Tuesday, July 19, 2011

Ang Pag-asa

Lahat sila'y nakaabang sa akin. Patuloy nila akong inaasahan. Malapit na malapit na kitang mayakap, hindi ako bibitaw. Alam kong patuloy lang silang aasa, hanggang di kita nakukuha, hanggang di ka nila nakikilala. Hindi ko sila bibiguin. Sa huli, mayayakap din kita, saang lupalop man ako mapadpad. Alam kong may pag-asa pa ako, may pag-asa pa tayo. Makukuha kita, pangako!


***Sa September, madedeklarang ikaw at ako. PANGAKO!

1 comment:

  1. Hintay lang. May tamang panahon para diyan. Hayaan mo silang mag-abang. Bukas lahat yan magugulantang. Misyon mong may isang buwan na nakalaan. Posibleng mapa-aga yan.
    Malay mo, sa susunod na buwan? Kapit lang. Tuloy ang trabaho, para sa taong sinisinta mo. Nararamdaman ko, isang magandang supresa ang nag-aabang sayo.

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.