Saturday, November 1, 2014

Ang Araw Mo At Buwan Ko


Hinahanap mo yung taong magiging araw sa buhay mo. Yung sinasabi mong magdadala ng liwanag sa buhay mo. Yung yayakap sayo sa liwanag ng paligid ninyo na makikita yung pag-ibig ninyong dalawa ng lahat ng tao. Yung tipong nakakabulag na liwanag niya, pero yun yung eksaktong hinahanap mo, hindi yung mabulag, kundi yung mag-aalis sayo sa dilim na pinagsawaan mo. Yun yung hinahanap mong pag-ibig, yung dadalhin ka sa liwanag, yung bubulagin ninyo ang ibang tao sa pag-ibig na meron kayo, yung araw mo na mahal mo at mahal ka sa liwanag.

Pero ako? Buwan. Gusto ko yung buwan sa buhay ko. Kasi alam ko sa liwanag, madaming taong nandiyan para sa akin pero gusto ko yung buwan dahil eksaktong malalaman kong kahit sa dilim, hindi ako nag-iisa. Hindi ako iiwan. Yung kahit sa dilim, wala man makakita, wala man makapagmasid sa pag-ibig namin, alam namin parehong totoo yun. Yung buwan na di man makakapagbigay ng liwanag sa akin, pero alam kong liliwanag yung puso ko dahil yung pag-ibig na pinagsasamahan namin, hindi lang kapag maayos ang lahat. Yung buwan na hahawakan ako ng mahigpit at sasabihing "Di man kita kayang bigyan ng liwanag, pero pangako nandito ako lagi - kahit sa panahong malabo. Wag kang mag-alala. Di ka naman mag-iisa, kahit kailan."

Lahat gustong magkaroon ng araw para lumiwanag yung buhay nila, pero mas gusto ko yung buwan para malaman kong kahit sa dilim, di ako mag-iisa, may kayang tumanggap at magmahal sa akin.

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.