Wednesday, October 8, 2014

Ang Sana Sapat Ang Mga Salita

Hindi ko sigurado kung magiging sapat ang mga salita para pantayan ang nararamdaman ko pero susubukan ko.

Alam ko kasi gusto kong maranasan lahat sa mundo na kasama ka. Gusto kong nasa tabi kita, kapag masaya ako at kapag malungkot ako pero higit pa dyan, sa oras na nakangiti ka o nakabusangot sa lungkot, gusto kong maramdaman mong nandito lang ako, hinding hindi mawawala sa kahit ano mang pagkakataon. Gusto kong makita yung mukha mo sa umaga kapag nagising ako kahit ano pang itsura niyan at makatulog sa gabi kasi alam kong hawak mo yung kamay ko. Gusto kong kumuha ng madaming litrato nating dalawa at walang sawang titigan ng paulit ulit. Lagi kang nasa isip ko. Gusto kong abutin mo yung pangarap mo, buoin mo yung sarili mo, at makita mong masaya akong nag-aantay sayo. Gusto kong abutin yung pangarap ko, buoin yung sarili ko at makita kong parte ka ng lahat ng yun. Gusto kong maging parte ka ng buhay ko. Pinipili kong maging parte ka ng buhay ko.


Ang alam ko sa lahat, ayoko lang mawala ka pa ulit. Wag kang mawawala ulit. Dito ka lang, dito lang.


PS. She's one of the reasons why I believe in fate and in God's timing.
More than 3 years ago, I was just a girl who liked a girl na like din daw ako pero never akong mapili. I just had to do the hardest thing that I've ever had to do, which was just to wait, and enjoy kung anong meron ako. I have chosen to be with another girl para lang matapos na yung "thing" ko with her. Went to Med school din. Pero after two years, everything went crazy. Nawala ako. Iniwan ako. Nairreg ako. So, I gave up everything to God. Asked Him to lead me sa path for me - and that path led me to her again.
I think this is inevitable - yung tayo. After all those years, tayo lang pala talaga. You're worth the wait. I love you.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.