Thursday, November 6, 2014

Ang Mahal Kita


Nakilala kita. Nakilala mo ako. Nagkakilala tayo. Naging magkaibigan lang. Magkaibigan lang pero ibinulong mo na: Mahal kita.
Sinagot kita ng: Mahal din kita (yung pabulong, yung ayokong marinig mo, kasi ayokong masaktan tayo pareho, pero narinig mo pa din)

Pero isa yun sa pinakamasakit na "Mahal kita" na narinig ko sa buhay ko. Hindi dahil ayokong marinig yun sayo, kundi dahil nung sinabi mo yun, hindi mo kinayang panindigan. Sinabi mo lang at wala akong magawa kundi hayaan yung hangin na hawiin yung mga salitang yun na para bang di ko na lag narinig. Nagpakabingi. Nagkunwaring walang narinig, walang naramdaman. Sinubukang kalimutan.

Magkaibigan lang. Itinatak ko sa utak ko. Kaya sinubukan kong magmahal ng iba. Sa panahon na yun, kinakalimutan ko ang "Mahal kita" na sinambit mo, at ang "Mahal din kita" na isinagot ko sayo. At nung sa wakas, mahal ko na siya, naglakas ka ng loob para sabihing gusto mo pa rin ako. Kinailangan kong lumayo, at piliin yung taong minahal ko, dahil ganun ka din. Di mo ako kinayang piliin noon, kaya kailangan kong piliin yung taong minahal ko.

Nagmahal ka muli ng ibang mga tao. Nagmahal na ako ng ibang mga tao. Nagmahal tayo pareho. 

Natapos yung istorya ng pag-ibig ko sa taong minahal ko, sa taong pinili ko kaysa sayo.

Isang araw, naisip kita. Hinanap kita. Sinalo mo ako nung panahong di ako masalo nung taong minahal ko. Katulad ng dati, di naman pwedeng tuluyang hayaan ang kwento natin, dahil di pwede, dahil di na naman pwede. Dahil di pa din naman ako maayos, at di din natin pwedeng hayaan. Lumayo ako. Lumayo na naman ako.

Masaya ako. Masaya akong sinusulit yung oras ko sa sarili ko, pero lumapit ka na naman. Lumapit nang lumapit. Paulit ulit. Ayoko na sana. Ayoko na sanang bigyan ng panahon yung istorya natin, siguro kasi di naman talaga pwede lagi pero ewan ko, binigyan ko ng pagkakataon, di man yung pag-ibig natin, pero yung pagkakaibigan naman natin.

Ito tayo. Makalipas ang ilang taon nang taguan, nang sakitan, nang iwasan, nandito tayo ngayon. 

Sabi mo: Mahal kita
Sabi ko: Mahal din kita

Tayo yung magkahawak kamay. Tayo. 

At yun ang pinakamatamis na "Mahal kita" sa buhay ko. Saka ko naisip na sayo yung pinakamasarap na "Mahal kita" na narinig ko, dahil yang "Mahal kita" na galing sayo, hindi natin pinilit nung panahon na may masasaktan tayo, hindi natin sinubukan nung oras na di pwede, hindi natin ipinusta nung alam nating di tayo makakapusta. Dahil yang "Mahal kita" mula sayo, ilang taon mang nakalipas, ilang tao din ang dumaan sa buhay natin, ilang problema man ang pinagdaanan natin, nasabi mo pa din, ipinaramdam mo pa din. 

Kaya nga ang sarap sabihin na mahal din kita - mahal na mahal. Ang sarap sa pakiramdam na wala tayong natapakang tao, wala tayong nasaktan, wala tayong dinuga. Ang sarap lalo sa pakiramdam na kahit anong nangyari, tayo pala talaga, hindi natin pinilit, sadyang tayo lang talaga.


Mahal kita, GEMI. <3
I'm blessed to have you. Lifetime to go, my Love! 
1st. :)

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.