Sunday, August 7, 2011

Ang Blackboard At Chalk


Blackboard - ako yan. May darating na tao, yun bibigyan ko ng karapatang sulatan ako, na mag-iwan ng marka sa buhay ko. Ibigay ko man ang buong espasyo ng buhay ko, may pangyayari na kailangan lang talaga nilang umalis. Kailangan lang talagang bitawan nila yun chalk, na kailangan nila akong talikuran. Nadadaan sa panahon ang lahat. Hindi ko man burahin yan, kusa siyang magtatago. Kusang maglalaho ang bakas na kanyang iniwan.

Akala ko lahat ng marka nabubura ng panahon, pero bakit ikaw? Bakit ang tagal mong hawak yang chalk? Bakit nilagyan mo ako ng marka, pero tuldok lang? Pasensya ka na kung hindi kita nabigyan ng atensyon at espasyo. Pasensya ka na kung matagal mo na palang hinanda sarili mo para sa akin. Ihahanda ko lang 'to, mag-antay ka pa. Konting konti na lang, baka ikaw na ang magsulat sa akin buong buhay natin. Wag mong bitawan yan, please lang. Yung tuldok na yan, hindi ko alam, yan pala yun bubuo sa akin. Pasensya na kung tumingin pa ako sa malayo. Pabalik na ako, konti pa.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.