Sunday, July 31, 2011

Ang Pamamaalam Ng Isang Rebound

Naglakbay ako kasama ka. Naglakbay ako kahit maputik ang daan, kahit wala akong tsinelas. Sinamahan kita kahit alam kong puso ko ang pinupusta ko. Akala ko kasi di 'to laro, na di ka naglalaro. Pero tama nga siguro sila, rebound ako, reserba pa. Nalingap lang sandali, siya na naman ang 'yong pinili na kay dali. Lalayo na ako't sa inyo'y di sasali. Paunti-unting lumalayo. Tinatahak ang daang sa inyo'y malayo. Ang byahe ma'y di magiging 'sing bilis ng sa kabayo, ayos lang kasi ang puso ko nama'y binabagyo.

Ngayon, ako'y nagpapalinis ng paa. Ang daming putik ng 'yong alaala ang nadala. Sinusubukan kong ipaalis, dahan-dahan kong tinatanggal. Ngayon ko nga lang napansing muli ang mga paa ko. Napuno na pala ng kalyo dahil sayo. Wag kang mag-alala, siya man ang pinili mo, di na tatagos yan. Magmamanhid lang ako sa kapal nito.

Nga pala, bago mamaalam ng tuluyan, may kailangan akong ipahayag. Sa kapal man ng kalyo ko sa byahe natin, mas makapal pa dun ang nararamdaman ko.
Mahal kita. Hinintay lang kitang maunang magsabi. Mahal kita pero mahal mo siya. Mahal kita kaya ayokong mahirapan ka pa, ngayong sa unang pagkakataon pumili ka na, naging malinaw ang lahat sa akin. Mahal mo talaga siya kaya siya na naman ang pinili mo. Mahal kita, kaya lalayo na.

BYE, Evan!


***Lilipas din 'to. Kaya akong ayusin ng panahon. Dadatng ako sa puntong mawawala 'tong nararamdaman ko. Dadating ako sa puntong tatawanan ko ang kalyong 'to. Pero sa ngayon, dadamdamin ko muna lahat.

Friday, July 29, 2011

Ang Pagsosoundtrip Ng Taong Badtrip


Nakinig ako sa musika. Nagulat ako na musika din pala ito ng damdamin ko. Sinulat ko ang mga tutumbas sa nararamdaman ko. Kasabay sa himig at tempo, ang aking pagsulat. Ang drama. Pati nga ang langit kasama kong magdrama. Simula ng araw na yun, sinamahan ako ng langit sa pagtangis. Kahit wala ka na, may langit na natira.

LET IT GO. Never leave, pls. LIL' LOST HERE. Let's try and take it back. KAY BILIS NAMAN MAGSAWA NG PUSO MO. Dahan dahan mong bitawan puso kong di makalaban. I MISS YOU. Love?. DI NA AASA. At kung hindi man para sa akin ang inalay mong pag-ibig ay di na rin aasa pa na muling mahahagkan. NO CHOICE BUT TO WALK AWAY. Don't we know parting is never so easy. I'M ALL CHOKED UP AND YOU'RE OKAY. Ok lang. STAY. True love is once in a lifetime. FOREVER YOU'RE IN MY ♥. Unti-unti na lang sanang nawala. MAYBE IT'S WRONG TO SAY PLEASE LOVE ME TOO. Walang patutunguhan kahit sabihin kong mahal kita. WHY AREN'T YOU HERE WITH ME?. Someday we'll know, why I wasn't meant for you.

Kaso sa dulo nung kanta.... SOMEDAY YOU'LL KNOW THAT I WAS THE ONE FOR YOU.


Sige na langit, susubukang huling araw na 'to ng pagtangis. Naaawa na din ako sa lagi mong pag-iyak. Huling pagbugso ng bagyo para sa atin. Sana matapos na, hindi ang kanta, hindi lalo ang pag-asa. Sana matapos lang ang pagbugso ng bagyo dahil sumasabay ang aking damdamin. Huling birada na, pangako.


** Bagyo, tumitila ka. Kalungkutan, matatapos ka.

Ang Para Kay JCR


1
Ikaw sami'y malaking kawalan,
Kaya puso ngayo'y parang kalan
Na mas mainit pa sa halalan,
Pag-iyak ay mahirap tigilan.

2
Madaming importanteng salita,
Na talo pa ang mga balita,
Ang payo mo sa'ming mga bata,
Higit ka pa sa isang makata.

3
Panahon mo ngayon ay sumapit.
Ikaw ay wala na sa malapit.
Kami pa din sayo ay kakapit,
Na parang ikaw pa di'y kay lapit.

4
Ika'y sa puso'y magandang lamat,
Na buong buhay kami'y may amats.
Sa ami'y ika'y isang alamat,
Kaya handog ay pasasalamat.


**Para kay "JCR" Mrs. Josephine Cojuangco Reyes. Salamat sa magandang speech na narinig ko nung graduation ng batch '11 nitong April. RIP Ma'am.

Thursday, July 28, 2011

Ang Hiling


Humiling ako sa langit. Ikaw ang hiling ko sa langit. Kaso mukhang magiging malabo na tayo. 7:50pm na, deadline ko 10:00pm. Hindi na nga ata tayo magkakaabot. Akala ko kasi ang hiling ko'y parang auto. Yung alam kong kakayanin kong abutin, yun kakayanin kong pag-ipunan. Naalala ko, buhay kasama ka yung hiling ko.

Kung hindi man tayo umabot sa panahon na 'to, sana sa ibang mundo, may dalawang katulad natin na pinagtagpo at hindi magkakalayo. Kahit sa ibang mundo, yung byahe ng auto ng hiling ko, sana kayanin ang byahe. Sana yung byahe na yun, ako at ikaw, yun katulad natin na hindi na paglalayuin ng tadhana. Sana yung hiling ko, doon sa mundo nila, hindi iiling. Sana sa mundo nila, walang humpay ang lambing.

Maagang paalam, maagang paglaya. Maagang pagbabalik, maagang kasiyahan. Hindi ko alam kung anong mangyayari. Hindi ko alam kung aabot pa ang signs ko.

Pagbigyan niyo na lang po ako, isang hiling na lang Lord, sana mas sasaya siya kung ano mang kalabasan.



**Pagbigyan mo na ako. Kung di mo kakayaning bigyan ako ng parte sa tabi mo, pangako mong masaya ka dyan.

Wednesday, July 27, 2011

Ang Bulaklak Na Pinag-aantay


Madami nang dumaan sa akin at ako'y pinitas. Pero sa huli, ihuhulog akong muli sa lupa. Pinilit kong muling tumubo. Pinilit kong maging mas magandang bulaklak. Pinatibay ako ng panahon, pinaganda ako ng pagkakataon. Nalampasan ko lahat ng 'yun, ito na ako ngayon.

Akala ko pipitasin mo na akong muli, handa naman na ako. Akala ko itatabi mo na ako, nagkamali pala ako. Ako yung bulaklak na pinag-aantay mo. Ibinulong mo sa hangin na baka bukas sira na ang bulaklak na matagal mong itinago. Ilulugar mo ako sa buhay mo para pamalit sa lugar niya. Hindi ko kayang ipilit ang sarili ko sayo.

Mas madali ang paalam, kahit ito'y malamlam. Mas maayos na ang lugar ko sa buhay mo'y aking alam. Hindi ito masaya pero kailangang mamaalam.

Monday, July 25, 2011

Ang Paglubog Ng Araw

Tinahak ko ang lugar kung na saan ang puso ko - yun islang yun, isla don. E van lang ang gamit ko. Sinuong ko sa tubig ang sasakyan ko. Lalong kumaragkarag. Yan tuloy, inabutan ng paglubog ng araw. Inabutan tuloy ako ng pamamaalam. Ang masama pa nito, natuto naman akong humabol sayo pag-ibig, inalagaan nga kita e, may mahal ka lang kasing iba. Ang pag-ibig para sa dalawang tao lang, nawalan tuloy ako ng lugar sa isla mo. Sige, sa susunod na adventure, eroplano na ang gagamitin ko para mas madaling kumawala sa anino mo. Wag kang mag-alala, sobrang puno na ng isla mo, hindi naman ako maglalanding, sisilipin lang kita paminsan minsan.

Ngayon, swak na ako dito sa tubig. Gusto ko din malunod sa emosyon ngayon. Sana nga may maghagis ng salbabida para maligtas ako mula sa papalubog kong sasakyan. O kaya sana ikaw mismo, sagipin mo ako. Marunong akong lumangoy pero di ko pa nasubukang lumangoy ng may mabigat na puso. Buhatin mo 'tong puso kong pinabigat mo, kahit ngayon lang.

Friday, July 22, 2011

Tongue In A Lung: Ang RICO

"Tongue in a lung: Ang *******" na titulo ng mga blogs ay mga parte ng buhay ko na personal. Yung gusto kong sabihin. Ayokong nasa puso ko lang. Ayokong tumameme. Malayang pagpapahayag nga di ba?

Okay! Simula na!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *


Ito ako, basag at luhaan. Hindi dahil umibig ako at iniwan. Para kasi akong nagmamaneho sa isang karera. Sa sobrang saya ng pagmamaneho ko, nalimutan kong kailangan kong tapakan ang preno at pansinin na kailangan ko din magpa-gas. Nakalimutan kong magpreno kaya nakabitin ngayon ang kotse ng buhay ko sa bangin.

Sa September, RICO na sana ako. Sigurado na sana kung natuto akong prumeno. Kung natuto akong mag-aral ng mabuti, magbasa ng libro. Pahulog na ako sa bangin, pero matuto akong lumipad, pangako! Matututo akong abutin yung inaasam ko. Hindi pwedeng makuntento ako na hindi ko kakayanin. Mag-aaral ako, seryoso! Isang buwan na lang, magiging RICO na ako. Peksman!

Mataas na pangarap, di ko kayang bitawan. Kahit pa ako'y mag-rap ng isang buwan.

Papakamatay ako 'pag di ko to magawa. Ibig sabihin, magagawa ko 'to kasi marami pa akong pangarap. Tongue in a lung! Walang bibitaw sa pangarap.

Ang Jeep At Van


Wala nang sakayan dito. Punong puno na ang byahe ng puso ko. Kayang kaya ko ngang bayaran ang amo ko ng boundary buong buhay kasi kumita na ako ng higit pa sa kailangan ko, ng higit pa sa kakayanin kong maubos buong buhay ko. Isang byahe lang, sobra-sobra na. Pero napahinto ako. Pinara mong bigla ang masayang byahe ko. Huminto naman ako. May lugar pa pala sa tabi ko. Bigla kong napansin, sayo lang pala 'to nakareserba. Umupo ka. Hinawakan ko ang kamay mo. Sinamahan mo ako buong byahe ko. Sinamahan mo ako kahit na bumagyo pa, at hindi kinaya ng wiper ko. Hindi mo ako hinayaang mag-isa. Sinamahan mo ako hanggang makagarahe ang jeep ko.

Naglakad tayo. Naglalakad ako kasama ka. Masaya ako, seryoso!

May nakaparada sa banda doon, E van mo naman pala yun. Papasakayin mo ba ako? Kaya kitang samahan sa byahe mo. Di kita iiwan, peksman!

Tuesday, July 19, 2011

Ang Pag-asa

Lahat sila'y nakaabang sa akin. Patuloy nila akong inaasahan. Malapit na malapit na kitang mayakap, hindi ako bibitaw. Alam kong patuloy lang silang aasa, hanggang di kita nakukuha, hanggang di ka nila nakikilala. Hindi ko sila bibiguin. Sa huli, mayayakap din kita, saang lupalop man ako mapadpad. Alam kong may pag-asa pa ako, may pag-asa pa tayo. Makukuha kita, pangako!


***Sa September, madedeklarang ikaw at ako. PANGAKO!

Monday, July 18, 2011

Ang Islang Malayo

1
Ako'y naulol na parang aso,
Nang binasag nya 'kong parang baso.
Kaya taong sarado ang puso,
Na parang di na muling uuso.

2
Ngayon, puso'y iyong kinakatok,
Muling napawi ang aking antok.
Nakarinig muli ng paputok.
Puso'y handang muling lumagatok.

3

Kung ikaw nga lang ay binibenta,
Sa kalye, makiagaw sa bata,
Ako'y pupulot ng mga lata,
Mapag-iipunan ka din, Sinta.

4
Sa islang malayo, isla doon,
May Eagle na pag-ibig ang baon.
Sa paglipas ng mahabang taon,
Sana nama'y ika'y maging ka-on.


***Ito yun tanging tulang ginawa ko na seryoso naman ako, di ko lang ma-express ng mabuti yun pakiramdam ko. Masaya kasi ako. Masaya ako dahil sa Diyos, pamilya ko, kaibigan ko. Bonus ka lang, isa kang sobrang gandang bonus sa buhay ko. Sobrang blessed ko lang. >:D<

***Tongue in a lung na tula, ginawa ko nung ako'y natulala.

***3:59 PM Hematology

Sunday, July 17, 2011

Ang Semento

Gumuho ang puso ko. Gumuho nung iniwan ako ng pundasyon ko. Paunti-unti ang paglalagay ko ng semento. Mabagal pero siguradong matibay. Taon din bago ko natapos ang pagbuo nito. Walang kasing tibay. Ayoko na ngang magpapasok ng kahit na sino, dumugo man ang kamay nila sa pagkatok. Kaso may di inaasahang bisita. Naiwan kong bukas ang pinto, pumasok ka tuloy. Nandun ka na sa lugar kung saan walang nakatapak ng matagal. Bilangin mo ang paglipas ng buwan at taon, baka ikaw na naman maging pundasyon ko. Kaya ngayon pa lang, kung alam mong di mo madidikit ang pundasyon mo sa akin habang buhay, umpisahan mo na ang paglabas. Ngayon pa lang, iwan mo na ako. Iwan mo ako sa panahong di pa ako nakakahukay ng lugar mo sa puso ko. Wag mo akong papaasahin, kung sa huli, iiwan mo ako. Wag kang tatambay, kung sa huli, uuwi ka din sa iba. Wag mong hayaang mahalin kita, kung alam mong di mo ako kakayaning mahalin. Iwan mo na ako ng maaga, para makabili ako ng semento sa hapon, ilalapat ko agad sa iiwan mong bakas. Ang mahal ng semento, kaya sana maging konti lang ang gastos ko sa pagbili nun pag-iiwan mo na ako. Mahal ang semento, kaya mas okay sana kung di ka matutong umalis sa buhay ko para di ko sayangin ang pera ko pambili nun. Mahal ang semento, pero mas mahal kita, mahal na yata kita kaya wag ka sanang matutong umalis. Wag kang tatambay lang, samahan mo akong buuin 'to.

Tuesday, July 12, 2011

Ang Tuldok


Lagi kang sumusulat ng mahahabang talata. Inaayos mo pa nga ang mga salita. Pinapalitan, pinapalalim. Sulat. Bura. Susulat ulit, mali ng spelling sabay lukot. Dudunk para itapon. Ang dami dami mong hinahanap. Madami kang salitang iniipon. Nakalimutan mo yata na handa akong maging parte ng talatang binubuo mo. Ayoko namang mapilitan ka na ilagay ako sa talata ng buhay pag-ibig mo. Kaya ganito na lang, sa kada salita, idagdag mo man o ibawas, kada pangyayari, maganda man o pangit, andito lang ako. Kahit sa dulo lang, ilagay mo ako sa kwento mo. Ilagay mo naman ako sa kwento mo.

Sana kasi kaya kong punuin yang talata mo, kaso hindi mo ako hinahayaan. Oo nga naman. Paano ko mapupuno kung madami kang salitang pagpipilian? Paano ko mapupuno kung ipinipilit ko lang yun sarili ko sayo? Sana maisip mo, hindi naman buong buhay ko ito lang ako. Siguro sa talata mo, ito lang ako. Pero sa talata ng iba, ako yung papel, yung ballpen pati yung kwento.


-Tuldok
PS: Mapapagod din akong maging tuldok lang. 'Pag nawala 'tong nararamdaman ko,
tuloy-tuloy na. Wag mo akong hayaan, gustong gusto kong maging parte ng talata mo.

Ang Maling Kapares


Kapwa tayo tsinelas, ginawa para magkaron ng kapares hanggang sa tayo'y maupod. Nag-iisa ako, nakita mo naman, diba? Akala ko kasi nag-iisa ka din, sinamahan tuloy kita. Nabanggit ko pa man ding gusto kita, nagkamali pala ako na sabihin yun. Nahanap mo na pala siya. Wag mo akong ipitin dahil hindi ka sigurado sa nararamdaman mo. Nasisiyahan ka lang siguro sa bago kong swelas, matagal ko kasing hindi inilakad 'to, tatlong matagal na taon. Masaya ka lang sa akin, natatawa ka lang sa akin, pero kakayanin mo naman na wala ako. Gusto kita, seryosong gusto kita, pero ngayon, mas gusto kong matutong lumakad papalayo na sayo. Gusto kita pero hindi ibig sabihin mauupod 'tong swelas ko sa kakaasa sayo. Gustong gusto na kitang iwan mag-isa. Ayokong umasa, lalo na pag alam kong walang pag-asa. Nahihirapan na kasi akong umasa, mas nahihirapan akong hindi umasa. Palayain mo naman ako. Ayokong umabot sa punto na upod na upod ako saka mo hihilingin na ako na yun lumayo sayo kasi, sa wakas, masaya ka na uli sa kanya. Na hindi mo na kailangan yun pagpapasaya ko. Na kahit havaianas pa ako, alam kong itatapon mo ako pag masaya ka na muling lumakad kasama siya. Nagkamali ako ng timing. Nagkamali din ang panahon na kung kailan handa na ang swelas ko sa bagong paglalakbay, yung sayo naman ang hindi. Malamang, hindi lang talaga swak ang swelas natin. Kapares kita. Yun nga lang, maling kapares.

Sunday, July 10, 2011

Ang Paa


Di ko alam kung paasa ka, o ganyan ka lang talaga. Kahit ano pa, umasa naman ako. Umaasa pa din ako. Wag mo namang gawin 'to sa akin. Alam ko imposibleng maging bagyo tayo para magkaron ng pag-asa, kaya nga hindi na e. Hindi na aasa, susubukan. Pero ikaw, sa susunod na paasahin mo ulit ako, magmula ulo magmumukha kang paa, kahit mahal pa kita.

PS. Di ko yan paa pero umasa ako sayo, paasa!

Ang Maling Tao


Nakipaglaro ako ng chess sayo. Ipinusta ko pati ang puso ko kahit na di ko na maalala paano maglaro nito. Kinalimutan ko 'to tatlong taon na, pero para sayo, aalalahanin ko. Ipinusta ko maging ang sinabi kong di na muli akong makikipaglaro. Swabe naman nung umpisa. May kasama pang lokohan. Ang saya nga e, akala ko kasi ipinusta mo rin yung puso mo sa laro natin. Akala ko patas 'tong laban. Galaw ko. Galaw mo. Ako, ikaw. Ako na naman, at huli mong galaw, wala. Maling tao yung nadampot mo, kinailangan ko tuloy matalo. Sana di ko na lang nakita. Sana napapikit na lang ako nung panahon na yun. Sana di ko na lang inalala ang patakaran sa larong 'to, edi sana paulit ulit pa tayong makakapaglaro. O kaya, sana nung sinabi ko sayo na gusto kitang kalaro, nalaman ko man lang na ako yung gusto mong kalaro, hindi siya. Binabawi ko na yung puso ko, next time na lang ulit. Sa panahong di ko na ipupusta sayo yung puso ko, makikipaglaro ako uli. Masaya kang kalaro, swerte niya. Malas ko lang siya pa din ang gusto mong kalaro.


Tongue in a lung! Salamat sa beer! Pinalaya mo ako. Next time uli.

Friday, July 8, 2011

Tongue In A Lung: Ang Pagdodoctor

"Tongue in a lung: Ang *******" na titulo ng mga blogs ay mga parte ng buhay ko na personal. Yung gusto kong sabihin. Ayokong nasa puso ko lang. Ayokong tumameme. Malayang pagpapahayag nga di ba?

Okay! Simula na!

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *


Nasa punto ako ng buhay ko na alam ko ang gusto ko. Sabi ko magiging doctor ako. Sa edad na 35 baka makapag-asawa ako. Sa parehong edad na yun, tagumpay na ako. Pero may Doctor na nagsalita sa amin kanina. "You'll be a different person once you started being a doctor." , "Kung makakabalik ako sa panahon, hindi ako nagdoctor. It's not worth it."

Doctor siya at sa kanya ko pa narinig yun. Bigla akong napaisip sa buhay ko. Pero ang halos lahat sa buhay ko, hindi ako sigurado. Ang sigurado ko dalawa lang: May Diyos at pamilya ako, magiging medtech at doctor ako.

Sa buong buhay ko, seryosong wala akong pinangarap. Nung Highschool ako? di ko nga alam kung may mangyayari sa buhay ko. Ako yung taong nabubuhay para kumain, matulog, manood, maligo, tumawa at umiyak. Wala na akong alam na iba. Maloko ako higit pa sa kung anong naiwang kalokohan sa akin ngayon. Madami akong pakulo na ako mismo hindi ko maintindihan bakit ko ginagawa. Gagawin ko lahat ng bagay na gusto ko. At ako yung eksaktong ibig sabihin ng walang hiya at walang patutunguhan. Wala akong pangarap. Di ako natutong mangarap.... noon.

Ito lang ang tangi kong pinangarap. Seryoso! Peksman! Gusto kong maging doctor kasi ang taas ng respeto ng lipunan sa kanila. Yun yung bagay na hindi ko nakuha kasi walang hiya nga ako. Muntik na akong walang patunguhan. Kaya hindi ko na gustong maririnig ulit yung "Batang walang hiyang walang patutunguhan." Kung doctor na ako, kahit walangya pa ako, ang maririnig ko "Walang hiyang Doctor." Walang hiya man ako, pero doctor ako. May pinatunguhan ang buhay ko.

Totoo lang, pag-iniisip ko 'to ngayon naiiyak ako. Isipin mo, yung batang walang patutunguhan, walang pangarap, ito na. May pangarap at may kakayahang abutin ang pangarap na yun. May oras na kasama ko nga HS friends ko, "Magmemed ka talaga?" Ngumiti naman ako sabay sabing "Oo!" Yun barkada ko nung HS (Ning, Jed at Mik), nasa kotse kami pauwi galing Tagaytay, alam mo yung alam kong masaya sila para sa akin nung nag-uusap kami ng mga plano namin sa buhay. Si Perfy (Yumol) na higit kanino pa man, sobrang paniniwala sa akin. Uurong pa ba ako? Suportado nila ako e. Pati pamilya ko. Alam ko lalo na si God.

Panghahawakan ko to. Kaya ko 'to, Doc! Nakapagdesisyon na ako. Di ako uurong kapalit man nito ang magkapamilya ako (nandiyan naman sila mama at papa, ako na lang mag-aalaga sa kanila). Di ako uurong kahit ano pa yan. Ito lang pinangarap ko, hindi ko gugustuhing di 'to matupad. Salamat Doc, desidido na ako!

Ang Libro Ng Pag-ibig


Natatakot akong matulad ang ngayon sa libro ng pag-ibig ko kahapon. Binigay ko ang lahat ng kaya ko. Pati ang pag-ibig na para sa sarili ko, binigay ko sa kanya. Pero hindi kailanman naging sapat yun. Binuno ko ng taon taon, pero natabunan ako sa iilang oras lang. Nagtapos kami. Natapos ang libro namin. Sinara niya.

Tatlong matagal na taon, ito ako. Higit pa sa buo. Higit pa sa masaya. Higit pa sa inakala ko. Naghilom ako. Nakapagpatawad. Naisara ko rin ang libro namin, sa wakas. Hiling ko lang, hindi na muling magbukas ang libro ng pag-ibig para sa akin. Masaya ako. Buo ako. Nabubuo ako dahil meron akong Diyos, pamiya at mga kaibigan.

Pero bakit may hawak kang ballpen? Sigurado ka bang sisimulan natin ang istorya ng libro natin? Seryoso ka ba? Ang hirap mo kasing basahin. Ang hirap malaman kung kakayanin mong maneryoso sa pagsulat nito. Baka kasi sa gitna ng pagsulat natin ng libro ng pag-ibig natin, doodle lang pala ang gusto mong gawin. Wag naman. Wag naman sana.

Wednesday, July 6, 2011

Ang Pagdating


Ang tagal kong nalumpo. Ang tagal kong hinayaang daanan ako ng mga tao. Hinayaan lang din naman nila ang wheelchair ko. Binitawan niya ako. Walang naglakas loob na saluhin ako kaya natuto akong paandarin ang gulong nito gamit ang kakaunting lakas na naiwan sa akin. Kaya ko naman. Sanay naman na din ako. Masaya akong malaman na matibay ako, na kaya kong mag-isa. Mapapagod ako, alam ko. Pero hinihiling ko na bago ako mapagod sa pagpapagulong nito, dadating ka. Dadating ka na kaya akong tulungan sa pagpapaandar ng buhay ko. Dadating ka na kaya akong hawakan ng mahigpit, na aabutin ng panghabang buhay. Magiging matibay ako, ipangako mo lang, dadating ka.

Sunday, July 3, 2011

Ang Bakas Ng Isang Linggo


Tuwang tuwa akong linisan ang lapag na buong buhay kong iniingatan. Buong buhay akong nakangiti, minsan lumuluha, habang nilalakaran ang lapag ng buhay ko. May mga nag-iwan ng bakas, may mga masayang bakas, meron ding hindi. Sa tagal kong iningatan ang lapag na 'to, isang linggo akong nalingap. Natuwa yata ako sa taong yumapak sa lapag na iniingatan ko. Akala ko nga buong buhay kang tatapak dito, pero nilimitahan mo sa isang linggo. Isang linggo pero ito ang bakas mo. Isang linggo lang, isang linggo lang naman pero buong buhay ko na namang susubukang linisan ang iniwan mong bakas. Ayoko ngang linisan kasi umaasa pa akong gugustuhin mong tumapak at hindi na iwan pa ang lapag ko. Pero wag ka sanang tatapak ulit kung gugustuhin mo lamang na linisan ko ang lapag na muli mong lilisanin.

Friday, July 1, 2011

Ang Paglalakad



Naglakad ako. Naglalakad ako. Maglalakad ako. Hindi ko lang namalayan na simula pa noon, andyan ka na sa tabi ko. Mali e! ganito pala, hindi ko lang nabigyang pansin na dati pa, sinasamahan mo na ako sa paglakad ko. Kamay pa kasi ng iba ang hawak ko. Patuloy ang paglakad ko pero hindi ka nawala. Binitawan na niya ang kamay ko pero andyan ka pa din, kasama ko. Ngayon, gustong gusto kong hawakan ang kamay mo. Pero meron ka na yatang gustong hawakan na iba. Pinalagpas ko na dati ang kamay na yan dahil humawak ako sa kamay ng iba. Pinalagpas ko na dati ang tyansa ko sayo, ang tyansa natin. Ngayon, magiging matibay ang tuhod ko. Pasensyahan na lang, hahawakan ko ng mahigpit ang kamay mo. Pasensyahan na lang kasi alam kong mas kaya kitang hawakan at hindi saktan. Para sayo, kakapit ako. Sana lang may makapitan ako. Suntok sa buwan pero kakayanin ko, kaysa naman palagpasin ko na naman yang mga kamay na swak sa kamay ko.


Tongue in a lung, maging matibay ka kaibigan.

Ang Bandalismo


Isa akong maayos na upuan. Matagal hinubog para maging handa sa takbo ng buhay. Hinanda ako para maupuan. Handang handa akong sabayan ang buhay. Pero kahit kailan, hindi ako hinandang maupuan mo at maglalagay ka ng malaking bakas sa buhay ko. Hindi ko alam pero ginusto ko ang tatak na ginawa mo sa akin. Halos isang linggo mo rin akong inupuan, tinapos mo pa yung marka mo sa akin. Kaso matapos yun, natuto kang tumayo mula sa akin. Hindi mo ako nilingon. Hindi mo na ako muling inupuan. Ito ako, naiwanan ng iyong bakas. Sana yung susunod na uupo sa buhay ko, hindi lang magdadala ng bakas sa buhay ko. Sana siya na yung magbibigay ng bandalismo sa akin buong buhay ko. Yung taong hinding hindi matututong magsawa sa pag-ukit ng alaala kasama ko.