Monday, April 22, 2013

Ang Nasa ICU




Nung makilala kita...
Delikado. Delikado. Yan ang sabi ng doctor ng tadhana. 
Mahirap. Mahirap. Yan ang sabi ng mga taong nakakakilala sa akin.
Takot ako. Takot ako. Yan ang sabi ko sa sarili ko.
Aalagaan niya ako. Aalagaan niya ako. Yan ang sabi ng puso ko.

Ngayon tama nga ang tadhana, delikado. Ngayon tama nga ang mga nakakakilala sa akin, mahirap. Ngayon tama nga ako, dapat natakot ako. Ngayon nagkamali ang puso ko, di mo naalagaan ang puso ko. Ngayon nasa ICU ang puso ko.

Noong nakilala kasi kita, mas delikado kung papalagpasin ko yung pagkakataon natin, yung pagkakataong makasama ka. Noong nakilala kasi kita, mas mahirap kung hindi ko bibigyan ang sarili kong maging masaya na kasama ka. Noong makilala kasi kita, mas takot akong hindi makita ang matatamis mong ngiti, mas takot akong ipagdamot sa sarili kong mas maging masaya pa. Nung nakilala kasi kita, higit pa sa tiwala, higit pa sa kahit ano, alam ko lang, di mo papabayaan ang puso kong madurog.

Hihimlay muna ang puso kong di mo sinasadyang bitawan. Hihimlay muna ang puso kong naging masaya kailan pa man nung nakasama ka. Hihimlay muna ang puso kong iiyak sa masasayang panahon na hindi na muling mararamdamang kasama ka. Hihimlay muna ako sa ICU. Maybe when I see you again, it will be the right time for us.





No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.