Wednesday, January 11, 2012

Ang Taken At Taken For Granted


SIYA:
Kami nga. Alam kong kami nga. Hindi ko alam na may iba pa siyang mahal. Akala ko buong puso niya para sa akin. Akala ko nung pumasok kami sa relasyon, ako lang, wala ng iba. Hindi ko alam ang kwento niyo. Hindi ko alam ang kwentong hinahabol ka pala niya. Hindi ko alam na tanga-tanga akong umaasang seryoso siya sa akin. Seryoso naman siya, seryoso siyang hindi ako seryosohin. O pwedeng seryoso naman siya sa pagpapalipas ng oras sa akin. Hindi ko alam na may kahati pala ako, ang masama pa nito, ang kahati ko, hindi naman siya yung naghahabol. Yung taong mahal ko, hinahabol yung babaeng mahal niya, yung mas mahal niya kaysa sa akin. Ang mas masama pa dun, yung hinahabol niya, baka yun naman talaga mahal niya, naaawa lang siya sa aking iwan ako dahil sa pinagsamahan namin. Yung pinagsamahan naming buong oras naman pala, may ibang tao akong kahati. Tatalikuran mo ba ako 'pag babalikan ka niya?

IKAW:
Ikaw naman talaga ang mahal ko. Special ka sa akin, importante ka sa akin. Bakit ba ayaw mong bigyan ako ng pagkakataon? Bakit ba lagi ka na lang lumalayo? Bakit ba mas gusto mo akong makitang miserableng kasama yung taong 'to na alam mong ikaw naman talaga yung laman ng puso ko? Bakit ba mas gugustuhin mong magsinungaling ako sa kanya? Bakit hindi mo na lang ako harapin para hindi ko na siya masaktan? Saluhin mo ako. Sabihin mong babalikan mo ako. Sabihin mo lang, iiwan ko siya para sayo. Sabihin mong ako lang, sabihin mo naman na ako na lang ulit, tayo na lang sana ulit.

AKO:
Di lahat ng taken masaya. Di lahat ng taken, taken lang. Yung iba taken for granted. Katulad mo, taken ka, humahabol ka naman sa akin. Katulad niya, taken siya, di niya alam taken for granted pala. Gusto kong mainlove. Gusto kong maging taken, pero hindi sayo. Hindi sa ganitong klaseng kwento. Lumalayo ako kasi ayoko na. Lumalayo ako kasi tama na yung sakit na bigay mo nun. Lumalayo ako kasi hindi na lang talaga kita mahal katulad ng dati. Wag kang hahabol. Seryosohin mo na lang siya, kasi seryoso ako nung sinabi kong hindi ako natututong bumalik. Tapos na yung kwento natin, yun na yun. Masaya akong dumaan ka sa buhay ko, pero tandaan mo, dumaan ka lang. Pinadaan lang kita, hindi ko na gustong magstop over ka pa.

PUNTO:
Kung yang puso mo hati, kung ikaw mismo hindi sigurado, wag kang papasok sa isang relasyon. Wag mong ikukulong ang sarili mo sa isang relasyon kung alam mong may maidadamay ka sa kalungkutan mo. Paano niya malalaman na mahal mo pa rin siya kung may karelasyon ka naman? Paano ka malilinawan sa feelings mo kung iipitin mo ang sarili mo? Ang gusto ko lang malaman mo, hindi biro ang relasyon. Mas hindi biro ang pag-ibig. Kung may gusto kang patunayan, patunayan mo. Kung sino ang mahal mo, dun ka. Wag kang mandadamay ng ibang tao para lang lumipas ang oras mo. Wag kang hahabol sa ibang tao, kung may kinakasama ka na. Bago ka humabol, siguraduhin mong wala kang tinatakasan.

**Lahat ng shot ng texts dito, sa phone ko galing. Oo na! Ang emo ng nabubuong conversations lalo na 'pag past ang pinag-uusapan.

1 comment:

  1. Para sa katext mo.

    Manindigan ka. Panget yung magpapakasafe ka sa mga bagay bagay. Pagsinabe niya sasaluhin ka niya e tsaka ka lang babalik? hindi ba pwedeng iwan mona dahil nagkakalokohan na, buoin mo sarili mo, pag ok na tsaka mo purisigihin ang katext mo. Kung MMDA ako huhulihin kita. Swerving ka tsong. Bad yan. Baka mabangga ka mas madame mawawala.

    --opinion ko lang naman..haha ;p

    ReplyDelete

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.