Thursday, May 22, 2014

Ang Totoo Kasi Sa Pag-ibig

Mahal kita, sabi ng isa. Mahal kita, sabi ng isa pa. Pero pareho nilang iniwang sugatan yung isa't isa. Pareho silang umiiyak, pareho silang nasasaktan, pero pinili nilang lumakad papalayo. 

Ang totoo kasi, sa pag-ibig:

1. Dapat tandaan mo na ang mga salitang "Mahal kita" ay hindi katumbas ng mga salitang "Di kita iiwanan kailanman."

2. Wag kang magsasabi ng "Mahal kita" kung hindi talaga totoo. Hindi yan biro. Hindi din biro yung hahayaan mong pumusta yung isang tao sayo ng buong puso niya habang ikaw, naglalaro lang pala.

3. Hindi mo mapipili yung taong mamahalin mo, pero mapipili mo yung oras na mamahalin mo sila. Kahit kasi gaano mo man kamahal yung isang tao, kung hindi ka pa handa, hindi ka pa handa. Tamang timing. Tamang timing.

4. Mahalin mo yung taong gusto mong nandyan sayo panghabambuhay. Alagaan mo.

5. Wag kang matakot magmahal.







No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.