Sunday, November 24, 2013

Ang Promise


Ikaw sa akin:
Ang sama mo kahit kelan. Itaga mo sa **** di na kita kakamustahin. PROMISE!


Wala naman akong magagawa. Pinili mo yan. Wala naman akong pinanghahawakan sayo kahit kailan. Okay lang. Sanay na ako. Sanay na ako sayo. 


Ako sa sarili ko:
Di naman 'to yung unang beses mo akong ginanyan. Di din naman 'to yung unang beses na nagpaalam ka. Sanay na ako sayo. Sanay na sanay na. Kaya nga di ko sinasanay sarili kong nandyan ka, kasi alam kong laging dumarating sa ganito.

Alam mo ang nakakatakot sayo? Ikaw yung tao na kaya mong humawak ng madaming tao sa kamay mo, tapos kapag napagod ka na, bibitaw. Magpapaalam. Buti na lang nasanay na ako. Buti na lang paulit-ulit. Kakaulit, kakaulit, di na masakit. Kakaulit, kakaulit, manhid na.

Ang alam ko, walang break up sa friendship. Ang alam ko, di dapat itago sa friendship, kasi walang malisya. Ang alam ko, kapag kaibigan, kaibigan buong buhay. Pero sayo? Laging may kundsiyon. Laging itinatago. Kaya mahirap makipagkaibigan sayo, kasi kapag natuto na naman akong dumepende sayo, bebreak-an mo pati friendship natin. Di na mauulit 'to, PROMISE! 



PS. Pa-asterisk ka pa dyan. Fats lang naman yan, itinago mo pa. 

No comments:

Post a Comment

May karapatan kang ipahayag yan. Tongue in a lung, wag kang tatameme.