Monday, November 5, 2012

Ang Nag-iisa



Ito ako nasa gitna ng maingay na klase, na para bang bumubuo ako ng klase ko mag-isa, yung klaseng tahimik, yung klaseng naghahanap ng kaklase na katulad mo. 

Ito ako naglalakad sa maingay na daan, na sana di puro usok ng tambutso ang nakikita ko, sana ngiti mo na lang kasabay ng halakhak nating tatalunin ang lahat ng ingay sa daan. 

Ito ako kumakain mag-isa, humihiling na sana may kasabay ako, na sa bawat subo mapapahinto ako para makita ang mga ngiting iyong taglay.

Ito ako nakatapat sa keyboard, na pilit tinatapatan ang lumbay kong nararamdaman, na pilit pumipindot at dinadama ang bawat salitang mabubuo, pero sana sana, 'tong mga kamay na 'to sa kamay mo na lang dumadampi.

Ito ako walang malalapitan kundi ang lapag na lagi akong sinasalo sa panahong mahuhulog na ako, sana nga ikaw na lang. Sana kaysa sa malawak na lapag na sasaluhin ako, mga salitang galing sayo lang ang kailangan ko. Suporta lang.

Ito ako, sana nga hindi e, pero kahit anong gawin ko, ito ako ang nag-iisa.

***SANA KASI DI AKO NAG-IISA.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.