit pa dun, mas mahirap ang wag umaasa. Baka kasi katulad kita, di natuto, kaya paulit-ulit. Baka kasi katulad kita, kaya gusto kong malaman mo, pwede. Pwede nating bitawan yung lahat ng ito. Hindi man sigurado kung mas sasaya tayo ng wala yung taong yun, ang alam ko lang, mas masayang makakilala ng taong papahalagahan ka, mamahalin ka, yung solid, yung walang kahati. Bitaw na. Bumitaw na tayo. 

Bibitaw ako kasi alam kong nagawa ko ang lahat. Bibitaw ako kasi alam ko, may isang taong para sa akin, yung di ko kailangang makihati, yung di ko kailangang mag-antay sa kung anong kaya niyang ibigay, yung gagawin ang lahat para lang hanggang dulo, maging maayos ang lahat. Yung taong kasama kong magsisimula lagi, yung hindi ako iiwan, hindi ko iiwan. Yung pipiliin ako, at pipiliin ko. Yung taong ibibigay ang buong buo niya, katulad na ibibigay ko ang buong buong ako. 


You're the best, Chaar! Thank you sa "not-so-planner/not-notebook" na 'to! Rak na rak ang araw ko. Thank you for being a sister to me. Thank you for never getting tired sa walang sawa kong mga kwento sa lahat. Peksman, pupunuin ko ng lettering, pag-ibig at kasiyahan ang mga papel nito. I'll never be afraid to start over and over and over and over again. Thank you so mucho. >:-*< (Madaming halik na may kasamang mahigpit na yakaaaap)




Sunday, December 8, 2013

Tongue In A Lung: Say Something By A Great Big World And Christina Aguilera


Say something I'm giving up on you
I'll be the one if you want me to
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you

And I am feeling so small
It was over my head
I know nothing at all

And I will stumble and fall
I'm still learning to love
Just starting to crawl

Say something I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you

And I will swallow my pride
You're the one that I love
And I'm saying goodbye


Say something I'm giving up on you
I'm sorry that I couldn't get to you
Anywhere I would have followed you
Say something I'm giving up on you
Say something I'm giving up on you
Say something




Inaantay mo yung mga salitang gusto mong marinig, inaantay mo yung mga salitang hahatakin ka pabalik, inaantay mo pero alam mo kung ano ang tama. Inaantay mo pero alam mo kung anong dapat gawin, na minsan, di lang talaga sapat ang pag-ibig. Sana sapat, sana pero hindi laging ganun. Hindi ganun ngayon.

Ang E Kasi


E kasi pinakawalan mo.
E kasi hinayaan mo.
E kasi binitawan mo.
E kasi pinabayaan mo.
Ayan tuloy.

E naging masaya ka naman nung ginawa mo yun. Akala mo magiging mas masaya ka na wala siya. Akala mo mas magiging okay ang lahat kung bitawan mo na lang siya. Akala mo mas madali na wala kang iisiping "kayo". Akala mo siguro hahabulin ka na naman.

Ang pag-ibig, di yan habulan. Hindi yan tatakbo ka, at aasahan mong hahabulin ka niya. Hindi din yan taguan. Hindi dapat tinatago kung mahal mo ang isang tao, iparamdam mo lang. Iparamdam mo ng iparamdam hanggang dumating ka sa punto na nagawa mo ang lahat, para wala kang pagsisihan. Ang pag-ibig, hindi lang puro saya, hindi lang puro okay, hindi lang puro ikaw, puro gusto mo. Ang pag-ibig, kung totoo, hindi papatinag sa kahit anong bagyo. Ang pag-ibig, kung matibay, hindi mawawala ng basta-basta. Ang pag-ibig, hindi lang bibitawan. 

Kung nagsisisi ka, ngayon mo patunayan na karapat dapat ka sa pag-ibig na kaya niyang ibigay. Kung mahal mo pa, iparamdam mo, sabihin mo. Wag mong hahayaan na iparamdam lang yan sa kanya sa panahong di ka na niya matatanggap. Kasi ang pag-ibig, nawawala kapag hinayaan. Kaya ngayon pa lang, angkinin mo na ulit. Panindigan mo.

Para sa Bebe kong si JG. Alam kong nagsisisi ka, panahon mo na. Wag mong sayangin, malay mo bumalik. Malay mo kayo talaga. Wag ka lang iiyak, di siya babalik ng ganyan. Di naman masamang ikaw ang lumapit, kasi ikaw din naman ang lumayo. 



Monday, December 2, 2013

Ang Mahal Kita, Dati Pa


Lumayo ako sayo ng paulit ulit. Pinipilit kong lumayo sayo lagi, hindi dahil di kita gusto, ang totoo, gustong gusto kita sa buhay ko. Ilang beses lang akong lumayo kasi ilang beses mo din akong pinalayo, ilang beses mo akong hinayaan, wala akong narinig na kahit anong galing sayo. Pinaramdam mong importante ako, at sa parehong pagkakataon, tatablahin mo ako na gawin natin ang tama, na kailanman di mo ako mapipili. Ilang beses yun, ilang beses at hindi ako natuto. Ilang beses akong lumayo, ilang beses mo din akong hinayaang walang marinig, parang panaginip. Iisipin ko na lang na panaginip ang lahat. Lalayo na lang.

Hindi ako nakaiwas sa tadhana. Pinagtagpo na naman ang landas natin. Ang alam ko lang, nung panahon na yun, alam ko wala na, alam ko walang natira kaya hinayaan ko. Hinayaan kong dumaan ang araw-araw. Hinayaan ko at di ko napansin, nagiging parte ka na ng araw-araw ko. Hinayaan ko lang. Hinayaan ko kasi nakikita kong gusto mong maging parte ng araw-araw ko, pinaparamdam mo.

Di ako natakot, kasi akala ko sigurado ako sa feelings ko, na wala na, na tinangay na yun ng matagal na panahong namagitan sa atin. Di ako natakot, kasi alam ko, alam natin ang hangganan natin, kaibigan lang, hanggang dyan lang tayo. Di ako natakot pero ito ka ngayon, ito tayo ngayon.

Kinakailangan na naman nating matutong lumayo, hindi dahil ayaw natin ang isa't isa, kundi dahil kapag ipilit natin 'to, may masasaktan. Kapag hinayaan natin 'to, may magigipit. Kapag mas pinahalagahan natin 'to, makakalimot tayo. Kapag sinubukan pa natin, sa huli tayo ang mahihirapan.

Sigurado na ako, sigurado na akong lumakad palayo sayo. Ayoko kasing umabot sa punto na hihilingin mo na namang lumayo ako. Inunahan na kita para di mo na ako kailangang itaboy ulit pero bigla kang nagsalita:


Bago natin gawin to at least alam mo ng mahal kita, dati pa.


Pinangiti mo ako. Pinaluha mo ako. Salamat kasi pangalawang beses ka pa lang naging matapang na umamin, at least alam kong di lang pala ako nag-assume, totoo pala. Na sa kada pagtataboy mo sa akin nun, baka may parte din naman sayong gusto akong hatakin, sadyang mas importante lang sila. At least ngayon, sa paglakad kong papalayo, alam ko, nanggaling mismo sayo, na di naman pala panaginip lahat. Lalakad akong palayo na ngingiting alalahanin 'tong chance na 'to, yung pangalawang beses na sinabi mo sa aking mahal mo ako. Ngingiti akong alalahanin ka araw-araw. Ngingiti ako kasi yun yung ginawa mo sa pang-apat na chance natin, pinangiti mo lang ako. Di man natin mapili ang isa't isa, di man nating pwedeng ipilit 'to, di man natin kayang hawakan yung kamay ng isa't isa, di man natin kayang ipagsigawan sa lahat kung anong nararamdaman natin, masaya na akong marinig yung sinabi mo. Kuntento na ako. Punong-puno na ako. Ito yung pang-apat na chance, at sa pang-apat na beses lalayo ako ulit, pero sa pang-unang beses sinusubukan mo akong pigilan, sa unang beses di mo ako tinaboy, sa unang beses naramdaman ko talagang gusto mo ako sa buhay mo, at sadyang di lang pwede.

Salamat! Di man natin alam kung may pang-lima pa, ang alam ko lang, sapat na sakin yung apat na chance na yun, sapat na para malaman ko lahat. Lagi kang ngumiti, isipin mo na lang, lagi akong nakatingin sayo. Pakinggan mo yung kanta sa tuwing mamimiss mo ako. Katulad ng sinabi ko sayo, friends forevs. 

Kung tayo, tayo. Kung hindi, sana tayo na lang. Kung hindi, hindi.

Ang Sugat


Wounds may heal but (they) don't achieve
the strength of the unwounded tissue.
                                                              -Pathology


Ang daming beses kong sinubukang lumayo sayo. Ang daming beses kong pinagplanuhang maigi paano ka mawawala sa isip ko. Ang daming beses kong kwinento ang istorya natin para lang makalimot ako. Pero sa daming pagtatangka ko, hindi ka mawala. Hindi ka pa din nawawala, hindi pa din nawawala yung feelings ko para sayo.

Hindi ko nga alam anong meron, anong nagawa mo. Alam ko lang ngumiti ka, ngumiti ka at buong buhay ko nagbago. Ngumiti ka at di ko na nakalimutan yun kahit na gaano man katagal ang lumipas. Ngumiti ka, ngumiti ka pero di pala para sa akin. Di ka pa din pala para sa akin.

Ilang matagal na taon ang lumipas, nandito pa din, nandito ka pa din. Akala ko maglalaho, akala ko matututong makalimot yung puso ko, akala ko babalik sa dati, akala ko lang pala. Para pala 'tong sugat, akala mo okay ka na, akala mo bumalik na sa dati, yun pala, kapag nasugatan ka, wala mang peklat na makita, mag-iiwan pa din ng bakas yun sayo, na buong buhay mo di mo kayang burahin. Di na babalik sa dati, walang babalik sa buhay na wala kang bakas kasi hinayaan kong tumatak ka sa buhay ko, hindi ko na natutunang makalimot pa.



Para 'to kay HL. Sana lang, sana lang matuto kang makalimot sa kanya, sana wag mong hayaang malunod ka sa feelings mo para sa kanya.


Sunday, December 1, 2013

Ang Lugar Ko At Lugar Mo


Madalas, iniisip ko saan nga ba ang lugar ko. Madalas, pilit kong inuulit sa sarili ko para di ako makalimot, para di ko hayaang makalimot ako kung hanggang saan lang ako nararapat. Madalas pinapaniwala ko yung sarili ko na ito ang lugar ko, ito lang ang lugar ko, dapat dito lang.

Ang hirap lang kasi, ang hirap maalala na yun lang yung lugar ko, na hanggang dun lang ako kasi abot langit yung ngiti ko kasi lagi mo akong pinapasaya ng sobra. Isa ka sa mga rason kung bakit okay ako ngayon, kung bakit mas gusto kong ngumiti kaysa umiyak. Pinaparamdam mo sa akin na importante ako ng sobra. Hindi mo sinasadya, pero kayang kaya mo akong pakiligin ng walang hirap. Ginagawa mo akong parte ng araw-araw mo, at parte ka din ng araw-araw ko. Iniisip mo yung mga susunod na taon, na baka pwedeng meron ng "tayo" sa susunod, kahit alam naman natin na, kahapon at ngayon impossible na tayo, paano pa sa susunod?

Ayokong mawala ka, pero mas ayokong umabot sa punto na may masasaktan, lalo ka na, kasi ayokong masaktan ka, kasi alam ko, habang tumatagal, higit kanino pa man, masasaktan ka kasi maiipit ka. Ayokong mawala yung lahat pero mas ayokong mahirapan ka, mahirapan kang pumili, at ang totoo, alam ko naman na simula pa lang na hindi na pwede. Hindi pwedeng ako ang piliin mo, na hindi mo ako mapipili, na bawal mo akong piliin. Dun pa lang, nawala na ako sa lugar ko. Nginitian mo kasi ako, nakalimutan ko tuloy na dapat hanggang tingin lang ako. Hinayaan ko ang sarili ko na pasukin ang lugar "ninyo", patawad. 

Alam natin na ito ang lugar ko, yan ang lugar mo. Alam natin na wala "tayong" lugar kasi merong "kayong" lugar. Alam natin na kahit ipilit natin araw-araw, hindi pwede, hindi pwedeng pagdikitin yung lugar mo at lugar ko, di pwede kasi may nagmamay-ari ng titulo ng lugar mo, merong nagmamay-ari sayo. Merong umaangkin sayo, kaya kahit makaipon ako ng MIlyon para angkinin yung titulo mo, alam ko naman na hindi ko mapapalitan yung "kayo"

Totoo lang, masaya ako para sayo, para sa inyo. Alam kong mahal mo siya, mahal na mahal, kaya ngayon pa lang, ngayon pa lang iiwas na tayo. Alam kong natutuwa ka lang sakin, napapasaya lang kita, at kahit buong buhay ako mag-joke sayo, alam ko at kailangan ko pa ding tanggapin na iba ang pag-ibig, iba ang "gusto". Iba siya, iba ako. Iba ang lugar niya, iba ang lugar ko. Sa kanya, merong "kayo", sa akin? wala, sadyang di lang pwede.


Iba ka lang. Iba ka pa din. Salamat kasi di mo ako kailanman iniwan, totoo lang ang sarap mong maging kaibigan. Isa ka sa mga taong hindi ako hinayaang mag-isa. Salamat, hindi man kita makakausap araw-araw, nandito ka pa din sa isip ko, araw-araw. Walang burahan ng videos at photos para makakamusta pa din kita sa paraang alam ko. Peksman! Kung kailangan mo ng kaibigan, susubukan kong maging nandyan para sayo.

Tongue In A Lung: Here Together




1
Baby come to me
Take my hand, please
Promise your heart won't break
You heard it well
I'll never leave
And maybe time can pass us by
But I'll never go
I will never go
CHORUS:
Cause we're here now baby
No one else will matter
And we're here to spend the rest of our lives together
2
Lately, I've missed your lips
Your precious touch
You're all I know
And maybe, my dreams you'll see
It's what I do to think of you
But maybe time won't pass us by
Still I'll never go
I will never leave you behind
CHORUS
CHORUS
COMPOSER: Jastine Gaffuy

Wala lang, mas masarap isipin yung pag-ibig kaysa hinanakit. Mas masarap maexcite sa mga magagandang bukas kaysa sa kung ano mang malungkot na bagay. 


Gusto ko lang 'tong kantang gawa ng pinsan ko kaya shineshare ko sa inyo. Sorry sa boses-ng-may-sipon, fudge. Hopeless romantic lang ang peg kaninang hapon.

Stay in love. <3