Monday, May 6, 2019

Ang May Tamang Tao Sa Tamang Panahon

Nawala siya dahil hindi niya kayang maniwala sa totoo, na totoo ka.

Nawala siya dahil hindi niya kayang makipaglaro habang ikaw nagiging seryoso na.

Nawala siya dahil hindi niya kayang ipaglaban yung isang taong ipaglalaban siya ng buong buo.

Nawala siya dahil hindi niya kayang hawakan yung kamay ng taong di siya kailan man bibitawan.

Nawala siya dahil hindi siya nakuntento sa isang pusong ibinigay ang higit pa sa pag-ibig na meron siya. 

Nawala siya hindi dahil hindi ka sapat kundi dahil hindi siya handa sa pag-ibig na kaya mong ibigay.

Hindi siya handa sa pusong totoo. Hindi siya handa sa pag-ibig na hindi lang puro saya. Hindi siya handa sa pag-ibig na ikaw ang kasama. Hindi siya naging handa sa iyo. Hindi siya handa sa iyo at hindi mo kasalanan yun.

Pwede kang umiyak. Pwede kang malungkot. Pwede kang magwala sa sarili mong espasyo pero wag kang magbabago. Ikaw ay ikaw at hindi mo kailangang magbago para lang mahalin ng isang tao. Sana wag mong isisi sa sarili mo yung pag-ibig na hindi mo natanggap. Hindi ikaw ang mali. Hindi ikaw ang nagkulang. Hindi lang siya yung tamang tao para sayo. Hindi din sa mali ang pagkakataon kundi maling tao kahit anong panahon. Kasi yung tamang tao kahit anong oras dumating, magiging tama.

Sigurado ako, yung hindi niya pagtanggap ng pag-ibig mo ay hindi magpapatigil sa puso mo para umibig. Karapat dapat kang magmahal pero higit pa doon, karapat dapat ka ding mahalin. May tamang tao sa tamang panahon.



PS. Kahit sinasabi kong pangit ka, J, you deserve all the love and happiness! May seseryoso din sayo, yung tamang tao sa tamang panahon. PLE ka muna!!!!!!!! Ate will always be here for you! Mwa mwa

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.